All I Ask (as requested - Part 2)

44 2 3
                                    

***Please listen to the All I Ask cover by Leroy Sanchez (see above) towards the end of this story. Enjoy!



It's been 5 years, 5 long years since Tae moved to Paris with Kuya Jin. 5 long years na wala akong balita sa kanya. Iniwasan ko din magtanong kina mama. Natatakot akong malaman na meron na siyang iba, na meron nang ibang nagpapasaya sa kanya. Yes, hindi pa din ako nakakamove on. Para akong tanga na umaasang babalik pa siya sakin. Don't get me wrong because I tried to move on pero hindi eh, siya pa din hanggang ngayon. Alam kong si Chim updated yun pero napagkasunduan na ng tropa na wag paguusapan or wag ipapaalam sakin para na din makatulong na magmove on ako. They tried to help me. I tried my best, but I guess I have to try harder.


Akala ko nga hindi ako makaka graduate ng college kasi nawala talaga ako sa focus nung umalis siya. Daig ko pa yung namatayan eh. Ang bilis naman kasi talaga ng nangyari. Kausap ko lang siya tapos narealize mo na wala na siya, naka alis na. Hanggang ngayon pag naiisip ko yung nangyari samin, naiiyak pa din ako eh. Muntik pa akong masipa sa varsity team namen dahil hindi ako nag aattend ng mga trainings. Yung pagiging university heartthrob ko dati, naging university snob! Eh paano, kahit sinong magpa cute sakin, hindi ko talaga pinapansin. Hanggang friendship lang talaga yung kaya kong ibigay. Hindi naman kasi sila si Tae para pagbigyan ko ng attention ko.


After I graduated from college, nagstart na ako magwork sa company namen. Merged company yun ng parents namen ni Tae and ako yung papalit na CEO kay daddy kaya bugbugan sa trabaho. Sinabi ko kasi sa sarili ko nung umalis si Tae, I'll be a better version of myself, kaya ginagawa ko talaga yung lahat to excel. I want to make my parents proud. I want to make Tae proud. Lumilipad pa isip ko nang may biglang kumatok... Si Suga pala... Sabay kaming nagstart magwork dito sa company and super sipag niya kaya natuwa sina daddy and papa sa kanya. Hindi nagtagal, ginawa siyang head ng Finance Department.





Suga: Oh, bat ganyan na naman mukha mo?

Jungkook: Same old shit [sabay kibit balikat]

Suga: Same old shit? Work or Tae?

Jungkook: [naku mangaasar na naman tong kumag na to] Hyung, why are you here? May problema ba sa department mo?

Suga: [umupo sa sofa] Ayus, ang galing mo din umiwas eh. Tignan mo kaya anung oras na. Baka pwede na tayong kumain, nagugutom na ko.

Jungkook: [napatingin ako sa oras sa laptop] Luh, mag 1PM na pala. Bat ngayon mo lang ako pinuntahan?

Suga: Eh kung tignan mo kaya yang cellphone mo. Kanina pa kita mine-message. Hindi ka ba marunong gumamit niyan?!

Jungkook: [tinignan ko yung phone ko sabay kamot sa ulo] Sorry hyung, hindi ko napansin kasi –

Suga: Kasi iniisip mo na naman si Kim Taehyung. Chong, 5 years na nakaraan. Kung babalik yun, matagal na niyang ginawa. Wala ngang paramdam eh. Tahimik na yung tao, hayaan mo na.

Jungkook: Hyung, alam mo naman kung bakit ako ganito diba. Simula umpisa, ikaw lang may alam ng lahat.

Suga: Oo nga, ako may alam ng lahat kaya ako lang din mag isa yung iritang-irita sa mga kagaguhan mo nung college tayo. Ang laki mong tanga eh! Inuna mo kaduwagan mo. Si Tae hindi natakot na isugal yung friendship niyo, naging totoo siya sa nararamdaman niya. Hindi ko maintindihan bat ikaw yung natakot. Alam mo namang mahal ka nung tao.

Jungkook: Grabe ka talaga eh, walang filter yung bibig mo.

Suga: Eh tanga mo eh! Dahil dun sa mga pinaggagawa mo dati, naniwala ako na fair si Lord.

MALAYA || 💜TaeKook💜 ||Where stories live. Discover now