Ngayon ay sinisimulan na namin ang pagkain. Natutuwa naman ako dahil ang kinakain ni sir ay ang mga dala kong pagkain kahit mas masarap ang dala ni Bianca. Nagulat pa ako no'ng nilagyan nito ng isang tipak ng adobong manok ang plato ko.

"Don't just stare, Ica. Take your foods" wika pa nito na bahagya pang ngumiti sa akin bago muling bumalik sa pagkain nito.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa simpleng kilos nito. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti. Nawala lamang ang pagkakangiti ko no'ng mapansin ko ang masamang tingin sa akin ni Bianca. Inirapan pa ako nito. Inalis ko nalang ang aking tingin kay sir Tristan at tinuon nalang ang pansin sa pagkain.

"He is really sweet, iha. At isa 'yan sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko siya sa anak kong si Bianca. Ang totoo ay gusto ko nanga silang makasal as soon as possible" wika naman ni ma'am Blanca na ikinasamid naming dalawa ni sir Tristan.

Natigilan naman ang nanay ni Bianca dahil sa naging reaksiyon namin. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa amin ni sir Tristan. "What's wrong, iho?" Nakakunot ang noo na baling pa nito kay sir.

"W-wala po, tita" sagot ni sir habang inaabutan ako ng isang basong tubig na agad ko namang kinuha at ininom para mawala ang aking pagkakasamid. Napansin ko na binigyan naman ito ng tubig ni Bianca na lihim kong ikinainis. Bumalik nalang ako sa pagkain at hindi na pinansin pa ang mga ito.

Sa buong tanghalian ay tungkol sa kasal ang pinag-usapan ng mga ito habang ako naman ay wala ginawa kung hindi kumain ng kumain dahil sa lihim na inis na aking nararamdaman.

"You have an amazing maid and she looks has good appetite. Keep her" Narinig ko pang wika ni ma'am Blanca na ngayon ay nasa may pintuan na ng opisina ni sir Tristan dahil paalis na ang mga ito.

"I will, tita" Makahulugang sagot naman ni sir na halata sa boses na nakangiti ito.

"Bye, iha!" Narinig ko pang paalam ni ma'am Blanca kaya napalingon ako dito kahit patuloy pa rin ako sa pagkain. Ngumiti ako dito at kumaway.

"Bye po!"

"Bye, babe. See you" Paalam naman ni Bianca na yumakap pa kay sir Tristan at humalik pa sa pisngi.

Hindi ko na napigilan ang mapaasik. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa mga ito at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Bahala kayo diyan!

Nang makaalis na sina ma'am Blanca at Bianca ay naramdaman ko ang paglapit ni sir Tristan. Nagpanggap nalang ako na hindi ko ito napapansin habang patuloy pa rin sa pagkain.

Bahagya naman akong natigilan no'ng bigla nalang akong buhatin ni sir para sa kandungan ako nito maupo. Nakamulaga pa ang mata ko habang nakatingin dito at may hawak na shanghai sa isang kamay na kakainin ko na sana kung hindi lamang ako binuhat ni sir.

"You gain weight, love. Ang dami mo kasi nakain, and-----" Napatingin ito sa hawak kong shanghai. "Still holding food. Hindi ka pa rin ba tapos kumain?" Pagpapatuloy nito na para bang hindi ito makapaniwala. Lihim akong napairap dahil sa inis na nararamdaman. 

"Hindi pa, nakikita mo naman diba?" Mataray na sagot ko dito. Tumawa naman ito ng mahina. Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo sa kandungan nito dahil sa inis pero pinigilan ako nito.

"Are you mad with me?" Tanong pa nito sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin. Iniiwas ko nalang ang tingin ko dito at kinagat ang hawak na shanghai.

Nagulat pa ako ng bigla nalang din kinagat ni sir ang shanghai na nasa bibig ko. Natulala ako at bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapat ang labi ni sir sa labi ko. Nang maputol ang shanghai ay doon pa lang nagkalayo ang mga labi namin. "It tastes good" Komento pa ni sir habang ngumunguya. Napaubo nalang ako.

Pinagpawisan ako bigla ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay merong naghahalo sa aking sikmura.

"Are you jealous?" Narinig ko pang tanong sa akin ni sir Tristan kahit hindi na iyon malinaw sa aking pandinig dahil sa sakit ng aking tiyan.

"H-hindi" Sagot ko naman dito habang napapahawak sa aking tiyan. Hindi ko ipinapahalata dito na may kakaiba sa akin dahil paniguradong isa na naman iyong kahihiyan. Sinubukan kong umalis sa kandungan nito pero hindi ako nito hinayaan. "B-bitawan mo a-ako, sir!" Masama na ang tingin na utos ko dito. Napakunot-noo naman ito. 

"You are really obvious. You are mad with me because you are jealous" wika pa nito pero hindi ko nalang ito pinansin dahil ang mas inaalala ko ngayon ay ang tiyan ko.

Ginawa ko ang lahat para makaalis sa kandungan ni sir. Lihim akong natuwa ng makatakas ako sa bisig nito. Tatakbo na sana ako papunta ng CR ng maramdaman ko ang paghawak nito sa isa kong kamay dahilan para mapatigil ako. Pakiramdam ko ay maluluha na ako anumang oras.

"Let settle things, Ica. Don't run away just because we have----"

"B-bitawan niyo na ako s-sir please" Pakiusap ko dito habang tagak-tak na ang pawis sa aking mukha. Natigilan naman si sir ng mapansin iyon.

"Are you-----" Naputol ang sasabihin nito dahil sa isang bulkan na bigla nalang pumutok. "What the? What is that disgusting smell?" Gulat na reaksiyon ni sir na napatakip pa sa ilong nito. Napaluha naman ako bigla.

"S-sinabi ko naman kasi na b-bitawan mo na ako e" Naiiyak na wika ko dahil sa sobrang kahihiyan.

🌻 They are disaster couple! Hahaha 😂 Hope you like it, wala akong maisip 😁 Wala po kasi ako sa mood magsulat pero pinilit ko kaya hindi ko alam kung ano kinalabasan ✌ By the way, thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon