c h a p t e r s i x t e e n

Magsimula sa umpisa
                                    

Paisa-isa niyang inalis ang mga daliri ko sa kanyang braso at tumawa. "Parang hindi ka naman yata maayos makipag-usap, Megan." She pouted and spoke in a mocking manner. "Your hands are making me feel ouchie."

"Reena," I said, gritting my teeth.

"Hindi ko alam kung anong trip niyo ng ex mo at kailangan ikaw pa mag-ayos ng kasal niya. Hindi ako magtataka kung hindi alam ni Kiana because surely no bride would want her fiancé's first love to arrange her wedding. Kung hindi ako nagkakamali, malamang itinatago niyo iyon sa kanya." Tinangnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pero kung sabagay, sanay ka namang itinatago. Ilan lang ba sa mga kaklase natin ang may alam na naging girlfriend ka ni Derek?"

"Reena, ano bang gusto mo mangyari? Isang dekada na 'yong issue mo."

"Don't worry, Megan. 'Yong satisfaction lang na makita kang inaasikaso ang babaeng pumalit sa puwesto mong inagaw mo sa akin, that's more than enough for me."

My cheeks turned warm with anger as I watched her smirk and sashay away from me.

Mariin akong pumikit at pinigil ang mga luha. Bad trip talaga, double B silang lahat!

-

Ibinaba ni Kiana ang tinidor sa plato at huminga nang malalim. "That's so good. I've never tasted paella this good."

Isinulat ko ang ikalabing-walong dish sa notebook at pinanood ang pag-sketch ni Theo sa sariling pad. Kenny took a selfie with his infamous duck face and Tasha was silently arguing with Vince.

"Thank you, Kiana," ngiti ni Ina. "Masarap talagang magluto ang asawa ko. Without him, I won't be able to run this business. Kaya nako, importante talaga ang pagpili ng mapapangasawa. You have to know their strengths and weaknesses."

Mahinang tumawa si Derek at niluwagan ang kuwelyo ng polo. "It's great seeing you again, Reena, or Ina, rather. Hindi naman na namin kailangang bumalik 'di ba? Everything's settled?"

"No need, no need. Pero may small gathering kami ng batchmates natin this week. Bakit hindi kayo sumama ni Megan?"

No way in hell.

"No," mabilis na sabi ni Derek na ikinagulat ng lahat. "I meant, busy kasi kami sa preparation ng kasal. I'm afraid we won't have time for that."

Ngumiti si Ina at nakatingin sa akin na itinuro si Derek. "Ayaw lang siguro nito na makasama ang ex-girlfriend niya 'no?"

Nabilaukan si Vince na kumakain ng Crema Catalana sa gilid. Mabilis naman siyang inabutan ng nandidiring si Kenny ng tubig.

"Ex, huh?" tanong ni Kiana na mas lalong nagpaubo kay Vince.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Ina na mas lalong ngumisi. "Oh no! I'm so sorry."

Kiana turned to Derek. "Ito ba 'yong ex mo noong high school na laging nababanggit ng mom mo at ng driver niyo? Sabi mo it was nothing special kaya ayaw mong sabihin kung sino pero bakit alam ni Ina? Why is this woman so important? I've been so annoyed since last night. Why do you have to keep her a secret? I—" natahimik si Kiana nang mahagip ng mata ang mga camera na nakatutok sa kanya para sa kanyang vlog.

"Babe, as I said, it wasn't anything serious," mabilis na sagot ni Derek. My head sharply turned to him but he kept his eyes on his fiancée na mukhang naluluha na. He asked Kiana's team to leave the room at agad naman silang sumunod. "Kiana, it was just a fling kaya hindi ko na kwinento kung sino siya because I thought it wasn't relevant."

"If it isn't really relevant, hindi ka matatakot na sabihin kung sino siya and why you broke up!"

"Hindi siya importante, promise! Kiana, please calm down. Pag-usapan natin 'to sa bahay. May mga tao rito."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon