Kabanata 6

50 9 0
                                    

"Bye Ysabel. See you on Monday!" Maligayang sambit ni Selene pagkababa ko ng sasakyan nila. Walang kapaguran tong babae na to. Sya lang ang salita ng salita sa buong byahe. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

"Magpaalam ka!" Narinig kong bulong nya.

"Magpapaalam naman talaga ako, ang dami mo pa kasi sinasabi eh!" Pambabara ni Harvey sa kanya.

"Goodnight Allanah." Nakangiti nyang sambit.

"Goodnight.. Ingat kayo! Salamat Selene." Sambit ko pa bago tumalikod at pumasok na sa bahay.

Kakatapos ko lang maligo at handa na matulog nang tumunog ang cellphone ko. Dalawang text yun mula sa unknown number at mula kay Selene.

Selene:
Got home safe! Goodnight baby girl. :)

Unknown number:
Hey! It's Harvey. Got your number from Selene. I hope it's okay since we are now friends. Goodnight ulit.

Sinave ko muna ang number nya bago magreply sa kanilang dalawa.

Ako kay Selene:
Goodnight :)

Ako kay Harvey:
Okay lang naman. Yeah, we're friends. Goodnight :)

Kahit papaano ay naging masaya naman ang gabing iyon dahil sa dalawang ito. Kahit pa medyo awkward pa din kami ni Harvey o ako lang ang awkward sa kanya ay maayos ko naman syang napapakitunguhan. Siguro hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap sa mga lalaki, hindi katulad ng iba na friendly at madaling makisama sa iba, katulad ni Selene. Iniisip ko tuloy yung nangyari kanina na nalungkot sya bandang huli ng party dahil sa kakaantay nya kay Niko na isayaw sya. Hindi ako magaling sa pagcocomfort at pagpapayo sa mga kaibigan at alam ni Selene yun pero sa akin pa din sya dikit ng dikit.

Mabilis na lumipas ang mga araw at naging abala kami sa pag-aaral dahil malapit na ang exam week. Wala ang teacher namin sa isang subject at naglalakad kami ni Selene papunta sa library dahil doon ko gustong magbasa. Hindi ko naman sya niyaya, inimbita nya lang ang sarili nya.

"Selene, hindi mo kelangan sumama. Aantukin ka lang dun!" Seryoso kong baling sa kanya.

"Ano naman palagay mo sa akin? Hindi nag-aaral? Mag-aaral ako kaya sasama ako sayo. Sakit mong magsalita ha!" Eksaherada nyang sambit na nakahawak pa sa dibdib.

Napairap na lang ako sa kaartehan nya! Buti na lang talaga at sanay na sa ugali ko itong si Selene, hindi nya dinidibdib lahat ng sinasabi ko at mga pagtataray ko sa kanya. Wala din syang nililihim sa akin kumbaga, ako ang living diary nya at nakakalungkot isipin na hindi ako ganun sa kanya. Hindi ko kayang mag-open up ng problema sa ibang tao o hindi ako mahilig magkwento tungkol sa kahit anong bagay.

"Sab, may sasabihin ako sayo." Yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi pa kami nakakalimang minuto na nakaupo sa library ay dumadaldal na agad sya.

"What?" Tanong ko para manahimik na sya.

"May boyfriend na ako."

"ANO??" Agad kong tanong sa nanlalaking mata at sinara ang libro. Masama akong tiningnan ng librarian dahilan kung bakit napatungo ako.

"Seryoso ba yan? Sino?" Dugtong ko pa.

"Si Gab." Nakangiti nyang sagot.

"Gab? Yung third year? Yung playboy? Bakit sya? Akala ko ba si Niko ang gusto mo? Saka masasaktan ka lang dyan sa Gab na yan. Wala akong tiwala dyan." Dire-diretso kong sambit.

"Ano ka ba, hindi na yun playboy ngayon. Hindi naman ako gusto ni Niko kaya titigilan ko na sya. Saka bago pa lang kami e yung utak mo nasa masasaktan na ako agad? Yiiee.. Concern ka sa akin." Mahaba din nyang tugon.

"Of course I am concern, kaibigan kita. At hindi ako nainform na nakamove on ka na pala kay Niko at na nanliligaw pala sayo si Gab." Sagot ko na nagtataka.

Parang kelan lang ay baliw na baliw pa sya kay Niko. Palaging bukambibig at kahit saan pumunta ay si Niko ang hinahanap. Hindi ko namalayan na may gusto na pala syang iba o naghanap lang sya ng iba dahil nasasaktan sya dun sa isa kahit hindi naman sila.

"Alam mo hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi mo alam e lagi tayo magkasama. Ewan ko sayo girl, manhid ka talaga."

Umirap na lang ako at nag-umpisa na ulit magbasa ng libro pero hindi ako makafocus dahil sa sinabi nya. Ganoon ba talaga? Bigla bigla na lang mawawala yung nararamdaman mo sa isang tao ng isang iglap? I know it's just a happy crush but she provided time and effort to that person and in just a snap the feelings fade. Maybe I am just overthinking things.

"Uy, recess na. Kain na tayo." Hindi mapalagay nyang sambit.

"Mauna ka na. Hinihintay ka ata ng boyfriend mo." Banggit ko nang nakitang pumasok si Gab sa library.

"Hi.." Nakangiting bati nya kay Selene.

"Hello. Sab, boyfriend ko." Biglang seryosong sambit ni Selene. That's rare.

"Hello Sab." Bati ni Gab sa akin at naglahad ng kamay.

"Hi." Tinanggap ko ang kamay nya.

"Una na kami girl, sure ka dito ka lang?" Sambit ni Selene na patayo na.

"Yeah. Hindi ako mawawala dito." Natatawa kong sagot. Para naman akong ginawang baby nito.

Pinagmasdan ko pa silang maglakad hanggang sa lumabas na sila ng library. Masaya silang nagkukwentuhan at si Selene ay parang kinikilig pa. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng libro pero walang pumapasok sa utak. Nagpasya akong pumunta na lang sa room at dun na lang mag-antay ng next subject.

"San punta mo?"

"Ay palaka!! Ano ba Harvey." Nagugulat kong sambit at napahawak sa dibdib.

"Sorry, ang seryoso mo kasi habang naglalakad. Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo. Care to share?" Nakataas kilay nyang sagot.

Simula ng nagkakatext na kami ay naging medyo malapit na kami sa isa't isa. Lagi nya tinatanong kung kumusta ako kahit kakauwi ko lang at magkasabay namin kami umuwi. Wala lang ata masabi, nagrereply naman ako kapag may load at kapag wala naman ay tumatawag sya. Tawa lang naman sya ng tawa sa tawag. Mas madalas na din kami magkasama sa school kasi nawawalang kapatid nga sya ni Selene sa kakulitan. Ngayon, dalawa na ang buntot ko.

"Wala naman, kelangan ba tumatawa ako habang naglalakad?" Pairap kong sagot.

"Grabe talaga." Tumatawa nyang sambit. "Oh sige, saan na lang ang punta mo? Hatid na kita."

"Sa room lang, wag na. Ang lapit lapit lang eh. Wala ba kayong klase? Pakalat kalat ka." Sambit ko at dire-diretso nang naglakad.

"Wow. Nakakahiya naman sayo na mag-isang nandito sa hallway." Umirap pa nga.

"Tss. Bahala ka nga." Nakasimangot kong sagot.

"Sasabay ulit ako sayo pauwi ha?"

"Bakit? Dapat si Selene ang kasabay mo kasi kayo naman ang magkapitbahay." Tugon ko na diretsong nakatingin lang sa nilalakaran.

"Ikaw ang gusto ko."

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya ng nakataas ang kilay.

"Ikaw ang gusto kong kasabay." Dugtong nya sa sinabi nya. "Lagi naman din nya kasabay yung boyfriend nya."

"Alam mong may boyfriend sya?" Nagtatakang tanong ko.

"Nahalata ko lang." prenteng sagot nya.

"Hindi mo man lang binanggit sa akin."

"Hindi ka naman nagtatanong. Saka bakit ba Selene ka ng Selene? May gusto ka ba dun? Tomboy ka ba?" Dire-diretso nyang tanong sa akin.

"Bwisit ka!" Sabay hampas ko sa kanya at mabilis na mabilis na naglakad. Nakarating agad ako sa room at umupo. Nagbukas ng libro para ipagpatuloy ang binabasa kanina. Natanaw ko si Harvey na papasok ng room namin.

"Bawal ka dito." Sambit ko ng papaupo pa lang sya sa katabing upuan.

"Sorry kung na-offend ka. Biro lang yun! Sasabay pa din ako sayo mamaya." Seryosong banggit nya at agad na lumabas ng room.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now