042 - IN GOOD TERMS

427 31 0
                                    


Lahat ng mga estudyante ng RPA ay nakabalik na ng iskwelahan. Habang kumakain si Sienna at Shania sa garden, kwinento ni Shania ang kanyang mga naranasan sa bahay nila Zioquel kay Sienna pati sa mga magulang nito. Nabanggit din nito na bago sila umalis ay binigyan pa sila ng pasalubong nina Jonathan at Quiessele.

"Hays, sa bahay wala ang dad ko dahil may inaasikaso. Si mama at kuya lang ang nandoon pero lagi na lang ako ginagambala ni kuya." ginusot ni Sienna ang mata dahil bumibigat na ang mga mata nitong magsara.

"Dapat ipinagpaliban mo muna yung unang araw. Dapat nagpahinga ka na ngayon." Shania took a taste of her cookies and cream ice cream saka nag check ng cellphone para ilista sa notes ang mga re-reviewhin. Sa susunod na linggo na ang kanilang second grading test. Pati mga clubs nila nag closed muna dahil kailangan nila mag aral ng maayos. 500 questions per subject na ang sasagutan nila at ang passing score daw according to their teachers ay 400. Pag bumama ito, may iba na maaring makapag take ng punishment at student council na ang mamamahala doon.

"Hindi ko magagawang magpahinga. Di ako mapakali pag hindi ako nano-notify ng maayos sa test. Saka isa pa, kailangan ko na din mag review ng todo." inubos ni Sienna ang burger nito saka nilagay ang balot sa bulsa nito pansamantala. She has a habbit of throwing the trash to the trashcan since she was a kid.

"May MAPEH ba tayo?" Sienna asked at hinilot and sintido. "ARGHHH, ulo ko ang sakit. Parang inuumpog ako sa pader."

"Wala tayong MAPEH pero madaming task. Sa MUSIC magco-compose ng kanta at ipapasa ang music sheet sa leaders natin in each group. Baka ipa-perform din satin ang piyesa through individual video. Sa arts naman gagawa ng tatlong landscape painting, sa PE mag video daw ng huling warmup natin, 10 minutes daw itatagal at sa health naman ay magi-interview about depression."

"Kakayanin naman natin iyan." Sienna cheered at inayos ang sunglasses na nakaharang sa mata nito.

"Teka. Magbabanyo muna ako saglit. Mauna ka na sa klase–"

"Maaga pa para lumipat sa mathematics. Dumiretso ka na lang sa GYM."

"Oh sige, sige." she nodded at naghiwalay na sila ng landas. Pagkapasok ni Shania sa pinakamalapit na palikuran, nadatnan niya si Ione na naka hubad ang pantaas nitong uniporme at pinapahiran ang sarili gamit ang uniporme nitong hinubad. She was sobbing like a problematic girl, flinching at Shania's fingertips that touched her shoulder, Ione started to speak.

"Bakit ka nandito?"

"Okay ka lang ba? Bakit ka puno ng –"

"Wala. Ayos lang ako." tinabig nito ang kamay ni Shania na nakapatong sa kanyang balikat. Hindi na nararamdaman ni Ione ang bangungot gayundin ang babae na lumilitaw sa kanyang panaginip.

"Bea told me to protect you. May umaaway ba sayo?"

"Hindi ba obvious?" she scoffed.

"Tell me who bullied you."

"Bakit? Papatulan mo ba sila para saakin?" kahit nanlalagkit, nabawasan na ang hindi komportable nitong pakiramdam tulad kanina. She changed her uniform and tied her purple-ish hair into a bun.

"Oo. Halika." Asteria grabbed her wrist at madiin siyang tinulak ni Ione.

"Payapa nga ako! You don't need to bully them for me. Ito na ang kabayaran ko sa ginawa ko sayo noon." she sighed. Bumukas na naman ang pintuan ng girls bathroom at may tatlong estudyante ang na bigla nang madatnan nila si Shania na nakaupo sa tiles.

"Hala Ate Shania! Dapat lumalayo ka na kay Ione. At ikaw naman Ione! Grabe ka kung makatulak kay ate Shania! Ang pangit ng ugali mo." sabat ng isa saka tinulungan si Asteria na tumayo. Kagat labi lang si Ione dahil pag tumalak siya pabalik ay mapapatulan siya ng ibang kinakasama nito.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon