020 - WEIRD

1.5K 81 1
                                    

"GISING!!! ATE ASTERIA!!" Sigaw ni Sienna. Agresibo din nitong niyuyugyog ang kanyang balikat.

"B-B-BAKIT!!" Pawisan na si Shania na parang nilublob sa malamig na tubig ang kabuoan niyang mukha. Napahawak siya sa kanyang mga tenga upang damahin kung may dugo bang lumalabas mula dito pero wala.

"May pasok! Kumilos ka na dahil late na tayo sa klase!" hindi natulog si Sienna sa dorm dahil binisita siya ng kanyang kapatid. Wala din itong tulog sapagkat nagpuyat din ang dalaga dala ng kakalaro at pakikipagusap sa kanyang kuya.

"Me-Meron ba?" lutang na lutang si Asteria. Kumuha na lang ng planggana na maliit at may laman na tubig si Sienna.

"Magpunas ka na lang. Teka, kuhanin ko lang bimpo ko." tumakbo papunta sa walk in closet si Sienna at segundo din na nakabalik mula sa gawi ni Shania.

"Bakit mo ako pinapahiram ng gamit mo kung may gamit din ako -"

"Hayaan mo na iyan, ang mahalaga ay magbihis na tayo dahil mahuhuli tayo sa klase! Hindi mo ba alam na pagnale-late sa isang subject madaming punishment na ipapagawa?" dumakdak na si Sienna at tinanggal ang kanyang shades na nabasag. Kanya kanyang pag-aayos ang dalawang dilag hanggang sa makalabas sila ng dorm pars tunguhin ang unang subject.

"Bilis ate!! Malapit na tayo sa Science room!!"

Nagtataka si Asteria dahil hindi dala ni Sienna ang shades nito. Instead, her friend's eyes are covered in black thin clothing. Kung may isang tao na nasa sitwasyon ni Sienna baka parang bulag na itong titingin sa iba't ibang direksyon.

"Nakakakita ka pa ba niyan?" she curiously asked.

"Malamang."

Sabay na nakapasok si Sienna at Shania sa kanilang silid. Imbes na dakdak ng guro ang bubungad sa kanilang gawi ay bumungad ang nagdadaldalan at naglalarong mga kaklase nila. Nandoon din si Zioquel na kadaldalan si Ione pero nagse-cellphone lang si Ione.

"HOY, ikaw na mukhang dukha." Shania pointed at the random girl. Natakot ang babae sa kanya dahil sa talim na ibinibigay ni Shania na pagtitig. Parang nandidilim ang kanyang paningin sa unang kita niya sa kawawang dilag.

"B-B-Bakit po Ms. Shania?"

"Anong nangyayari dito? Wala bang klase?" she's like a dictator, demanding to the peasant what she wanted her to do.

"W-W-Wala p-p-pong k-klase."

"Bakit daw po ate?" Sienna butted into their conversation.

"Ano, yung mga student councils at yung administrators ay may pinuntahan daw. Important meeting? Di-nissmiss lahat ng klase dahil yung mga teachers ay nag ask ng time para magawa ang dapat ng aasikasuhin." medyo gumaan ang pakiramdam ng babae ng makita nito si Sienna. Hindi sila close pero magkasundo pag sa usapang YAOI ang pinagku-kwentuhan.

"Bakit parang palengke na dito? Dumami halos lahat ang tao." iginala ni Shania ang paningin sa buong silid habang umiingay lalo ang boses ng ibang kakilala.

"Hala, hindi. Halos lahat na ng tao ay umalis na. Di niyo ba alam na may palaro si Pigpoy ngayon? Malaki daw ang papremyo niya kaya madaming makikilahok sa palaro." Shania counted on her mind and there were 30 students in there.

"Aalis na lang kami. Tutal naman ay walang pasok, mas mabuti pang bumalik na lang kami ni Sienna sa dorm para magpahinga." tumango si Sienna sa sinabi ni Shania dahil gusto niya ding matulog ng mahinhin at walang istorbo.

Nagulat na lang ang dalawang babae ng umakbay si Zioquel sa kanila mula sa likuran. And as usual, he was still wearing their academy's girls uniform with a matching thick make-ups on his face.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon