CHAPTER 21

3 1 0
                                    

Chapter 21 : Defensive

MIA'S POV

Habang kumakain kami ng hapunan ay agad na nag-isip ng topic si dre at aerah.

May bonfire sa gitna ng camp site namin. Malamig din at amoy gubat ang simoy ng hangin. Pero nakakatakot pumunta sa mga puno-puno dahil madilim na. 'Mag-tatabi po' nalang ako kapag inutusan man akong pumunta sa mga puno-puno. Tiningnan ko nalang ang bonfire na kasalukuyang nilalagyan ng kahoy para lumakas lalo ang apoy.

'Parang gusto kong sunugin dito si dre e..dejk.'

Nasa labas kami ng tent ko at sabay sabay kaming kumakain. Nakisabay din 'tong butiking 'to samin. Tinutopak 'to kanina tas sasabay samin kumain, hanep yan!

"Felix, nasan na mga magulang mo?" Tanong ni dre habang sumusubo ng pagkain.

Umubo si aerah kaya napatingin si dre sa kaniya. Ang akward kaya pag tinatanong mo 'yong mga personal na bagay.

"My parents died 5 years ago." Malungkot na sabi ni felix habang nakatingin sa plato niya.

Naging tahimik ang kapaligiran kasabay ng mga kuliglig sa paligid.

"Ah..sorry kung pinaalala ko pa.." Tumikhim muna si dre bago ulit magsalita. "...may kapatid ka diba?" Tanong ulit ni dre, napa-chismoso talaga nitong guard na 'to.

"Uhmm...yeah I have. I'm not sad because she's there for me." He clenched his jaw while staring at his food.

"Ah mabuti naman kung ganon..kasi may kasam---

"Pero bakit ang yaman mo naman..I mean, saan ka kumukuha ng mga allowance o money mo kada week?" Biglang singit sa usapan ni aerah kila felix at dre.

"Well, that's not my allowance. It was from my parents last will and testament. Before they died, they certainly gave me their inheritance." Bored niyang sagot sa dalawa kaya napanganga nalang silang nakaharap kay felix.

'Hindi niya allowance yun kundi sa kaniya talaga yun. Grabi, ang yaman naman niya, sana ol!'

Nagkwentuhan pa kami tungkol kay felix. Dahil napa-chismoso ni dre, tanong lang siya ng tanong at ako naman ay nakikinig sa mga napapag-usapan nila.

Maagang naulila si felix kaya lumaki siya ng walang mga magulang sa tabi at ang naiwan lang sa kaniya si ayirah, his little sister.

Nasa malayo ang mga kamag-anak niya at ang mga pinsan niya naman ay may sari-sarili ng buhay. Kahit ganito si felix, nakaramdam ako ng kalungkutan sa puso.

Naiintindihan ko minsan ang sitwasyon niya dahil minsan na kaming iniwan ni papa at nasa kabilang buhay na siya. Pero nasa tabi ko pa si mama, tita at hendrix.

Kahit siga 'to sa kanto, war-freak at basagulero. Madami din siyang inaakong mga problema at mga responsibilidad bilang kuya kay ayirah.

Siya na rin daw tumayong mga magulang at kuya kay ayirah sa tuwing umiiyak si ayirah at hinahanap nito ang mga magulang.

"Ang bait mo palang kuya? Wow..that's sad:(" malungkot na sambit ni dre at paiyak-iyak habang pinupunasan ang kunwaring luha sa mga mata niya.

'Wala namang luha pero ba't may papunas pang nalalaman? Sabog ba 'to?'

"I guess...." He said as he looked at me. "...how about you mia? Where's your parents?"

Natigilan ako dahil naalala ko na naman si papa. Bigla nalang naging malungkot ang aking mukha nang tingnan nila ako.

"Si mama, tita at Hendrix lang ang kasama ko sa bahay...." tumikhim muna ako bago ulit magsalita. "....at si papa, wala na rin siya." Sabi ko habang pinaglalaruan ang pareho kong kamay.

Tapos na kami kumain kaya tinabi na namin ang mga platong ginamit namin. Tuloy pa din kaming nagkwekwentuhan kaya napunta 'to sa family ko. Hindi ako galit sa kanila dahil pinaalala nila sakin pero nalulungkot lang ako.

"Ah I didn't mean to say that..." suhensyon niya habang nakatingin sakin. "....I'm sorry.." paumanhin ni felix.

"No, okay lang 'yon haha." Sabi ko habang hinihimas ang aking batok.

Sa totoo lang, okay lang naman sakin e. Ngumiti nalang ako habang nakatingin sa kanila. Sadyang namimiss ko lang si papa kaya ako nalulungkot ng ganto.

