TCOPS 21: Hurting

8 0 0
                                    

CASSANDRA

Suminghot ako at napahawak muli sa akin ulo.

Nakaupo ako sa harapan ni Shia tapos sina Tito Oka at Tito Ymah ay nakaluhod sa magkabilaan ko. May mga pasa sa kanilang braso. Si Keenai naman ay nakatayo sa tabi ni Shia na may pasa sa gilid ng kaniyang labi.

Pati rin si Shia ay may pasa sa kaliwang pisngi niya.

I'm in big trouble for good.

🧭🧭🧭

Tumaas na naman ang balahibo ko nang tawagin muli ni Shia ang pangalan ko. I clung into Keenai's waist.

"Ca-Cassiara!" Nauutal na tawag nitong si Keenai. "B-bitaw ka. Saglit! Baka mapatay ako ni Shiamira!"

"Ayaw!"

"Sumaglit ka muna, Cassiara!" Pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ko sa kaniya pero hindi ko nagawa. "Shiamira! Saglit! Huwag mong ibabato" Hindi pa natatapos iyong sinasabi ni Keenai ay may lumipad na tsinelas sa mukha niya.

"Aaah!" Tili ko saka ako bumitaw sa kaniya.

Natumba na itong si Keenai kaya tumakbo ako palayo sa kanila. Sumunod naman ay hinabol ako nina Tito Oka at Tito Ymah. May humigit sa akin at nalingon ko ito. Si Tito Oka. Sa likod naman niya ay si Tito Ymah. Dinala nila akong dalawa kay Shia na siyang kaharap ko muli.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko.

"What do you think you're—" hindi rin natatapos pa ang sinasabi ni Shia ng sipain ko ito sa mukha. Napalayo ito sa akin at nilapitan siya ni Tito Ymah.

"Cassiara?!" Tito Oka said and made me face him. He was kneeling beside me and I feel like crying and want to run away. And what I did to Shia, I kicked him too. Ilang beses ko sinipa si Tito Oka sa kaniyang braso hanggang sa mabitawan ako. Sumunod din si Tito Ymah dahil nahigit niya rin ako.

"Stop you spoiled brat!" Isang malakas na batok ang nagpatigil sa akin at iniyak ko ng malakas.

🧭🧭🧭

"Just how did you almost lost Cassiara?" Unang tanong nito sa mga tito ko. "I left her under your care. May kailangan akong trabaho na asikasuhin. Wala ba kayo sa tamang katinuan para unahin ang kapakanan ng bata?!" Hinampas niya ng malakas ang kaniyang lamesa at nagpigil ako muli ng iyak.

"Iyon naman ang gagawin namin, Piratia!" Sagot ni Tito Oka. "Pagkatapos ko mamili ng kakainin namin para sa hapunan ay hindi ko mahanap si Cassiara. Kaya hinanap ko rin si Ymah upang tulungan ako."

"Paano ka napadpad dito?"

"Nahanap ko rito Ymah. Nakakapagtaka ang kilos nito na parang may sinusundan siya. Kaya iyon ang ginawa ko na sundan siya."

"AT IYON PA TALAGA ANG INUNA MO KAYSA HANAPIN SI CASSIARA?!"

Hindi nakasagot agad si Tito Oka kaya hinarap ni Shia si Tito Ymah. "Ikaw! Paano ka rin napadpad dito?!"

"Sinundan ko kayo." Tipid na sagot ni Tito Ymah.

"At bakit?"

Shia is so serious about this. She's instigating everyone here.

"Bakit mo kami sinundan?"

"Kasi kasama mo siya." He meant Keenai. "Bakit mo kasama siya? Tapos hindi pa ito nakagapos. Alam mo, Piratia, nagdududa na ako sa inyong dalawa. Ano nga ba meron kayong dalawa? Kasi noong unang pagtungtong niya rito ay marami akong katanungan kung ano ba talaga silbi niya."

The Curse of Piratia Shiamiraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن