045 - UNKNOWN PARTNER

415 30 0
                                    


Pila-pila ang mga babae at tila'y natuwa sa kanilang mga senior na napagbigyan ang kanilang kahilingan. Nasa gym ngayon sina Jairuss at ang mga kaklase nito. Nasa dorm pa din si Zioquel habang inis na inis sa glass slipper na props na pinapasuot sa kanya.

"P0t3k naman ito, bakit hindi magkasya ang glass slipper!" kanina pa namumula ang dulo ng kanyang paa kaya napabuntong hiniga ito mula sa ere. Kinuha nito ang rubber shoes na medyo luma at napagdesisyunan na ito na lamang ang suotin. Binato ni Zioquel ang glass slipper sa ibabaw ng higaan nito at patakbong tinungo ang gym. Muntikan pa siya matapilok dahil natapakan pa nito ang dulo ng kanyang light blue ball gown. Pagkapasok niya sa gym, ay bumungad si Jairuss na naka Tinker Bell na costume.

He drifted his eyes downward ngunit nagsisi ito dahil kitang kita niya ang mapuputing hita ni Jairuss na wala man lang kabuhok buhok sa binti! Not to mention, he looks like a professional model wearing a dark green make-up and simple lip gloss.

"Tingin sa mukha ko Aldrillante. Huwag sa binti ko, wala diyan ang pagmumukha ko."

Umangat ang tingin ni Zioquel na lukot ang mukha dahil ine-expect nito na sisigawan siya ni Jairuss. Kung si Zioquel ang nasa kalagayan ni Jairuss ay talagang mapipikot siya sa estudyanteng palaging nahuhuli sa meeting saka importanteng aktibidad.

"You broke your promise again. This time, why are you late?" Seryosong tanong ni Jairuss. Buti pa ito, kahit mag English mala foreigner slash rich ang accent.

"Hindi kasya glass slipper sa paa ko. Pinilit ko naman ulit isuot kaso hindi talaga kakayang pagkasyahin. Nag rubbershoes na lang ako." he sighed.

"Next time wala ka nang chance para makalusot... Pagbibigyan kita ngayon sige. Mag-ayos ka na at kausapin mo si Beatrice na lagyan ka ng make-up." dali-daling pumasok si Zioquel at halos lahat ng mga kaklase niya ay naka ready na. Napaka simple ng pagkakaayos sa kanila at ang ganda nila tingnan! Especially si Fernando na nagmukhang babae sa kanilang lahat.

Zioquel's eyes were still wondering around the room till his eyes caught a familiar pink hair. Pumunta na siya sa gawi ni Beatrice at nakitang minemake-upan nito si Purple. Binuksan ni Purple ang isang mata dahil nakaramdam siya ng pamilyar na presensya mula sa gilid.

"Aldrillante dito ka na, ikaw na isusunod ni Beatrice."

"Ugh, bwisit sumingit ka pa. Saka, bakit ka late Cinderella?" taas kilay na sabat ni Bea.

"Pa spesyal ako. Saan ka ba nakakita ng Cinderella na nag early entrance? Saka... Hindi kasya glass slipper, pinilit ko suotin kaso ayaw talaga. Rubber shoes muna sinuot ko ngayon."

"Well that's weird." Purple and Bea said in unison like it's their first time seeing a cosplayer cinderella wearing a pair of rubbershoes.

"You look nice as Merida, in fairness akala ko hindi babagay sayo ang kulot na buhok."

Ikot mata lang si Purple saka hinawakan ang dibdib nito na may bra, sa loob nun ay sandamakmak na tissue paper na nilagay sa loob.

"Kailangan ba talaga namin mag bra? Grabe, ang suwerte ko pala maging lalaki. Ayoko na sobrang daming sinusuot. Saka isa pa, parang iniipit ng bra ang dibdib ko." he complained as he stands up from his chair at si Zioquel naman ang pumalit sa kanyang puwesto.

"Gandahan mo teh ah." naramdaman ng binata ang paghaplos ng daliri ni Beatrice sa mukha nito.

"Don't worry, lahat ng make-up artist ay maganda. We're like fairy godmothers don't you know that? Our magic is to make someone beautiful outside." nagsimula na si Beatrice sa paglalagay ng blush na medyo papantay sa skintone ni Zioquel.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon