"Makikita mo ako mamaya, uncle. Maghintay ka," sabi ko.

"Please...'wag ang pamilya ko! Nagmamakaawa ako sa 'yo."

I don't see sincerity in his face.

"Nakakaawa ka naman, uncle," sarkasriko kong tugon. That won't work for me. Sa tingin niyan ganiyan-ganiyan na lang? Napailing ako.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Malapit na kami. Ilang segundo ang lumipas at huminto na ang kotse. Isang malamig na umaga.

"Itaas kamay!" sigaw ko. Nakatutok sa kaniya ang tuktok ng armas ko. He does what I commanded.

"C-Cholo, ikaw na ba 'yan?" nagulat niyang tanong.

"Buksan mo ang pintuan mo. Ibigay mo sa 'kin ang susi." Nilahad ko ang palad ko sa harapan niya. Ayaw pa sana niyang ibigay kaya tinutukan ko siya sa ulo, "Mabilis ka naman pala kausap."

Lumabas ako ng mabahong kotse na 'yon. Humampas kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Nakapikit ang mga mata niya at tila ay nagdadasal. I opened the door for him.

"Labas!" sigaw ko. Nasa madilim kami na parte ng lugar. Walang tao at tanging gubat lang.

"Ito na. Alam kong ikaw si Ch---," humampas ang likuran niya sa kotse. Napadaing siya sa sakit at napasigaw sa pagkabigla, "A-Ano ba ang kailangan mo?!" naiiyak niyang sigaw, "Kung gusto mong bawiin ang kompanya, ibibigay ko sa 'yo basta palayain mo lang ako." Kunwari ay hindi niya sinasadya na matabig ang sumbrero ko.

I looked at him sharply, "Sa tingin mo ganiyan ako ka uto-uto? Kung nauto mo ang mga magulang ko, ako, hindi." I punched him using my gun. Tumabingi ang mukha niya. He hold his jaw then smile playfully.

"Ang laki mo na ngayon, Cholo," komento siya. Sa sobrang inis ko sa ngiti niya ay tumama ang ilang suntok sa tiyan niya.

Napaluhod si Theodor sa mabatong daan. He cough, holding his tummy. Hindi pa ako nakuntento, I kicked him.

"Why did you do that?!" umalingawngaw ang boses ko sa malawak na lupain. I gritted my teeth.

He eyes darted at me, "Ang alin, Cholo?" he acted like he doesn't have idea.

"Set them up! Kidnap us and kill them," inis na inis kong sagot sa kaniya. Umiinit ang mukha ko at kumukulo ang dugo ko. Gusto ko siyang patayin pero kailangan ko ng sagot. I pointed the gun at his forehead.

Ngumisi siya at inayos ang buhok niya, "Kaya mo bang paputukin 'yan sa ninong mo? Naalala mo pa ba na lagi tayong naglalaro noon?"

"SHUT UP!" I pulled the trigger. Natamaan siya sa kaniyang braso. Umupo ako sa harapan niya. He is still smiling like crazy. Hinawakan niya ang sugat na nagsisimulang tumulo ang dugo, "Sagotin ko ako," bulong ko sa kaniya. Itinutok ko ulit anv baril sa bandang sugat niya. Mapaglaro akong ngumiti. Diniinan ko ito hanggang sa dumaing siya sa sakit.

"Ah! F*ck! Ah!" he groaned.

"Gusto ko bang maputol ang kamay mo sa panibagong bala o mawalan ka ng dugo?" tanong ko sa kaniya.

Sumama ang tingin niya sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You and your parents deserve that!" muling pumutol ang baril.

"Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko," sabi ko sa kaniya. Halos mawalan siya ng malay dahil sa sakit. Lumpasay siya at hawak ang kaniyang braso.

"Tang*na mo! Magbabayad ka!"

Sinipa ko ang tuhod niya, "Hoy! Kayo ang dapat magbayad. Wala pang kalahati ng interes ang sugat mo."

Malakas siyang tumawa, "Dapat kidnap for ransom lang 'yon, e. Pero ayaw magbayad ng daddy mo ng 10 billion. Mabuti nga at pinatay na lang sila ng cortez," sabi niya. Minsan ay napapasinghap sa sakit.

DS #4: Our Bloody Life Where stories live. Discover now