c h a p t e r o n e

42.8K 765 215
                                    

            KAPAG DAW NAKAKAKITA KA NG DOBLENG MGA NUMERO ang ibig sabihin daw noon ay may mensahe ang mga anghel para sa 'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

            KAPAG DAW NAKAKAKITA KA NG DOBLENG MGA NUMERO ang ibig sabihin daw noon ay may mensahe ang mga anghel para sa 'yo. Pero habang maluha-luha akong nakatitig sa number eleven sa plate number ng humaharurot na sasakyan ng mag-fiancé na kliyente ni Tito Erning, at sa P1, 111.00 na bill namin sa restaurant kanina, napagtanto ko na impyerno yata ang may mensahe para sa 'kin.

Lagpas isang libo na agad ang bill para sa appetizer at ilang tasa ng kape. Napagastos na nga, masasabon pa mamaya.

Halos mapa-upo ako sa sidewalk pagkatapos maging primary witness sa live na paghihiwalayan ng dalawa. Hindi nga lang ata ako witness, ako pa ang naging cause of separation dahil sa napakadaldal kong bibig.

Nagsimula naman nang maayos ang meeting. In fact, finalization na lang ang kailangan. Kaya bilang custom na ng Elixir Weddings and Events at ng maarte kong Tito, we treated our latest clients to dinner.

Well, I footed the bill, sa paniniwalang puwede akong magpa-reimburse mamaya sa opisina.

A service with class and gratitude, 'yan ang sabi ni Tito Erning kung bakit namin ginagawa 'yon. Pero ang nangyari kanina ay walang ni isang bahid ng class at gratitude.

Ni hindi man lang kami umabot sa main course, maluhaluha kong isip. Nakakainis. Nakakalungkot. Nakaka-stress. Bad trip, bwisit. Double B.

Napasigaw ako nang mag-ring ang cellphone ko sa bag. Nahihiyang sinagot ko ang tawag pagkatapos mairapan ng nanay na may tulak tulak na stroller na may lamang natutulog na bata.

"Hello?"

"Boba! Ano nanamang katangahan 'to, Megan?"

Makabasag-eardrum ang boses ni Tito Erning mula sa kabilang linya. Nakakabingi pala talagang masigawan sa telepono. Paminsan, tulad ngayon, nakakaramdam ako ng matinding urge na sakalin si Tito Erning, pero tuwing naaalala ko na siya ang nag-iisang taong nagtiwala at nagpapasweldo sa 'kin ay nalulusaw ang gigil ko.

Marami pa akong utang na babayaran, hindi lang pera, pati utang na loob.

"Tito," malambing kong tawag, umaasang kahit paano ay mabawasan ang galit niya. People love sweetness, don't they? "Hindi ko naman sinasadya. Aba malay ko ba na 'di galing kay Patricia 'yong hickey niya sa leeg! Inasar ko lang naman ng very, very light! Akala ko kasi excited sila para sa honeymoon."

Rinig mula sa kabilang linya ang malalim na paghinga ni Tito Erning. Sa lagay na 'to, mukhang kailangan nanaman siyang isugod sa kanyang cardiologist. "'Yang very very light mong asar ang dahilan kung bakit nawalan ako ng high-end na kliyente! Alam mo bang anim kaming pinagpilian niyan nila Patricia at Ronny? Anim, Megan. At kesehoda pang kay Patricia galing 'yong chikinini o sa bote ng mineral, wala akong pakialam! It's unprofessional to comment on that! High-end ang clientle natin at sila Patricia, high-end ng pinaka high-end. Ano na ngayon ang gagawin natin?"

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon