c h a p t e r t w e n t y - o n e

7.6K 321 45
                                    

         GALIT NA INILAPAG NI MAMA ANG DALAWANG TASA NG UMUUSOK NA KAPE SA LAMESA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

         GALIT NA INILAPAG NI MAMA ANG DALAWANG TASA NG UMUUSOK NA KAPE SA LAMESA. Nakatinginan kami ni Theo nang matapon iyon nang kaunti at agad naman niyang inabot ang pamunas sa lamesa para linisin iyon. Padabog na inihagis ni Mama ang basahan sa lababo at bumalik.

I took a deep breath. Kinakabahan na nga ako, binigyan pa ng kape. Bumili naman ako ng softdrinks noong isang araw, ubos na ba 'yon?

"Pasensya na," nanggigigil na sabi ni Mama at umupo sa harap naming dalawa ni Theo. Nagpunas siya ng pawis sa noo at parang nahahapo sa galit.

Alright, now or never na ito. Inilapit ko ang upuan ko sa kanya at matamis na ngumiti. "Ma, pasensya na kung hindi ako nakauwi kagabi—"

"Hay nako, Megan!" pagputol niya sa akin at agad na natikom ang bibig ko. "Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung nasaan ka! Ni hindi ka man lang nag-text. Ayan si Markus—" itinuro niya ang kapatid ko na nasa sofa. Aba ang loko, nagawa pang kumaway habang kumakain ng isang garapon ng Pili nuts. Inismiran ko siya. "Tawag 'yan nang tawag sa 'yo kagabi kaso hindi ka sumasagot! Pumunta pa rito sa bahay 'yong katrabaho mong si Jens ba 'yon?"

"Vince, Ma."

"Ah basta! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo. Kababae mong tao, sumasama ka kung kani-kanino para matulog sa resort. Dito pa talaga sa San Juanito kung saan centro ng pugad ng mga tsismosa?!"

Narinig kong nabilaukan si Markus sa kinakain pero hindi ko siya pinansin. "Ma, nagkaroon lang kasi ng emergency kahapon kaya hindi ako nakauwi." I paused, thinking about how to phrase the next words. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mama na hindi ako nakauwi kagabi kasi hiyang-hiya ako sa pagkakamali ko. Dapat kasi nakinig ako sa kanya pero hindi ko nanaman ginawa. "Mabuti namang tao si Theo. Sinamahan niya lang ako."

Saglit na sinilip ni Mama ang nakangiting Theo at umirap ulit. "Malaki ka na, Megan. Wala naman na akong karapatan para pigilan ka sa mga desisyon mo sa buhay. Katawan mo 'yan, isip mo 'yan, buhay mo 'yan. Ang akin lang, sana matuto ka namang umiwas sa mga bagay na ikinapahamak mo na noon. 'Yong nangyari noon..." she paused as if to collect her thoughts, then she released them with a tired sigh. "Nagsimula rin 'yon sa pagtakas mo at tsismis ng mga kapitbahay. Ayaw ko na iyong maulit pa dahil hindi ko kakayanin." Tinitigan ako ni Mama at para namang inipit ang puso ko sa sakit. "Baka ako ang sumunod sa papa mo."

Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Ma, naman. Huwag ka namang ganyan. Sorry na. Hindi na mauulit."

Hindi man namin madalas mapag-usapan ang tungkol sa nangyari kay Papa, isa iyon sa mga bagay na gabi-gabi ay bumabagabag sa akin. I knew that the only reason why they rarely brought it up was because it still hurt. Alam kong mas pinili na lang ni Mama, Markus, at Tito Erning na magpanggap na para bang tanggap lang nila ang nangyari at umuusad kami araw-araw dahil mahal nila ako. Kaso, hindi ko maatim. Hindi kaya ng konsensya ko na pakinabangan ang pagmamahal at pag-intindi nila kasi mas madali para sa akin. Dahil ang totoo, hindi pa rin kami umuusad mula sa nakaraan.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon