CHAPTER 13

7 1 0
                                    

Chapter 13 : Felix's room

MIA'S POV

"Anong ginagawa mo diyan? Come here!" Sinensyahan niya akong pumasok sa loob ng mansyon pero andito ako sa labas at nakatulala sa malaki niyang mansyon.

Kahit nasa tapat ako ng mansyon ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng disensyo. Nahihiya akong pumasok dahil first time kong makapasok sa mamahaling mansyon pero ba't ang daming guards sa labas? At sumalubong din si felix ng mga maids at inaasikaso siya.

"Oo..teka lang naman!" Sambit ko saka wala na akong magawa kaya napag-disisyunan kong pumasok nalamang at iniwan sa labas ang dala kong payong.

Pagkapasok ko sa mansyon ay bigla nalang ako inasikaso ng mga maids at inalalayan nila akong tanggalin ang bag ko at yong coat. Tumitingin tingin ako sa paligid at sa taas.

'Ay grabi naman..may pa-chandelier pa siyang nalalaman! Isa lang masasabi ko....SANA OL!!'

Hindi ko maiitangging mayaman siya, lalo't na gangster siya sa school kaya siguro siya ginagalang ng mga istudyante at kaya niyang sagut-sagutin ang mga guro. At ang sabi nila ay mamamatay tao daw si felix pero mukha namang mabuting butiki. Siguro, fake news lang 'yon? Pag may time siya, tatanungin ko siya tungkol dito.

Maya-maya ay nangibabaw sakin ang pamilyar na boses at tiyak na kilalang kilala ko.

"Kuya?...Why are you wet po? Did you go to- ATE MIAAAAAAAA!!!!!!!!" Halos tumalon sa malaking hagdan si ayirah matapos makita ako. Mabilis siyang lumapit sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"I missed you ate mia!! I'm glad you're here po!" Malambing niyang pasabi at nagulat naman ako.

'UwU...kunwari anak namin ni ken ayieeeee dejk. Pero teka...kuya? Ibig sabihin....kuya niya si felix?....kuya niya si felix?? NO WAY!!.'

"K-Kuya mo si felix?" Turo ko kay felix na kasalukuyan nakakunot-noong nakatingin sakin saka umiwas ng tingin.

"Yes po..why?" Curious na tanong ni ayirah.

"Ah...wala lang, nagulat lang." Sambit ko.

"Wait...Do you know this girl? Ayirah?" Sabat at naguguluhang tanong ni felix kay ayirah.

"Yes kuya...actually, she's the girl that I've been talking about these recent days. She even help me to find ate tina, remember?" Sambit ni ayirah.

"Tsk!" Tiningnan niya ako ng makahulugang tingin saka ulit umiwas ng tingin.

"Anyway, let's go to my room and let's play some games ate mia!" Yaya sakin ni ayirah saka hinila ako paakyat ng hagdan.

"Hey...where are you going ayirah? Where will you take her?" Tinuro ako ni felix saka ito mag-krus ng braso.

"Uhmmm...to my room kuya, even it's raining outside, we will play first so that ate mia doesn't get bored here." Paliwanag ni ayirah sa kuya niya.

'Pahingi nga ako ng tissue, tumutulo na ng dugo 'yong ilong ko pisti.'

"Ah okay lang ako dito ayirah...uuwi din ako kapag tumila na ang ulan. Dito muna ako pansamantala hehe." Sabi ko kay ayirah.

"Aw..if that's the case, let's play hide and seek here in living room." Ngumiti sakin si ayirah na pumapalakpak dahil sa tuwa.

"Ah...sige sige!" Pumayag ako dahil gusto ko din makalaro ang anak namin...ay este, si ayirah.

"Okay! Uhmm...kuya, do you want to join us?" Tanong niya kay felix na kasalukuyan pinagmamasdan kami.

'Ang creepy naman ng butiking 'to.'

"No thanks! Magpapalit lang ako." Sambit niya saka lumingon sakin. "Ikaw? Hindi ka magpapalit babae?"

Until her dreams open up (On-going)Where stories live. Discover now