c h a p t e r t w e n t y - t w o

Start from the beginning
                                    

Aabante na sana ang galit na si Weng pero pinigil ko siya. This was my fight, at hindi na kailangan pang madamay ng mga taong mahalaga sa akin.

"Pumunta ako rito kasi kailangan kong makausap si Tito Erning. Hindi naman ako informed na security ka ng Elixir at kailangan ko pa palang dumaan sa 'yo."

Tasha scoffed. She tossed her hair and raised her brow at me. "Ikaw pa ang matapang e ikaw naman ang nagdala ng problem sa atin? What will you do na? Dalawang kasal na ang ruined because of you, Megan! Kalat na kalat na ang reputasyon ng Elixir na taga-ruin ng kasal. Wala ng gustong kumuha sa atin and it's all because of you."

"Tasha, hindi kasalanan ni Megan—"

"Shut up, Weng. Huwag mo ng ipagtanggol 'tong homewrecker na malandi mong friend."

Nagsimula nang lumapit sa amin ang iba naming mga kasama. Rinig ang mahina nilang bulungan at ang pagtigil ng kilos ng iba. Nakita kong sumilip si Kenny at naglabas ng cellphone para itutok sa amin, just like he always would. Tumakbo papunta sa amin ni Vince. He pushed his way to get to us at agad na hinawakan sa braso si Tasha na tinabig naman ang kamay niya.

"Tash," he called to her. His brows were knitted together with worry and frustration. "Huwag kang gumawa ng eksena, please. Napag-usapan na natin 'to sa Bicol."

"Eksena?" Tumaas ang boses ni Tasha at tuluyan nang nanood ang lahat. "'Yang friend mo ang gumagawa ng scene, hindi lang dito, maski there sa Bicol! Kung hindi lang kasi makapal ang face niya at pumunta pa siya rito, e 'di sana tahimik tayong lahat. Ngayon lang ako nakakita ng taong kayang humarap sa lahat after everything na nagawa niya. Imagine, she was trying to steal the groom and had the audacity to ask for money pa?"

"Hindi 'yan totoo. Hindi ako mang-aagaw." I shook my head.

"Napaksama talaga ng ugali mo, 'no?" sagot ni Weng at dinuro si Tasha. Hinawakan ko ang kamay niya, pero ayaw niya magpaawat. "Nakita mo mismo 'yong nangyari. Hindi kasalanan ni Megan na manloloko si Ronny kaya nasira ang kasal nila ni Patricia, at mas lalong hindi kasalanan ni Megan kung insecure si Kiana kasi gago si Derek at mabaho ang ugali ng pamilya."

"Oh, please! Nakikita niyo kung anong klase work ethics mayroon ang mga 'to?" Tumatawang itinuro kami ni Tasha sa harap ng lahat. "Pare-pareho pala kasi kayong mga cheap at no modo." Nilapitan niya ako, itinulak sa balikat. I stumbled, but Weng held me close.

"Ano ba!" Itinulak ni Weng pabalik si Tasha at pumagitna sa amin si Vince. "Huwag mong madakit-dikit maski 'yang dulo ng daliri mo kay Meghan."

"Oh how precious she is," kutya ni Tasha. She tutted her tongue and walked threateningly close to me. Pinigilan siya ni Theo, pero itinulak niya ito. "Stop protecting someone who's the cause of everyone's demise. Hindi siya deserving na ipagtanggol kasi siya ang may gawa nito sa sarili niya."

With a smirk, she raised her cup and poured it over my head. I gasped, at narinig ko rin ang pag-alma ng iba. Pero ang tanging nasa utak ko lang bukod sa lamig sa aking mga pisngi ay ang sinabi ni Tasha.

Siya ang may gawa nito sa sarili niya.

Pumikit ako nang mariin at pinunasan ang mukha. Weng was shouting at inabutan naman ako ni Vince ng panyo. Kahit na gustuhin kong umiyak, hindi ko magawa. Gulong-gulo ang utak ko. Ganito pala naramdaman ni Derek noong binuhusan ko siya ng kape. Gusto kong matawa.

"Anong kaguluhan 'to?" Dumating si Tito Erning at nagsibalikan ang lahat sa mga cubicle nila. But Tasha stayed where she was with her head held up high.

"Sir, tingnan niyo naman ginawa ni Tasha kay Megan. Basang-basa 'yong tao," reklamo ni Weng kay Tito Erning. Lumingon sa akin si Tito at kahit hindi ko siya matingnan pabalik, naramdaman ko ang agad niyang pag-iwas ng tingin.

His LossWhere stories live. Discover now