c h a p t e r s i x t e e n

Start from the beginning
                                    

Tila doon lang muli naalala ni Kiana na may mga kasama sila sa private dining room. Her eyes widened with surprise and she bowed down her head. Pero alam ko na hindi matutumbasan ng hiyang nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Pinalakihan ako ng mga mata ni Tasha, asking me to do something. Nakakatawa lang. Kung alam niya lang kung gaano kalaki ang professionalism na kailangan kong lunukin para magawa ang trabahong sa tingin niya ay napakadali lang.

I smiled at them, sa babaeng pinagselosan ang taong hindi niya pa kilala at sa lalaking binura sa ilang mga salita ang halaga ng pinagsamahan namin. "May oras pa tayo," maya-maya pang sabi ni Derek. "Gusto niyo bang makita ang Mayon?"

Ina perked up in her seat and clapped her hands. "Mayon! I love it. Maganda ang view doon, Kiana. Fiery and hot. For sure makakalimutan mo 'yong irrelevant ex na 'yan. Right, Derek?"

Derek stared squarely at her, then turned to look at me. Ni walang bahid ng pagsisisi na sinabi niya ang mga salitang, "tama ka."

Agad akong nag-iwas ng tingin at natagpuan si Theo na nakatitig sa akin. He didn't say anything but I pretended to smile kasi roon naman ako magaling—ang magtago, hindi ba?

-

Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw nang dumating kami sa Mayon. Hindi pa man kami nakabababa ng van, nailabas na agad ni Kenny at Tasha ang selfie sticks nila at tumakbo tungo sa flower field. Tahimik naman na sumunod sa kanila si Theo na dala pa rin ang sketchpad at camera. Kiana's team got out of their separate van and began shooting Kenny who accepted the attention whole-heartedly.

Naiwan si Kiana at Derek sa loob ng sasakyan, at narinig ko ang paghikbi ni Kiana bago ako bumaba. Gusto kong magmura at hilain si Derek palabas para suntukin. Bakit ba kahit anong pilit ko na manahimik at maging professional, hindi ko matanggap na kailangan kong unawain ang taong umiiyak at magpanggap kahit ako naman ang pinaka nasaktan?

Isang akbay ang muntik nang magpaluha sa akin, pero pinigil ko iyon.

"Ang gago rin talaga ng ex mo, 'no?" bulong sa akin ni Vince at tumango sa van sa may hindi kalayuan. "Harap-harapang panggagago 'yon. Siya na nga 'tong nakasakit, siya pa 'tong makapal ang mukha."

"Ano ka ba, gano'n naman talaga 'yon 'di ba? Hindi iyon dahil sa wala silang konsensya o makapal lang talaga ang mukha nila. Simple lang dahilan, sa listahan ng mga consequence ng magiging aksyon nila, ang saktan ka ang pinakamadali para sa kanila." Tumingala ako kay Vince at ngumiti nang mapait. "Hurting you is oddly convenient for them kaya nga nila nagawa 'di ba?"

He sighed. "Ano? Sirain na lang natin kasal niya para walang masaya?"

Mahina ko siyang siniko. "E 'di wala na tayong trabaho niyan."

"Okay lang." He shrugged. "Ikaw lang naman ang tatanggalin."

Natawa ako. "Aba, mas gago ka pala, e."

Our laughter halted nang biglang bumukas ang van at lumabas si Kiana na may suot na shades. Natigilan siya at si Derek na nakaalalay sa kanya nang makita ako.

"Megan," she said, acknowledging me for the first time. "Can we talk?"

Nagkapalitan muna ng tingin si Derek at Vince bago sila parehong napatingin sa akin. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Derek sa pintuan ng van at ang malalim na paghinga ni Kiana. Alam niya na kaya?

I smiled at her and gave her my brightest smile. "Yes, Ms. Kiana. Wala pong problema. Tara?"

"I just have a few questions."

Malamig ang sa balat ang hangin ng Cagsawa Ruins. Kasabay ng bawat ihip nito ay ang buhangin mula sa perpektong Mayon; minsa'y nakakaabala, madalas parang dumadaplis lang.

His LossWhere stories live. Discover now