Kinabahan ako kaya agad kong inalis ang pagkakatalukbong ko sa kumot para malaman kung ano ang nangyayari. Napamaang ako ng malaman ko na buhat-buhat ako ngayon ni sir Tristan palabas ng aking kwarto.

"A-anong ginagawa mo, s-sir? A-akala ko ba nasa opisina mo na ikaw? S-saan mo ako dadalhin? B-bitawan mo na ako, sir!" Natataranta na sunod-sunod na tanong ko kay sir Tristan habang pumipiglas.

"Damn woman! Huwag kang malikot" suway sa akin nito no'ng muntikan na akong mahulog dahil sa kakapiglas ko.

Natahimik naman ako bigla dahil mukang kinabahan ito. Humigpit naman lalo ang pagkakahawak nito sa akin.

"Tsk! Sorry, just stay calm ok? I'll answer your questions one by one. First, nandito ako para alagaan ka dahil hindi kita kayang iwan lalo na't may lagnat ka. Second, I'm not in the office because I'm here----" Hindi nito agad itinuloy ang iba pa nitong sasabihin dahil sinamaan ko ito ng tingin sa pagiging pilosopo nito. Tumawa lang ito ng mahina. "---I called my secretary to bring my paper works here and third, I'll bring you to my room" Dagdag nito na ikinamulaga ko.

"A-ano?"

"I'll bring you to my room to monitor you" sagot nito sa akin.

"P-pero bakit sa k-kwarto niyo pa, s-sir? P-pwede naman sa kwarto ko nalang e" Tanong ko pa dito habang hindi mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"Because your room is too small for us" sagot naman nito na saktong napatapat na sa pinto ng kwarto nito. Napalunok-laway ako.

"P-pero-----" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla nalang itong tumigil sa paglalakad. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na hininga.

"Stop hesitating, Ica. Pwede bang itrato mo naman ako na parang boyfriend mo at hindi amo mo lang? And please stop worrying because I will not harm you, I just want to monitor you" Seryoso na wika nito na ikinatahimik ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng konsensiya. Narinig ko pa ang mahinang pag-asik ni sir bago ito muling naglakad, hindi para pumasok sa kwarto kung hindi para bumalik sa kwarto ko.

"I'm sorry if I'm too fast. Ibabalik nalang kita sa kwarto mo. I'll check you-----" Naputol ang sinasabi ni sir dahil mabilis ko itong hinalikan sa labi na ikinagulat nito. Ikinapit ko din ng mabuti ang mga braso ko sa leeg nito at isinubsob ang aking mukha sa dibdib nito. Nararamdaman at naririnig ko ngayon ang mabilis na tibok ng puso nito.

"Sa kwarto mo nalang tayo, love" Bulong ko pa dito.

Narinig ko ang sunod-sunod nitong paglunok ng laway dahil siguro sa pagkabigla. Lihim naman akong napangiti.

"The heck!" Naging reaksiyon nalang nito dahil sa gulat. Baliw si sir!

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi ng makarinig ako ng ingay. Bahagya pang kumirot ang ulo ko no'ng sinubukan kong umupo sa kama.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ni sir. Napansin ko pa ang isang plangganang tubig at isang bimpo na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi lamang ng kama. Napangiti ako dahil mukang inabyad akong mabuti ni sir Tristan. Napansin ko rin ang nakabukas pa nitong laptop at mga papel na nakakalat sa isa pang lamesa na nasa loob ng kwarto nito.

Nagsimulang hanapin ng mga mata ko si sir Tristan. Nakita ko ito na nakatayo habang nakatalikod sa may bintana. Napakunot-noo pa ako ng mapansin ko na meron itong kausap sa cellphone nito. Sino naman kaya ang kausap nito?

"I can save the company without your help, Bianca. So stop threatening me. I'm done with you" Narinig ko pa na wika nito sa kabilang linya bago nito ibinalik ang hawak nitong cellphone sa bulsa ng suot pa rin nitong slacks.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga na para bang may malalim itong iniisip. Napansin ko rin ang paghilot nito sa sentido nito at pagluluwag ng suot nitong kurbata. Hindi pa manlang pala ito nakakapagpalit. Halatang marami itong ginagawa at may problema itong kinakaharap sa kompanya nito pero nagagawa pa rin ako nitong alagaan. Nakaramdam ako bigla ng konsensiya. Napabuntong-hininga ako.

Nang bumaling si sir sa direksiyon ko ay bahagya pa itong nagulat dahil nahuli nitong nakatitig ako dito. Ngumiti naman ako dito dahilan para mapangiti rin ito sa akin. Masyado akong swerte para maging girlfriend nito.

"You are awake" wika pa nito sa akin. 

Tumayo ako sa kama para lumapit dito. Natigilan pa si sir no'ng bigla ko nalang itong niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita, sir" wika ko pa habang nakasubsob sa dibdib nito. Naramdaman ko ang paghaplos ng palad nito sa aking likod.

"A-are you still sick, woman?" Hindi makapaniwala na tanong nito sa akin.  Lalo ko naman itong niyakap ng mahigpit. "Tsk! I love the way you cling with me. I love you too, love" Natatawa na dagdag pa nito bago ako niyakap pabalik.


🌻Clingy! Haha naol 😂 choss! Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now