Pumikit siya at napangiti. Humakbang siya palapit sa akin. Itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Hinding hindi talaga ako nagkakamali na ikaw ang gugustuhin ko, my rose."

"At hndi rin ako nagkakamali na ikaw ang pinili kong papakasalan ."

**

Napadpad kami ni Otis sa kaniyang Opisina. Nakasunod sa amin si Egos at ang punong mayordoma na nalaman ko ang pangalan niya ay Faila. Ipinakita sa akin ni Otis ang listahan ng mga iimbitahan. Inaasahan ko na madaming pangalan ang nasa listahan pero hindi ko inaasahan na mas marami pa. Lalo na't ipinagsama na sa iisang listahan ang mga Kaharian sa ilalim ng Imperyo ng mga Eryndor. Pinag-aralan ko ito nang mabuti, sinasariwa ko din sa aking isipan ang mga pangalan na nakalista na napag-aralan kong mga pangalan na ibinigay na listahan ni Emperador Audrick noong nasa Cyan pa ako.

Habang pinag-aaralan ko 'yon, nag-uusap naman sina Otis at Cyan ukol sa iba pang lugar na nasa labas na ng Kapitolyo. Kung ano na ang mga lagay nito. Si Faila naman ay abala na pinaghandaan kami ng maiinom.

"Ano pong sasabihin natin sa mga opisiyal na hinihingi nila ang pagtutupad na batas na taasan ang buwis para sa mga mangangalakal, kamahalan?" rinig kong tanong ni Egos kay Otis. Bakas boses niya ang namomoblema. "Ilang buwan na po sila nangungulit at nagtatanong kung ano po ang magiging desisyon ninyo dito."

"Bababa ang bilang ng mga dadayong mangangalakal sa oras na tataasan natin ag buwis." seryosong wika ni Otis sa aking tabi.

Tapos ko nang pag-aralan ang mga pangalan ng mga imbitado sa nalalapit na kasal. Itiniklop ko ito saka marahan ko itong ibinalik sa mesa. Sunod ko naman kinuha ay ang tasa na may lamang tsaa na inihanda ni Faila. Humigop ako ng kaunti doon. Medyo nasanay na din ang sistema ko sa mga panahon na nakikinig ako sa usapan nina Vencel at Raegan ukol sa politika na madalas kong kinaiinisan pero mukhang naadopt na ito ng aking katawan at utak kaya ayos lang sa akin na pakinggan ko ang mga bagay na ito.

"Sa ngayon ay sa kanila tayo naasa upang maganda ang takbo ng ating ekonomiya." dagdag pa ni Otis.

"Bakit hindi rin tayo maglabas ng produkto?" bigla kong sabat sa kanilang pag-uusap.

Sabay silang napatingin. Bakas sa mukha nila ang pagkagulantang.

"Habang nasa Cyan pa ako, nakita ko ang mapa ng Thilawiel. Napapaligiran kayo ng kagubatan." panimula ko, nanatili akong nakahawak sa tasa. "Sa tingin ko ay marami tayong magagawang bagay na gawa sa mga punong-kahoy, katulad ng troso at mga kasangkapan. Nalaman ko din sa aking pag-aaral na napapaligiran kayo ng tubig-tabang. Mayroon din kayong minahan na hindi na nagagalaw dahil sa kapal ng niyebe..." sumulyap ako sa kanilang dalawa. "Bakit hindi ninyo subukan na ilabas 'yon at maging parte ng palitan ng pangangalakal?"

Napaletra-O ang kanilang bibig sa aking suhesyon. Eh? Huwag nilang sabihin na hindi pa nila alam 'yon? O sadyangnakafocus lang sila sa dami ng kanilang hukbo at abala sila sa pagkuha ng mga teritoryo, really?

"Maaari nga nating gawin 'yon." wika ni Otis. Punung puno ng pagsang-ayon.

"Dahil din sa masyadong makapal na ang kakahuyan ng Thilawiel, bakit hindi rin natin gamitin ang iba upang magtayo ng daungan, sa gayon ay mas marami pang negosyante at mangangalakal na tatawid sa patungo atin, hindi lang 'yon, pagtatayuan din natin ang Thilawiel ng mga barkong pampasahero para magbukas ito bilang parte ng turismo sa mga nais makarating dito, lalo na sa mga dayuhan?"

Natigilan sila sa aking paliwanag. Kahit si Faila ay nawindang sa aking sinabi. Sa lagay niyang 'yan ay mabibitawan na niya ang hawak niyang tsarera (teapot).

Nagbuntong-hininga ako. "Iyon ay aking suhesyon lamang. Hindi naman sa lahat ng oras ay aasa tayo sa mga dumadayong negosyante, kailangan din  makipagkompetesnya ang bansa na ito. Hindi lang pang militar, ganoon din sa ekonimiya." sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Sa araw ng kasal, 'yan ang oras na pinakamagandang pagkakataon upang makipag-ugnayan kayo sa iba pang Kaharian at mga teritoryo."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt