CHAPTER 20

4 1 0
                                    

Chapter 20 : Panda stuffed toy

MIA'S POV

Time check - 6:01 pm

"Sa mga nakakuha ng mga red flags, Tignan nyo sa likod ang mga code at ang kapareha nyo! Dahil mag-gagabi na, kailangan nyong mag-share sa iisang tent dahil ang iba ay hindi nakadala ng mga sariling tent."

Anunsyo ulit ng isang professor habang nasa gitna ng pila. Nauto kaming mga istudyante na may malaking prize na makukuha pero yun pala,

'makikipagshare ng tent!'

Ang dami nilang pakulo sa buhay hindi nalang mag-ambag para makabili ng tent pero sige lang, sino ba naman ako para mag-suggest diba?

Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko ng may gusto si ken kay Ami pero sinubukan ko pa din umamin sapagkat mali 'iyon.

'I respect your feelings but I can only see you as a friend.'

Nalulungkot ako sa sarili ko dahil napahiya ako slight kay ken pero ok na yon at alam niya din.

'Haysss ang buhay ay sadyang ganyan~ ay meganon? Napapakanta tuloy ako! Pisti-'

Bumuntong-hininga muna ako saka binuksan ang nasa likod ng red flag na hawak ko.

'24-25?'

Ay shala meganon? Anong klaseng code 'to? Wala na siguro silang maisip na code kaya 2-digits nalang ginawa nila.

So 24 ako at ang makakashare ng tent ko ay si no. 25? Sino kaya 'to? Baka adik 'to sa kanto? Malilintikan siya sakin kapag may ginawa siyang masama sa akin.

Hinahanap ko ang tent sa camp site dahil gusto ko nang kumain sa loob ng tent ko. Malaki laki naman ang dala kong tent kaya hindi na siya magreklamo.

"Mia!!" Tawag sakin ni aerah at saka lumingon naman ako.

"Oh bakit? Miss mo na agad ako aerah kaya mo ko tinawag?" Magkrus ang mga braso ko saka tiningnan si aerah.

"Ba't parang naging O.A ang lola natin? Anong chika mo buong maghapon?" Biglang singit ni dre sa usapan namin.

Oo nga pala, hindi ko pa nababawian ang guard na 'to!

Lumapit ako sa kaniya at sabay binatukan ng malakas para madama niya yong sakit na nararamdaman ko dejk.

"Ouch, meseket po mareng mia kaya serrey ne!" Paumanhin sakin ni dre sabay lapit kay aerah.

"Tse! Akala mo hindi masakit pinagsasabi mo sakin? Na patay gutom ako? Bakit..hindi ba 'yon masakit ha? Ikaw nga inuulam mo kalapati eh--

"Ano bang pinagsasabi mo dyang kalapati e hindi nga kumakain ng tae 'to, kalapati pa kaya?" Kunot-noong tanong ni aerah sabay umirap.

"Grabi naman aerah, tae talaga? Galit na ako sayo hmp!" Nagtampo agad si manong guard, ang cute.

"Hindi biro lang hehe." Sabi ni aerah.

"Hello..andito pa ako hoy!" Singit ko sa kanilang dalawa na nagkukulitan.

"Ay oo nga pala, sorry mia dahil napalakas ang tulak ko sayo kanina...ikaw kasi e!" Sabi niya sabay tawa.

'Grabi ang concern ng 'sorry' mo dre, salamat nalang sa lahat, oum.'

"Psh...ok lang." Sabi ko saka hinarap si aerah.

"Mia, nakita mo na ba 'yong makikipag-share sayo?" Tanong ni aerah sakin at nililigid ligid niya ang kaniyang mata para hanapin 'yong partner ko.

"Ah eh.. wala pa ata siya kaya kung wala siya edi mabuti 'yon! Solo flight ko ang tent ko!!" Proud kong sabi sa kanila. Pumalakpak nalang sila sakin sabay pilit na ngumingiti.

Until her dreams open up (On-going)Where stories live. Discover now