Kabanata 43

24 3 0
                                    

"Hoy! Diretsong uwi ng bahay ah?" sabi ni Selene kay Harvey nung paalis na kami.

Hinatid pa nila akong dalawa sa lobby. Nag-uusap naman si Nikko at Harvey malapit sa entrance ng hotel at mukhang seryoso silang dalawa dahil tanging pagtango lang ang nakikita kong ginagawa ni Harvey habang may sinasabi ni Nikko. At some point, nagmatured na nga silang dalawa. Hindi na laging asaran lang kapag magkasama, lumingon naman si Harvey sa amin nang marinig si Selene.

Kinurot ko si Selene dahil napakaingay niya.

"Iuuwi ko, Selene. Sa bahay nila," sagot ni Harvey.

Nakakahiya na nga na makikisabay ako tapos ang dami pang sinasabi ni Selene at Nikko sa kanya.

"Tara na!" kaswal na sabi ni Harvey sa akin.

Niyakap muli ako ni Selene at  sunod naman ay si Nikko.

"Thank you, Sab," sinsero niyang sabi bago ginulo ang buhok ko.

Sumakay na ako sa kotse ni Harvey, hindi na ako nagulat dahil nabanggit naman na ito ni Selene sa akin kanina.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin sa buong biyahe.

"Sa dating bahay pa din kayo?" tanong niya at tumango lang ako.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang ako. Wala naman talaga akong maisip na sasabihin, may mga tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan kaya wag na lang.

Nang bumaba ako sa sasakyan niya ay bumaba din siya para kunin ang bag ko sa likod.

"Salamat," sabi ko.

Tumango lang siya pero bago pa makapaglakad ulit papunta sa sasakyan niya ay lumabas si Mama.

"Harvey?" tanong ni Mama at bumaling sa akin. "Si Harvey ba yan?"

"T-tita.. Kumusta po?" sabi ni Harvey at awkward na ngumiti.

"Okay naman hijo, kumusta ka? Ang tagal mong nawala ah? Pasok ka muna, dito ka na mag-lunch," sabi ni Mama, mukhang tuwang tuwa na may lalaki akong kasama.

"Ma.. Baka may lakad yung tao, makakaistorbo pa tayo," reklamo ko.

Bumaling naman si Mama kay Harvey at mukhang nagtatanong.

"Ah.. Wala naman po akong lakad, Tita."

"Edi mabuti, pasok ka!" mabilis na sagot ni Mama.

"Nandyan po si Adrian?" tanong naman ni Harvey, kailan pa sila naging close ni Mama?

"Naku, wala! Busy iyon sa girlfriend niya, lagi na lang may date," sagot naman ni Mama habang papasok na kami ng bahay.

Kinuha ni Harvey ang dala kong bag at siya na ang nagbitbit.

"May girlfriend na.." rinig kong bulong niya.

Mukhang narinig naman iyon ni Mama at sumagot pa. "Ay oo! Naunahan pa ang ate niya, ewan ko ba dito kay Ysabel, kung kani-kanino ko na nga nirereto kaso ayaw talaga, tatanda na atang dalaga yan."

Natawa si Harvey kaya inis akong bumaling sa kanya at inirapan siya.

"Ma.."

"Ikaw ba hijo, may girlfriend ka na ba? Sa itsura mong yan hindi ka mawawalan sigurado," tanong ni Mama at binalewala lang ako sa gilid.

"Wala din po, mukhang tatandang binata din po ako," natatawang sagot niya.

"Dadalhin ko lang sa taas ang mga gamit ko," paalam ko sa kanila.

"Sa kusina lang ako at magluluto ng pananghalian," sagot ni Mama.

Kinukuha ko kay Harvey ang gamit ko pero inilalayo niya iyon dahilan para tumingala ako sa kanya.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now