c h a p t e r t w e n t y - t w o

7.2K 285 26
                                    

         ISANG LUGAR ANG DINAYO KO AGAD pagdating ng Maynila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

         ISANG LUGAR ANG DINAYO KO AGAD pagdating ng Maynila. Mahigpit ang hawak ko sa malamig na handle ng glassdoor ng Elixir. I just stood there outside, waiting for courage to arrive as I prepared for the words that would surely hurl their way toward me. Kahit nakatulog ako nang mahimbing kagabi pagkagaling ko sa biyahe kasama si Theo, hindi pa rin ako nakaipon ng tamang lakas ng loob para harapin ang lahat ng tao sa opisina.

Kahit na gawa sa salamin, blurred pa rin ang double doors ng opisina. Noon, I hated it kasi gusto ko, kita ko agad kung may umpukan at ako ang topic. Pero ngayon, I found comfort behind the obscured glass that separated me from their judgement.

Hindi nila makikita ang panginginig ng mga labi, kamay, at tuhod ko. They wouldn't see how I failed to comb my hair properly, the rip on my blouse from the jeepney ride on the way here. Hindi nila makikita kung ilang beses akong huminga nang malalim bago umakyat. All they would see was a woman who faked her confidence despite the failure—just the old classic Megan who always smiled.

Umiling ako at nag-practice kung paano ngumiti. I combed my fingers through my hair and hid the tear of my blouse behind my faded, faux leather bag. At pagkatapos ng apat na beses na paghingang malalim, I finally forced myself to push the door open.

Saglit na natahimik ang lahat. Sa loob ng tatlong segundong iyon kung saan nakatitig sila sa akin, nakaramdam ako ng matinding panliliit, but I kept myself steady and forced my feet to walk forward.

At tila walang nangyari, bumalik ang lahat sa kanya-kanyang trabaho na parang hindi ako nakita. I sighed a breath of relief.

Napalingon sa akin si Vince na nakatayo nanaman sa harap ng desk ni Weng. His eyes widened, and with a gasp, he tapped our friend's shoulder. Tiningnan na muna siya nang masama ni Weng bago ako tuluyang napansin. At the sight of me and my tense smile, she immediately stood.

Si Tasha ang unang lumapit sa akin. She took slow but sure strides toward me, her matte red pumps clicking away on the marble tile and her lean arms crossed over her torso. Walang pag-aalinlangan niya akong hinarangan at pinigilan na makalapit sa opisina ni Tito Erning. Tinitigan ko siya at ang ngisi sa pulang-pula niyang labi. Pagod na pagod na akong makipag-away sa kanya kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa hawak niyang iced coffee at dilaw na folder

"At talagang pumasok ka pa." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. She didn't bother hiding the scowl on her face. "Bilib din naman talaga ako sa confidence mo, Megan. Impressive."

Napasinghap siya nang bungguin ni Weng. "What the heck?"

Lumapit sa akin si Weng. Kinuha nito ang braso ko at tinaasan ng kilay si Tasha. "Puwede bang padaanin mo 'yong tao? Nakaharang ka sa daan e hindi naman sa 'yo."

Tasha looked amused. "Ah, hindi ba sa akin?" she said, placing a delicate hand over her chest. "E bakit, sa kanya ba?" turo niya sa akin gamit ang hawak na kape. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Weng. "Kahit naman pamangkin siya ng may-ari, all she ever does is bring more problems. Tapos ngayon, ang lakas pa ng loob na bumalik. Hindi ka ba natatakot na baka may dala 'yang bad omen and scary, dark aura?"

His LossWhere stories live. Discover now