Napapabuntong-hininga ako habang nakatingin sa salamin at iniisip ang mga sinabi ni Bianca tatlong araw na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung bakit sobrang naaapektuhan pa rin ako sa mga sinabi nito. Sinimulan ko rin alisin ang make-up at lipstick na nasa mukha ko. Napangiwi ako no'ng makita ko ang maputla kong mukha sa salamin. Nagsuot din ako ng simpleng damit at may kahabaang palda.

Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay naisipan ko nang lumabas ng aking kwarto para puntahan si sir Tristan sa kusina. Napangiti ako dahil sa nakalipas na tatlong araw ay halos hindi kami nagkakausap ng maayos ni sir Tristan dahil naging busy ito sa trabaho habang ako naman ay sa pag-aaral.

Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko pang nasa harap ng kalan si sir at okupado sa kung anumang niluluto nito. Napangiti nalang ako at natuon nalang ang aking pansin sa ibabaw ng lamesa. Namangha ako dahil sa ayos niyon ngayon na may kandila sa gitna at may bungkos pa ng bulaklak sa ibabaw.

"What the hell is this?" Reaksiyon ni sir na ikinatingin ko dito. Muntik pa akong matawa dahil hawak-hawak nito ngayon ang sunog na karne habang nakakunot ang noo.

"Ako nalang magluluto, sir" Agaw pansin ko kay sir. Nagulat pa ito ng mapansin nito na nasa harapan na pala ako nito.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong pa nito. Ngumiti ako bago nagsimulang lumapit dito.

"Medyo, sir" sagot ko naman dito dahilan para mapakamot ito sa batok. Natawa naman ako ng mahina dahil nagmukha itong batang nahihiya. "Ako na bahala dito, sir" Dagdag ko pa na inagaw na dito ang tong na hawak nito.

"Sa tingin ko kailangan kong magpaturo magluto sayo or I should enroll in cooking school. I want to cook for you" wika ni sir bago ko naramdaman ang pagyakap nito sa akin mula sa aking likuran. Napatingin pa ako sa mga bisig nito na nakapulupot sa aking baywang.  Lihim akong napangiti habang sinisimulan na ang pagluluto ng pork chop.

"Ako nalang ang magtuturo sayo, sir" wika ko naman dito. Naramdaman ko pa ang ang pagpatong ng baba nito sa balikat ko.

"Then let me see" wika naman nito na lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. Hinayaan ko nalang ito at ipinagpatuloy nalang ang pagluluto. Ang landi ni sir! "You look different" bulong pa nito sa may tainga ko na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi kaya hindi ko napigilan ang mapalunok-laway.

"Huh?"

"You look more prettier than before" sagot naman nito na ikinangiti ko. Natutuwa ako dahil nagagandahan pa rin ito sa akin kahit wala akong suot na make-up at lipstick.

"Talaga? Hindi ba ako pangit kapag wala akong make-up at lipstick?" Paninigurado ko pa dito. Naramdaman ko naman ang pag-iling nito sa balikat ko na lalong nagpangiti sa akin.

"As I told you, you become more beautiful, love" sagot nito. Tapos na ako sa pagluluto kaya naman umikot ako para humarap dito. Hindi pa rin nito inaalis ang mga bisig nito sa baywang ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng magkasalubong ang mga mata namin. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na hininga.

"Bakit mo nga pala ako nagustuhan, sir? Nagustuhan mo ba ako dahil sa maganda ako?" Tanong ko na lalong ikinatitig nito sa akin. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang nitong pinitik ng mahina ang aking noo at tumawa.

"Are you really that confident, woman? Hahaha! Is that the result of complimenting you?" Natatawa na tanong pa nito sa akin na ikinasimangot ko. Sinamaan ko pa ito ng tingin dahilan para mapatigil ito sa pagtawa.

"Seryoso ako, sir" wika ko pa dito. Naging seryoso din naman ito bago ginulo ang aking buhok. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na hininga bago ngumiti sa akin.

"Don't think too much, love" Panimula nito na hinaplos pa ang aking pisngi. Hinintay ko naman ang iba pa nitong sasabihin. "I'll be honest with you. Yes, I'm attracted to your beauty because you are indeed beautiful. Maybe that is one of the reason why I started liking you, but that is not enough reason for me to fall hard. I fall for you not just because of your appearance, but because of your innocence, sense of humor, and kindness. I do love you because you are a kindhearted, love"  Wika nito sa madamdaming tinig kaya naman hindi ko napigilan ang maluha. Napangiti naman ito bago pinunasan ang luha ko gamit ang daliri nito. Hindi ko na napigilan ang yakapin ito ng mahigpit.

"Tsk! My crying baby" Natatawa na wika pa nito bago ako niyakap pabalik at hinalikan sa ulo. "I have to give you something, love" Dagdag nito bago bumitaw sa akin. Hinayaan ko naman ito at sinundan nalang ng tingin.

Lumapit ito sa lamesa para kunin ang isang bungkos ng bulaklak na nasa ibabaw niyon at dalawang paper bag na ngayon ko lang nakita. Inabot nito ang mga iyon sa akin na agad ko namang kinuha habang hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Bakit may pa-ganito, sir?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito. Ngumiti ito sa akin.

"Pambawi sa tatlong araw na pagiging busy ko sa trabaho" sagot nito na lalo kong ikinangiti. Hindi ko napigilan na silipin ang laman ng mga paper bag. At mula sa loob ng mga iyon ay nakita ko ang cellphone at mga libro. Napatingin ako kay sir na parang nagtatanong. "Bumili ako ng cellphone para hindi kana lihim na gagamit ng cellphone ko para tawagan ang pinsan ko. You can call him anytime" Dagdag nito kahit nahihimigan ko sa boses nito ang disgusto na tawagan ko ang pinsan nito. Natawa ako ng mahina dahil doon. Pakiramdam ko ay lalo akong nahuhulog dito dahil sa sobrang tiwala na ibinibigay nito sa akin.

"Bumili na rin ako ng libro para may mabasa ka kapag busy ako sa trabaho at para------" Hindi ko na ito pinatapos sa mga sinasabi nito dahil mabilis ko itong hinalikan sa labi.

"I love you, love" Agad na wika ko matapos ko itong halikan. Natigilan ito sa ginawa ko pero agad din naman itong nakabawi.

"You always surprise me, woman" Natatawa na wika ni sir.

Nagulat ako no'ng bigla nitong kinuha
ang bulaklak sa kamay ko para ipatong muna iyon sa lamesa. Napaatras ako ng mapansin ko na may kakaiba sa mga tingin nito sa akin hanggang sa mapasandal ang likod ko sa refrigerator at makulong ako sa mga bisig nito. Sinimulan din nitong haplusin ang pisngi ko.

Nang mapatingin kaming pareho ni sir sa labi ng isa't-isa ay sabay pa kaming napalunok-laway. Hindi ko na napigilan ang mapapikit ng mapansin ko na unti-unting bumababa ang mukha nito sa mukha ko. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko no'ng maramdaman ko na malapit nang maglapat ang mga labi namin nito.

"Ops! I'm sorry for interrupting!" Pukaw ng isang boses dahilan para mapamulat ako.

"Damn you Sebastian!" Reaksiyon ni sir na agad napalayo sa akin. Agad ko namang napansin si Sebastian na ngayon ay natatawa. Naramdaman ko bigla ang pamumula ng aking pisngi lalo na ng makita ko ang dalawang kasamang babae ni Sebastian.

"Ella? Ele? Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ko sa dalawa kong kaibigan mula sa probinsiya. Halata sa mga itsura nito ngayon na nagulat din ang mga ito sa naabutan. "Sino naman 'yang kasama niyo?" Tanong ko pa ng lumabas sa likuran ng mga ito ang isang lalaki na ngayon ay nakangiti sa akin.

🌻 Too many ants! 😁 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now