Well, ang akward ng gantong senaryo sa aming apat. Nakaramdam ako ng ilang sa kanila kaya tumagilid nalang ako ng upo. Si aerah naman umubo ulit habang tinatakpan ang bibig. Si felix naman, feel na feel yung hangin na dumadapo saming direksyon. At si dre naman...ayon, hindi pa rin tapos magsalita.

"Kayo na ba ni mia?" Biglang sabi ni dre habang tinatapik sa balikat si felix. Natigilan ako sa sinabi niya. Teka..anung sinabi niya? Kami? Magjowa?

Feeling ko tuloy namumula pareho kong pisngi. Bakit ako namumula dahil lang sa sinabi ni dre? Jusq, bakit ako ganto?

Yumuko lang si felix habang si dre nakatingin sakin. Agad ko siyang hinampas sa balikat at dumaing naman siya sa sakit.

"Aray!!! Anong ginawa ko? Ang defensive mo masyado kaya ka nahahalataan." Reklamo ni dre habang paiyak na. Lumapit siya kay aerah at saka sinubsob ang mukha sa likod. Tinatapik naman ni aerah sa likod si dre.

'Pisti, may topak din yata 'to?'

"May something kasi kayo ni felix kaya niya 'yon nasabi." Sabi sakin ni aerah.

"Anu..m-mag kaibigan lang kami, oum." Pagdedepensa ko kahit may halong utal.

"Magkaiban? O magka-ibigan? Bagay kaya kayo, diba aerah?!?!" Biglang singit samin ni dre na parang iniinsulto pa ako saka habang tinuturo kaming dalawa ni felix. Abnormal talaga 'nitong safeguard ay este 'itong guard sa landbank na 'to, RAHHHHHH!

"Baliw ka ba? Kung anu-anu sinasabi mo dyan e nonsense lang naman!" Pagproprotresta ko sa kaniya habang magka-krus ang mga braso ko. "...saka may girlfriend na 'tong si felix eh, diba felix?" Nilingon ko si felix na tahimik lang sa gilid habang may pinuputol na malilit na stick sa inuup-an.

Nilingon naman nila dre at aerah si felix kaya takang lumingon si felix samin.

"Huh? Ah...oo may girlfriend na ako." He said kaya nakahinga ako ng maluwag. Pag pinagpatuloy niya pa, eh kung anu-anu pang pumapasok sa utak ni dre ata erah, jusq.

"Oh diba? Sabi sa inyo eh...tinutulungan ko pa nga siya-

"...Magiging girlfriend ko pa lang." Pag-papatuloy niya saka kinuha ang lahat ng plato namin except sa plato ni dre at saka siya tumayo sa kinauup-an niya.

Nang tuluyan na siyang makalayo, naririnig ko pa 'yong hagikgik ng dalawang katabi ko.

"Anung ibig sabihin 'non? So it means..." paputol na sinabi ni aerah saka ako hinarap. Hinawakan niya 'yong pareho kong balikat. "...may chance ka pa sa kaniya!"

"Anu..? Antok lang yan kaya matulog na kayo-

"Anung antok? Sabog ka 'teh? Wag ka na magpaliwanag at alam na namin ang totoo!" Sabi ni dre habang nakanguso.

"Oo nga!! Una na kami, mukha kayong nag-LQ!" Pag-papaalam ni aerah saka sila bumalik na sa tent nila.

"LQ?" Sabi ko saka sila takang ko tiningnan.

"Love-quarrel!" Sigaw ni dre kaya napatingin sa kaniya lahat ng mga tao.

'Anung love-quarrel na yan!? New word ba 'yon sa pandinig ko? Omg, I need some oxygen...'

Gusto ko si ken kahit nireject niya ako. Pero nag-sisink sa utak ko ang mga linyang sinabi niya sakin.

'I respect your feelings but I can only see you as a friend.'

Nalulungkot na naman ako huhu. Hinawakan ko ang mga mata ko saka napagtanto kong walang luha? Chineck ko din ang tibok ng puso ko, normal naman sa pagtibok.

Bakit parang wala lang sakin 'yong mga salitang 'yon?

Ugrhh ang gulo ng utak ko uwu:<

Naglakad na ako papunta sa tent ko dahil matutulog na daw kaminh lahat.

Nakaramdam naman ako ng pagod kaya dumeretso nalang ako.

'Hayssss anu kayang nangyayari sakin?'






To be continued ~♡☆♡☆♡

Until her dreams open up (On-going)Where stories live. Discover now