Nakipagtitigan ako sa kaniya. I just practically told it's fabricated seconds ago. That itself was the confirmation. Hindi na talaga common ang common sense ngayon.

"Siguro kamukha ko lang 'yung nasa video. Maganda yata," pag-iwas ko sa tanong niya.

"Pero marami ang nagsasabing ikaw raw 'yon," sabi naman ng lalaking journalist na nasa kanan.

"Unless their name is Chandria and has the surname of Salvador, then yes. Maniwala tayo sa kanila," ismid ko sa kanila.

The irritation in me is about to reach its tip. Tumingala na ako sa kay Sandro at tumango para sabihing tumuloy na kami bago pa ako mainis sa mga ito. Ngunit gaya kanina, hindi pa man kami nakakalayo nang harangan na naman kami ng mga journalists. For the third time.

"But even the businessman itself claimed it, Chandria." sabi na naman nung babaeng journalist sabay tutok uli ng microphone sa akin.

Bumuga ako ng hangin nang tila napigtas ang tali ng pagtitimpi ko sa kanila, sa sinasabi nila. Tumirik ang isang kilay ko sa babaeng journalist at maldita siyang tiningnan simula ulo hanggang paa. Stubborn bitch. Sinabi ko na ayaw pa ring maniwala. Kung kanina kay Sandro, politics lang ang tanong nila; tapos sa akin, mga scandals at negosyanteng tigang.

"It's just a kiss! People are exaggerating that as a scandal. C'mon, it wasn't sex!" I exclaimed.

Natikom ang bibig ng babaeng journalist at naibaba na lang ang microphone niya. Namilog naman ang mga mata ng iba. Patitikimin ko pa sana sila ng pagmamaldita ko kaso sumingit na si Sandro.

"I've seen the video. Nasa club ang mga tao at bukod na sa madilim ang lugar, lasing na panigurado ang mga nandoon. People are not sober enough to identify the girl if it was really Chandria."

But it was me! Tumanggi lang ako kasi iyon ang inabiso sa akin ni Tito Romualdo. That I would deny scandals involving me because it would stain my image as the heiress of Carlos Salvador.  Bumaling ako sa kay Sandro. I was about to confront him of his cover up statement but he continued speaking!

"I can confirm the girl in the video isn't my girlfriend. Chandria wasn't in Boracay last week. Nagpaplano kami ng out-of-town vacation sa susunod na buwan kaya hindi muna siya umaalis," ani Sandro.

Tumango ang mga journalists at ang iba ay nag-usap pa. Mga uto-uto at nagpaniwala agad sa kaniya. Bakit dahil ba sa senador siya? Former beauty queen naman ako!

"I hope this clears this issue, everyone. Again, if you may excuse us," tango uli ni Sandro sa kanila bago tapikin ng mahina ang likod ko.

Hinayaan na nga kami ng mga journalists. Ibang senador naman ang kinuyog nila nang may lumabas sa session hall. Tumungo na kami ni Sandro sa parking kasama ng mga securities. There, I ranted all my frustrations along the way.

"God, kaya ayokong sumasama sa 'yo, Sandro! Lagi na lang tayong kinukuyog ng mga media," sabi ko sa kaniya.

The point of my black ankle strap high heels ticked on every step. Sandro took notice of that without even looking at me. Diretso lang ang paningin niya sa pupuntahan namin.

"C'mon, Ria. Umaangal ka pa e bihis na bihis ka nga ngayon. Look at you all dressed up. Pamatay nga mga tulis ng takong mo," remarka niya.

Iyon na nga, alam ko nang dudumugin kami ng mga media, tapos hindi pa ako magbibihis ng maganda. Nakoronahan ako last year sa isang malaking beauty pageant para sa mga transgender women sa Thailand. Nakakahiya naman kung makikita ako sa telebisyon tapos ang simple-simple ko. Na-anticipate kong may mga cameras ngayon. Pati na rin ang pag-intriga nila sa nangyari sa akin sa Boracay.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon