Chapter 9

8 3 0
                                        

Ang bench rito ay malaki, kasiyang-kasiya ang maraming tao sa upuan... Sa isang banda naka-upo ang color violet, mentol green at blue eyes bale nasa harapan ko sila. Habang katabi ko naman si Rose at kaming dalawa lang ang nasa upuang iyon.

Habang naghihintay kina Dave at Yuri ay napagpasiyahan naming magkuwentuhan muna habang wala pa ang dalawa, dahil ayon nga sa mga sabi nila. Bossy daw si Ayuri, magkapatid nga naman, magkapareho rin ng ugali. Chismisan lang peg namin dito e 'no? Kasi tungkol sa magkapatid ang pinag-uusapan namin... Nila lang pala kasi nakikinig lang ako.

Habang nakikinig ay nag-aalala ako na baka marinig at magalit ang dalawa kung maririnig nilang pinag-uusapan namin sila.

"Guys next topic naman baka kasi marinig tayo nang mga 'yon, iba pa naman magalit 'yon," saad ko dahilan para matigil sila sa pagsasalita tungkol sa dalawa. Tiningnan naman nila ako at doon kinabahan na naman ako...

"Tama ka riyan, kaya ikaw na magbukas ng ibang topic," sagot ni Rose.

"Mmm... " tanging saad ko habang nag-iisip ng pupuwedeng pag-usapan.

"Ano na?" tanong naman ng naka- violet eyes. Nakit ko namang nakakunot-noo silang nakatingin sa akin kaya dali-dali akong nakapag-isip ng tanong.

"Umiiba ba ang kulay ng mata niyo base sa emosyon niyo?" dali-daling tanong ko sa kanila.

"No," sabay nilang sagot. Nakakapagtaka... So si Dave lang mayroong gano'ng kakayahan?

"Eh si Ayuri?" tanong ko.

"Hindi pa namin siya nakitang nag-iba ang kulay ng mga mata," sagot naman ng naka-mentol green eyes.

"Bakit mo natanong?" singit ni Rose.

"Wala lang..." palusot ko.

"Ano ba puwede kong itawag sa inyo?" muli kong tanong.

"Mmm... Ako puwede na sa akin ang Rose, hindi din naman kahabaan pangalan ko," sagot ni Rose.

Ngumiti naman ako sa sagot niya, kasi  kakaiba siya sa iba. Friendly siya habang 'yong iba ay medyo may pagkastrikta o masungit.

"Eh ikaw?" tanong ko sa naka mentol green eyes.

"Nie," sagot nito. Tumingin naman ako sa iba at doon ay nagsipagsagutan sila.

"You can call me Max," sagot ng naka-gray eyes.

"Ako naman Mark," singit ng naka-blue eyes.

"You can call me Jam," sagot ng naka-violet eyes.

Tunango naman ako sa bawat isa sa kanila.

"Nandiyan na sila..." biglang saad sa amin ni Max.

Lumingon naman ako at doon nakita ko si Dave at Yuri na magkasabay sa paglakad.

Nang tuluyang makalapit sa amin ang dalawa ay agad na umupo si Dave sa tabi ko at tumabi naman sa kaniya si Yuri. Ngunit ilang segundo lang ay tumayo nanaman siya at seryosong tumingin sa bawat isa sa amin.

"Let's go home now," seryosong saad niya, walang lumabas na salita sa bibig ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kailangan na nating magpahinga ng maaga para bukas," explain niya.

"At ikaw, Yuri sasama ka sa amin ni Jannelle," dugtong pa ng binata.

Hindi naman umimik si Yuri at tumayo na lamang at tumayo na rin ako.

Umalis na si Dave at gano'n rin si Ayuri sa kina-uupuan habang ako naman ay nag-wave goodbye muna kina Max, Mark, Jam, Nie at Rose at gano'n din sila sa 'kin. Ramdam ko pa rin ang paghawak ni Dave sa kamay ko, dahilan para mapatingin ako don, just checking if may kamay pa ba akong makikita pagdating namin sa bahay niya. But to my suprise ang mga kamay ko ay inilalagay niya sa kaniyang braso.

"Magkarelas'yon ba kayo kuya?" nagtatakang tanong ni Yuri.

"Alam mo ba ang daan pa-uwi Yuri? Baka mamaya niyan maligaw tayo," saad ni Dave sa kapatid.

Puro puno ang nakapalibot sa amin dahilan para hindi kami masinagan ng araw at mapaso ang balat ng dalawang bampira na kasama ko.

"Tsk, wala ka bang balak sagutin ang tanong ko?" tanong ulit ni Yuri na ngayo'y mukhang naiirita.

Kaya napagpasyahan kong ako na ang sumagot para hindi sila mag-away, pero bago iyon ay kinuha ko muna ang kamay ko na kanina'y nasa braso ni Dave at inilagay iyon sa likuran ko.

"Magkaibigan lang kami..." sagot ko.

Tumango naman ito at saka nagpasiuna sa paglalakad. Tila nakaramdam ako ng luwag sa dibdib at nakahinga ng maayos. Hayss kakaiba talaga tsk, gusto ko na lnang maging lupa!

"Hey!" tawag sa akin ni Dave.

"Oh?" sagot ko.

"Humawak ka na rito sa braso ko, mamaya niyan mawala ka..." utos nito sa akin.

Nakatingin lang ako sa kaniya nang seryoso habang siya ay nakatingin lang din sa akin, 'di ko mawari ang emosyong nasa mga mata. Ang tanging pansin ko ay walang galit o irita sa mga 'yon.

"Ano naman kung mawala ako?" Sabi ko para maitigil ang pagtitigan naming dalawa.

"Pagnawala ka, hindi ko na babalaking hanapin ka," seryosong sagot nito.

Talaga ba?

Ba't parang nakaramdam ako ng kaunting kirot?

"Tsk! Sungit ng lahi mo, tara na nga..." saad ko.

Marahas kong hinila ang braso niya at sinundan si Yuri. Buti na lang at naglalakad lang siya at hindi tumatakbo kasi baka 'di kami maka-uwi ni Dave dahil sa akin.

"Huwag ka ngang tumawa alam mo bang kinakabahan ako sa inyo nang kapatid mo? Parang isang bigkas niyo lang ng salita eh... Pakiramdam ko mamamatay na ako!" saad ko rito habang naglalakad. Naiinis ako dahil sa cold nilang dalawa parang gusto ko na lang maglaho...

"Please don't die..." seryosong saad ng binata at tumigil sa pagbungisngis.

Napatigil naman ako dahil parang ang dating sa akin ay may iba pang kahulugan ang sinabi niya, baka na mi-miss-interpret ko lang...

"Sino 'yong bumungisngis?" biglang tanong ni Yuri na wari mo'y ngayon lang nakarinig ng bumungisngis. At ngayon pa talaga nagtanong, eh tapos na bumungisngis ang kuya niya, tsk!

"Ang kuya mo," sagot ko.

"What!" pasigaw na sabi nito atsaka tumigil sa paglalakad at masinsinan akong tiningnan dahilan para mapahinto kaming dalawa ni Dave sa paglalakad.

"Sabi ko k-kuya mo 'yon," halos mabulol-bulol na pag-ulit ko sa kaniya.

"No way," hindi makapaniwalang saad pa nito at tiningnan si Dave nang nakakunot ang noo na pawang nagtatanong.

"Kuya totoo ba?" namamanghang tanong nito kay Dave.

"Tsk! Don't act like a child," angal ni Dave sa kaniya.

"Yieee, finally you've learn!" Natutuwang saad nito. At di ko maiwasang mapatanong kung anong ibig sabihin ng pinagsasabi ni Yuri, ngunit mas minabuti kong tumahimik na lamang.

"Tsk! Can we just go home? Didn't you remember na may pag-uusapan tayo ngayon?" seryosong saad ni Dave sa kaniya.

"Hindi ba tayo magha-hunt ng hayop?"

"Nope,"

"Ok, madali naman akong kausap..." saad ni Yuri.

Ang kaninang masaya, ngayon ay bumalik sa pagkaseryoso ang mukha at saka bumalik sa paglalakad. Sinundan naman namin siya at maging si Dave ay naging seryoso rin, aysst... Ba't ganiyan ang mga expression nila? Kung hindi galit, seryoso... Kung ngumiti man ay madalang lang, may depresiyon ba sila? Anxiety? My ghad nauubos hininga ko sa mundong 'to!

Different Worlds (REVISED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora