CHAPTER 10

6 0 0
                                    

Chapter 10 : Ayirah shireen de gu--

MIA'S POV

SIMULA nang nag-paquiz si prof kahapon, bigla akong nakaramdam ng antok saka pagod. Ikaw ba naman..tuloy tuloy na lessons tas biglaang quiz pa. Ang akala namin ay sa susunod pa magpapa-quiz at dahil daw madaldal ako, napapa-aga ang quiz.

Pagkatapos 'non, umuwi agad ako saka dumeretso sa aking kwarto. Hindi naman ako nakaramdam ng gutom dahil yata sa pagod o antok. Kaya hindi ako nagugutom. Hindi ko na namamalayan na naipikit ko na pala ang aking mata kaya naman mahimbing na ang tulog ko.

*****

"ATE!!!!!!!" Bumangon agad ako sa kama nang biglang may sumigaw sa kwarto ko.

"Ano na naman ba 'iyon, hendrix?" Galit kong sabi dahil naistorbo niya ang mahimbing kong tulog.

"Sorry ate kasi nae-excite lang ako dahil....." May kinuha siya sa kaniyang bulsa saka itinapat sa aking mukha ang dalawang ticket. "Pinayagan ta'yo nila mama at tita magsine..kaya bilisan mo na diyan ate...magmumog ka muna kasi ang baho ng hininga mo." Nakatakip pa ang kaniyang daliri sa ilong niya na bahagya pang umiwas sa pwesto ko.

"Piste ka, malamang bagong gising ako!agang-agang hendrix...nangbwebwesit ka'na agad!" Agad ko nang kinuha ang twalya ko saka sabay na kaming bumaba.

"Bakit? Totoo namang mabaho yang bibig mo kahit sa unan mo, mabaho pa rin yang hininga-

Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang bigla ko siyang kinurot sa tenga.

"Aba, sino kaya sating dalawa ang MAS mabahong hiniga? Diba ikaw 'yon?" Nakangisi kong sagot sa kaniya.

"At least lagi akong nagbibitbit ng mint para mabango parati."

"Mint o mentos?" Takang-tanong ko sa kaniya.

"Uhmm...parehas lang ate..basta, maligo ka'na dali!" Tinulak niya na ako sa banyo.

"Hindi pa nga ako nakakapag-almusal, pinapaligo mo na ak-

Bigla niyang sinara ang pintuan saka naglakad palayo. Ang sama talaga ng ugali non! Bahala na nga, maliligo muna ako nago ako mag-almusal.
Mga ilang minuto ang lumipas at tapos na akong maligo. Nag-hahanap ako sa cabinet ko ng damit pero kaunti nalang ang nandito.

Nag-suot nalang ako ng white hoodie with maong shorts saka nag-converse na sapatos ako para sosyal. Hehehe

"Tara na ate--- ba't ang iksi ng short mo?" Kunot-noong tanong niya sakin.

"Wala na akong damit e. Kung gusto mo, labhan mo lahat ng damit ko para magpalit ako." Sabi ko.

"Wag ka nang magpalit..uutusan mo na naman akong maglaba, Tse!" Pataray niyang pasabi saka lumabas na ng bahay.

"Baklang 'to!" Sambit ko.

"Hindi ako bakla ate kaya----

"Whatever."

Dahil sabado ngayon, wala na akong nagawa kundi sumama nalang sa kaniya. Tutal, boring din dito sa bahay.

*******

"Ate?" Patawag niyang sabi habang nakapila sa sinehan dahil malapit na magstart.

"Bakit?" Lumingon ako sa kaniya na hawak na hawak yung dalawang ticket sa kaniyang kamay. Nasa SM mall na kami saka kami dumeretso sa sinehan.

"Bumili ka kaya ng popcorn saka softdrinks?"

"So inuutusan mo na ate mo ngayon?"

"Oo..saka malapit lang naman bilihan dito e kaya please ate?" Nag-puppy eyes pa siya sa harapan ko. Kala mo naman bagay sa kaniya e mukha naman siyang unggoy.

Until her dreams open up (On-going)Where stories live. Discover now