049 - UNDER THE SPELL (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

"Hnghh! Arat talaga." tinuktok pa ni Ione ang sariling ulo gamit ang dalawang kamay. Kinuha niya na lang ang headset malapit sa kama nito at ang cellphone saka napagdesisyunan na mag patugtog ng kanta. She didn't realize that instead of scrolling some music in her playlist... Napadpad siya sa Youtube Channel ng kanilang school at almost featured lahat dun ang mga may banda.

Puro cover songs nang bandang "BLACK" ang patok sa mga kaedaran nila. Shania is really different compared to in stage and off stage.

Pinikit ni Ione ang sariling mga mata at hindi nag tagal, nakatulog siya nang ala-una ng madaling araw at nagising ng ala-sais ng umaga. Pero siyempre, bago siya pumasok ay naligo siya, sipilyo at bihis sabay labas sa dorm para tahakin ang cafeteria.

Nawawalan ng gana ang dilag, hindi na nito naramdaman ang presensya ni Beatrice kaya nagulat si Ione.

"HEY THERE!" Bea's cheerful voice boomed inside her system. Parang nakuryente si Ione sa halos ni Bea.

"Oh? Magandang umaga."

"Saluhan na kita." tumabi si Beatrice saka binigay ang box kay Ione. "Buksan mo." utos ni Bea.

Nakita ni Ione ang isang singsing na hello-kitty yung design. The model was very lovely, the color of the gem is purple-ish white at ang ibang parte ay gawa sa pilak.

"Bakit mo binibigay saakin ito?" binalik ni Ione ang singsing kay Bea saka kumain na ng agahan. "Hindi ko kailangan ng ganyan–"

"Then just throw it away. You see, yung mommy ko madaming mamahalin na alahas. Di naman ako manghihinayang kung itapon mo iyan. Besides, that's yours already the moment your fingertips has touched the box."

Lumuwa ang mata ni Ione sa sinabi ni Bea. Iba talaga pag mayaman, akala siguro ni Gillian na isang  normal na bato lang ang binibigay nito kay Ione.

"Bea... Napapansin ko madalas mo na akong bigyan ng mga regalo o anong bagay na hindi naman dapat. I feel like I need to repay you–"

"I told you that you don't need to."

"BUT IT'S MAKING ME UNCOMFORTABLE. Para kang may ibang binabalak. It's really uncomfortable." yung mata ni Ione ay sinalubong ang mga mata ni Bea. Nakatitigan lang sila hanggang sa umiwas ng tingin si Bea. Kinuha ng dalaga ang kutsara at tinidor sabay na hakot ng kanin pati ulam sa plato ni Ione. Si Bea na mismo ang nagsubo sa bibig ni Ione.

"Heto, kumain ka na. I'm sorry if I'm making you uncomfortable. Pagkatapos lahat ng nangyari sa ating dalawa I become more attached to you." pati si Bea din mismo ay napapansin na hindi na din siya ganun madikit kay Jairuss. Bago pa magsalita si Ione, a random girl approached Beatrice.

"Bhie! May chika ako sayo. Alam mo ba naiinis ako kay ANO... ANO... DIBA KILALA MO NA YUN." The random girl's eyes widen.

"Sinong ano? Grabe naman parents nun' at pinangalanan yung child nila na ano–" Bea quickly realized at napatakip sa bunganga.

"AHHHH! KILALA KO NA. SI ANOOO, YES... SI ANOOO!" Parang boang na nag high five pa ang dalawa habang kunot noo si Ione sa kanilang panibagong chismis. Ione was not a type of person who likes to eavesdrop ngunit nahawaan na din siya ng kachismisan virus.

"Bhie, ito kasi. Nung nasa PE tayo. Gigil ako, nag fake acting pa na may asthma. Jusko pasalamat siya na nandun yung teacher. Kahit pipe siya di ko talaga siya aatrasan. Saka teh, katakot siya. Para siyang stalker. May chismis din kaya na ano... Na sinisiraan niya si Shania." yung babae nagpaypay sa sarili gamit yung baon nitong pamaypay.

"I see. Pero that's just chismis. I'm keeping an eye on her naman." Bea responded. Usapang involved si Shania pero bakit kabado si Ione? Like pakiramdam niya may nagawa siyang mali?

'Ione Lazuli... Ikaw ay gagamitin ko sa isa kong misyon. Hanapin mo si Shania Liebesfreud, at sirain ang Hourglass na pagma-may ari niya.'

"Bea. Alis na muna ako." tumayo si Ione pero pinigilan siya ni Beatrice.

"Bakit? Saan ka pupunta? Sasama nako sa'yo. Tih, bye-bye na sa chismis mo." Bea encircled her arms on Ione's left arm saka sabay naglakad ang dalawa papalabas ng cafeteria.

"Masyado pang maaga. Libot muna tayo sa buong RPW para mag exercise okay?"

"Hindi... May gusto lang akong puntahan."

"Edi sasama ako sayo."

Umiling na lang si Ione at di na nakipag argumento kay Bea. Habang inakyat nila ang second floor, nagkasalubong si Ione at Shania sa third floor. Without any reason, Ione purposely stretched her leg dahilan na madapa si Shania at magpagulong gulong pababa. Nanigas si Ione at unti-unting na patingin kay Shania na lukot lukot ang uniporme at magulo nang tingnan ang dalaga.

'SHIT... WHAT THE HECK IS WRONG WITH ME?!' Ione hissed to herself.

"Ione.. Ione? IONE HUY." napa baling ng tingin si Ione kay Bea nang maramdaman nito ang matulis nitong kuko na kumalabit sa kanya.

"HUH? Bakit?" Ione asked.

"Bakit ka tumigil? Akyat na tayo. Saan ka ba pupunta huh? Don't tell me uupo tayo sa stairs? Madumi dito at madaming tao na tumatapak sa carpet." hinila ni Bea ang dalaga para makaakyat ng isang hakbang sa hagdan.

"TEKA... Wait, si Shania–" binalik ni Ione ang atensyon kay Shania ngunit wala ni iisang anino ang nandoon. Kunot noo na nagtataka na bakit wala doon si Shania? Both of her eyes witnessed how she fall, her body even rolled on the stairs!

"HUH? Wala si Shania diyan sa baba. Oh, speaking of her, papunta na siya sa direksyon natin oh."

Ione gasped like her leg wanted to stretch and expecting for Shania to fall ngunit huminto ang dalaga sa harapan nina Beatrice at Ione.

"Hi sa inyong dalawa. Pasok na kayo sa klase ng maaga." bati ni Shania saka nilagpasan sina Ione at Bea.

'What the... Ano itong mga nararanasan ko? It feels like I could see what will happen in the future in a short amount of time.' pati si Ione, nagkaroon ng goosebumps kasi yung kanina na nangyari ay isang ilusyon niya pala. But it feels so real...

So real to the point na natatakot siya kung ano ang magagawa niya kay Shania.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon