Nandito ang parents ni Jaxson at parents ko pati ang mga kapatid ko at si Ate Czarina na ate ni Jaxson. Pati si Zeddie at ang parents niya ay nandito din. Ang seryoso ng mga mukha nila na mukhang kanina pa nag-uusap. Natigil lang dahil dumating kami ni Jaxson.

"Finally, the two of you are here, have a seat." sabi ni Tita Sab at umupo naman kami ni Jaxson sa kabilang sofa na bakante habang magkatabi.

"Tutal nandito na kayo ay simulan na nating pag-usapan ang dapat na pag-usapan." sabi ni Tita Sab.

"Let's start talking about Czarina and Felix." si Tito Sabino naman ang nagsalita.

"Since my daughter is pregnant, me and Sabrina agreed that we will let them get married after their graduation." sabi ni Tito Sabino at nakita ko namang tumango si Daddy pero si Mommy ay walang reaksyon.

"Is it okay with you Marga na after ng graduation ay ipakasal na natin si Felix at Czarina?" tanong ni Tita Sab kay Mommy.

Tumango naman si Mommy.

"Yes, kailangan niyang panagutan ang ginawa niya kaya dapat lang na pakasalan niya si Czarina." sabi ni Mommy kaya napalingon ako kay Kuya.

Problemadong problemado ang mukha ni Kuya. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Mommy. Mababakas kasi na galit pa din si Mommy sa kanya.

"And about the arrange marriage of Solana and Jaxson." bigla akong kinabahan ng binanggit ni Tita Sab ang pangalan namin ni Jaxson.

"Hindi na matutuloy. We all agreed na hindi na ituloy dahil si Czarina at Felix na ang ipapakasal."

Expected ko na yon ang sasabihin ni Tita Sab pero ang sakit pa din talaga. Nanghihinayang ako dahil hindi na matutuloy kong kailan gusto ko na si Jaxson at natutunan ko na siyang...mahalin.

"Dahil hindi na matutuloy ang kasal niyo ay napag-usapan namin na si Zeddie at ikaw Solana hija ang ipagkasundong ikasal." ng marinig ko yon ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Gusto ko si Zeddie pero ngayon hindi ko na alam pa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil hindi ko magawang maging masaya. Napalingon ako kay Jaxson at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Bigla siyang ngumiti sa akin at kahit labag man sa loob ko at nasasaktan ako ay nginitian ko din siya pabalik.

Gusto ko na namang maiyak. Bakit ba palagi nalang akong nasasaktan ng dahil sa kanya? Parang ayaw ko nalang na sumaya kong ang kapalit ay kalungkutan lang naman.

"Do you agree with it, Zeddie?" tanong ni tito Sabino kay Zeddie at nakita ko namang ngumiti si Zeddie at tumingin sa akin.

"Yes Tito, I agree." sabi niya habang nakangiti.

Nakita ko namang ngumiti din ang parents niya.

"How about you, Solana hija?" napalingon ako kay Tita Sab.

Hindi ko alam ang sasabihin. Naguguluhan ako. Dapat ba akong pumayag?

"Solana, sagutin mo ang tita Sabrina mo." sabi ni Mommy pero nanatili lang na tikom ang bibig ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Jaxson ang kamay ko. Nakangiti pa din siya habang nakatingin sa akin at bigla siyang tumango na para bang sinasabi niya na sumagot ako ng oo. Sobrang sakit sa akin na parang gusto niya talaga na hindi na matutuloy ang arrange marriage namin at maikasal ako kay Zeddie imbes na sa kanya. Samantalang ako ay nasasaktan ng hindi niya nalalaman.

Sabagay hindi naman niya ako gusto kaya hindi ko siya masisisi kong masaya siya dahil hindi na matutuloy. Huminga pa muna ako ng malalim at napapikit saglit. Gusto ko ng maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

"O-opo." kahit labag sa loob kong magsalita ay ginawa ko pa din.

Matapos kong sumang-ayon ay agad akong nagpaalam sa kanila para pumunta ng restroom. Pagkapasok ko sa restroom ay agad akong napasandal sa pinto matapos itong maisara. Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa salamin at tinignan ang sarili ko. Hindi na napigilan pa ng mga luha ko na mag-unahang tumulo.

Nasasaktan na naman ako ng dahil sa kanya. Ang sakit sakit dahil hindi niya alam na nasasaktan ako at hindi niya alam ang totoong nararamdaman ko. Siguro nga ito ang mas makakabuti sa amin. Siguro nga mas mabuti na si Zeddie nalang ang pakasalan ko at hindi siya para hindi na ako masaktan.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Jaxson at nakita ko din ang pagkunot ng noo niya ng makita ako.

"Hey, are you okay?"

At talagang nagawa pa niyang magtanong kong okay lang ba ako. Gusto ko siyang sigawan na hindi ako okay...na nasasaktan ako pero hindi ko kaya.

"Oo...o-okay lang ako." sabi ko at lumapit naman siya sa akin.

"Sigurado ka? umiyak ka ba?"

"Hindi ah! napuling lang." pagsisinungaling ko kahit ang totoo gusto ko na namang umiyak dahil ang bigat sa pakiramdam.

"You're lying, alam kong umiyak ka dahil namumula ang dalawang mata mo." sabi niya at akmang hahawakan sana ang mukha ko ng mabilis akong umilag.

"Hindi nga ako umiyak tsaka napuling lang. Ako iiyak? tse! ang strong ko kaya." sabi ko at inirapan siya.

"Tsk! You don't have to lie to me. I know you well, Solana." sabi niya at agad na hinawakan ang isang kamay ko at ang isa naman niyang kamay ay hinawakan ang mukha ko.

"Look at me." sabi niya at kahit hirap man akong tumingin sa mga mata niya ay ginawa ko pa din.

Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero ayaw kong umasa, baka mas lalo lang akong masaktan.

"Tell me, bakit ka umiyak? dahil ba sa hindi na matutuloy ang kasal natin?"

Hindi ako nakasagot agad. Dapat ko bang sabihin sa kanya na oo at nasasaktan ako? Napabuntong hininga ako ulit.

"Umiyak ako kasi...masaya lang ako na kami na ni Zeddie ang ikakasal." pagsisinungaling ko at parang tinutusok ng maraming kutsilyo ang puso ko ng makita ko siyang ngumiti.

"Yeah I know because you like him and I'm happy for the two of you too." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko maiwasang mapapikit at ng niyakap niya ako ay kusang tumulo ulit ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan na tumulo.

"Alam kong mas magiging masaya ka sa kanya, Solana. Always remember that I'm just here for you to support you. I'm just here as your boy bestfriend."

Hindi ko na maiwasan pang mapahikbi. Wala na akong pakialam pa kong marinig man niya dahil hindi ko na kaya pang umasta na okay lang ako. Oo, nandito lang siya at susuportahan niya ako kaya dapat na akong makuntento kahit... bilang kaibigan lang.

Bakit ba minahal ko pa siya? bakit ang sakit sakit at hindi ko matanggap na hanggang kaibigan lang talaga kami? Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa. Dumating lang siya sa buhay ko para maging... boy bestfriend ko.

Hanggang doon lang.

"S-salamat Jaxson. Salamat dahil naging...kaibigan kita."

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora