TCOPS 9: Too Young For Responsibility

9 0 0
                                    

SHIAMIRA

Mahigit dalawang araw na tulog si Cassiara kaya naman pinabantay ko na lang siya kay Oka. Si Ymah naman ang sinama ko sa merkado at ang ibang pirata para kunin ang mga gamit naming pinaayos sa isang blacksmith dito sa bayan ng gabi.

We are the lookout at the back alley of the shop. Ang mga kasama namin ay nasa loob para kunin ang mga gamit namin. I pace back and forth as to my boredom.

"Piratia?"

"Hmm?"

"Bakit..."

"Ano 'yon?"

"Bakit hindi mo gustong pakawalan si Cassiara?"

I stop walking and twist my heel to face him. Nakababa ang kaniyang tingin sa akin tapos nakakuyom ang kamao. "Anong ibig mong sabihin, Ymah?"

"Piratia, ang bata mo pa. Hindi mo pa kaya ang ganitong responsibilidad. Wala kang alam sa pag-aalaga ng bata."

"Seriously? Are we going around in circles about this again? I admit that I'm not capable yet. However, it does not hurt or kill me if I have her beside me. Its only a child."

"But the responsibility that one must carry of raising a child?!"

"I know what I'm doing, Ymah! Noong umalis at bumalik kami may lakas siya. She's healthy."

"She's not supposed to leave the ship!"

"She's fine! You don't have to lock the child in my ship!"

"Binigla mo ang bata, Piratia! Hindi siya magkakaganito nang dahil sayo!"

Napatikhim ako sa pagtaas nito ng boses sa akin at hinugot ang espada ko na nakasukbit sa aking beywang. Itinutok ko ang patalim ng espada sa kaniyang leeg. "Huwag mo akong mataasan ng boses, Ymah. Oo, aaminin ko, nabigla ko ang bata. Pero sa tingin mo ba na tama rin na manatili lang siya sa barko tuwing napapatigil tayo sa tabi ng daungan? Hindi ba't mas maganda kung isasama natin siya sa bayan para naman hindi ito masanay sa barko lang?" Taimtim kong tinitigan ang kaniyang mata at napalunok siya.

"Sorry." Iyon lamang ang nasabi niya kaya binaba ko ang aking espada at sinukbit muli sa akin beywang.

Nagpatuloy na kami sa paghihintay nang may marinig kaming halinghing ng mga kabayo. Nanlaki ang mga mata ko at nakita kong may papalapit na mga kawal.

"Piratia!" Hinigit ako ni Ymah sa beywang at dinala sa isang madilim na eskinita. Humarantado ang puso ko sa sunod-sunod na pagdaan ng mga kawal. I slip away from Ymah's grip and peak. Kaya lang nawalan ako ng balanse at napatid ako.

"Fuck!"

One stallion stop in front of me. My breathing hitch as I slowly look up to the - royal knight!

Damn it! Not this day when my crew are out and Cass is sick!

I scramble off the floor and act normal. Pinagpag ko ang aking pantalon at daling tumayo. Apparently, hindi na kabayo ang kaharap ko. Ang mismong nakasakay na kawal ang kaharap ko na. Kinalma ko ang sarili ko at alertong tinitigan ang kaniyang hubog at ang armas na meron siya.

He has one gun and a sword. I have only my cutlass and a goddamn pocket knife.

"Are you okay?" Tanong nito sa kaniyang baritonong boses. Napamura na naman ako at hindi ko makita ang mukha nitong lalaki. Natatakpan ang kaniyang mukha ng helmet na parang tanga.

Who even wears a helmet at night?!

"Miss?" Malumanay niyang tawag sa akin.

"Ayos lang ako. Salamat." I turn my away from him and walk towards the dark alley but he grab my arm. "May kailangan ka pa ba?"

The Curse of Piratia ShiamiraWhere stories live. Discover now