037 - HIS HOME

520 28 2
                                    

Nakababa na sina Shania at Jairuss habang dala dala nila ang sarili nilang mga bagahe. Jairuss suggested the butler na ibaba sila sa waiting station papunta sa kanyang bahay. Buti na lang, napapayag nito ang driver at heto sila ngayon... Naghihintay ng masasakyan na jeep.

"Shania, ok ka lang ba sayo na mag jeep?"

"Yes, may problema ba? Aminado ako na unang beses akong makakasakay ng jeep."

"Walang aircon dun saka siksikan sa loob pag uupo ka doon."

"That's okay... Diba sabi mo ipapakilala mo ako sa iyong kinalakihan? I need to learn everything about your life. If this is the part of your history, I am willing to accept it."

Mga ilang minuto lang at may pumara na jeep sa kanilang harapan nung nagtaas kamay si Zioquel. Hindi pa masyadong matao sa loob kaya maaliwalas silang nakasakay ni Shania.

"Woahhh, ang ganda." makulay ang looban ng jeep. May mga iba't ibang disenyo at dekorasyon na naka palibot dito. Nagulat din si Shania ng lumabas ang kakaibang musika habang nagt-travel sila.

NOW PLAYING : Ikaw (Song by Yeng Constantino)

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw.
Ang iniisip-isip ko.
Hindi ko mahinto, pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko.
Simula nang matanto.
Na balang araw, iibig ang puso."

Zioquel rested his head on her shoulder while he sings the song. Naestatwa si Shania dahil parang gumanda lalo ang boses nito pag malapitan na kumakanta sa kanyang tainga.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay.
Puso ay nalumbay nang kay tagal.
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw,
Ikaw ang pag-ibig na binigay.
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko. Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw."

Gamit ang kaliwang kamay, tinago ng dalaga ang kanyang ngiti sa pamamagitan ng pag takip. Zioquel didn't bother to look at her but he could feel her happiness. It seemed like the song suited to her liking so he continue to stay in sync with the lyrics.

"Humihinto sa bawat oras ng tagpo.
Ang pag-ikot ng mundo.
Ngumingiti ng kusa aking puso.
'Pagkat nasagot na ang tanong.
Kung nag-aalala noon,
Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay."

Asteria hummed, Zioquel intertwined their free hands together as he gently kissed her palm. Nung tumigil ang jeep, tinantanan na ng binata ang binabalak na paglambing sa girlfriend. Baka mahiya si Asteria na masyado silang nagiging PDA (Public Display of Affection) dalawang estudyante ang pumasok sa loob ng jeepney at ginawaran ng titig si Shania at Zioquel.

Halos matunaw na si Asteria sa kanilang mga titig. Bumulong si Zioquel sa kanya. "Akala nila dayo ka dito. Mukha ka kasing foreigner." hindi na sumabay sa kanta si Quiel.

"Ate, mukha kang pamilyar."

"Hmn? Ako? Mukhang pamilyar? Hindi naman ako artista." sabat ni Shania.

"Ate pwedeng picturan ka namin?"

"Sure. Basta kasama boyfriend ko." ngiting talak ni Shania at napatili naman sa kilig ang dalawang babae. They agreed at her terms of condition as they pull out their phones from their pockets. Sabay na ngumiti si Shania at Quiel nung nag flash na ang cellphone nila.

"Grabe, mukha ka talagang pamilyar ate. Salamat sa picture."

"Walang anuman." she smiled.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon