c h a p t e r t w e n t y

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha?"

Tumango siya na para bang may kausap sa sariling isip. "Kakaiyak mo siguro." Lumayo siya sa akin at kinolekta ang camera, cellphone at iba pang gamit na naiwan sa gilid ng pool. Then, he turned to face and nodded toward the rooms. "Tara, tulog na tayo. Patuyuin mo na lang 'yong damit mo sa loob. Gamitin mo muna 'yong robe na bigay nila."

"Ha?"

Nagbuntong-hininga siya pero sa totoo lang wala pa ring pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagkapahiya iyon o sadyang binalot lang ng lamig ang utak ko.

"'Lika na," he said and grabbed my arm. Lutang ako habang hila-hila niya papunta sa harap ng magkatabing kuwarto namin.

Tumigil kami sa harap ng dalawang pinto na gawa sa bamboo. We stood there for a second too long with nothing but silence between us, then he turned to me with a smile.

Bakit parang sumisikip ang dibdib ko? My hypertension na ba ako?

"Pasok na," sabi ni Theo. Walang salita na sinunod ko siya at binuksan agad ang pinto ko. Just when I was about to shut my door, he called my name; isa sa mga bihirang pagkakataon na nababanggit niya ang pangalan ko.

Pero heto ako at natanga ulit. "Ha?"

Natawa siya at umiling. Ang basa niyang buhok ay nakadikit na sa kanyang pisngi. "Huwag kang pipikit basta sa harap ng kung sinu-sino. Kapag hindi ako, suntukin mo agad. Okay?"

This time, my confusion was at its peak. "Ha?"

"Wala," nakasimangot na sabi niya. "Pasok ka na para gumanda 'yong view ng resort kapag wala na 'yong baga mong mukha. Goodnight."

Tumalikod na siya at kagaya ng inaasahan ay padabog na isinara ang pinto ng kuwarto niya. Napailing na lang ako at pumasok na rin. But as soon as I shut the door and rested my back on it, I couldn't help but remember what he said.

Napahawak ako sa noo ko at parang tangang napapikit. Ramdam ko pa rin ang marka ng kamay niya roon. I giggled.

Ganito pala feeling na matutulog nang nakangiti.

-

Kinabukasan, nagising ako ng malakas na mga katok sa pinto. Umunat ako sa malambot na kama at tinitigan nang masama ang pinanggalingan ng tunog. Bubuksan ko kaya o hindi? Parang mas okay kung huwag na lang muna. Ang sakit ng katawan ko at naubos ang energy ko kahapon kakaiyak. Mas okay siguro—

Limang sunod-sunod na malalakas na katok ang pumutol sa iniisip ko. Okay, fine! Groaning, I forced myself out of bed and dragged my feet to the door. Nakasimangot ang mukha at nagkakamot pa ng gilid nang buksan ko iyon. Ang aga pa.

"Alas onse na."

Binuklat ko ang isang mata at nakita si Theo na bagong ligo pero suot pa rin ang damit kahapon. Ano kaya 'yon, naligo tapos hindi naman nagpalit?

Teka.

My eyes widened and I immediately glanced down at what I was wearing. Double B.

Isang manipis na puting bathrobe na medyo maluwag ang pagkakabukas sa harap at walang bra sa ilalim. Nag-angat ako ng tingin pero nakatitig lang siya sa mukha ko.

I blinked. He blinked. Pagkatapos ay agad kong isinara ang pinto at dumausdos pababa habang pinipigil ang sarili na sumigaw.

Tanga! Tanga sa lahat ng pinakatanga sa mundo ng mga tanga! Tinakpan ko ang bibig ko at nagsisipa. Gusto ko ng magpalamon sa lupa. Wala na akong kahihiyan na natira sa sa katawan. Bakit ba ang kuripot ng suwerte sa akin ngayon? Kulang na ba ang naihuhulog ko tuwing misa?

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon