Kumurap siya at napansin ko ang bahagya niyang pagnguso bago nagsalita sa mahinang boses. "H-hindi naman na kailangan--"

"No, I insist. Ito lang naman e." mabilis kong ani saka kinuha ang isa niyang kamay at inilagay doon ang sandwich.

His eyes widened kaya mabilis ko rin siyang binitawan. Mukhang nabigla ko siya nang sobra sa galaw ko. Kapagkuwan ay namula na naman ang mukha niya at naging malikot ang mga mata niya. Hindi na naman siya makatingin nang diretso sakin.

Tipid akong napangiti saka napansing may gusto pa yatang pumila sa likod namin pero hindi lang magawa. Baka inaakala ng mga ito, binu-bully ko itong si Sandoval at ayaw nilang madamay kaya hindi sila makalapit.

To hell with them.

Mas nilapadan ko ang ngiti ko saka kumaway sa kaharap kahit na nakayuko na ulit siya ngayon.

"See you later, new classmate!" wika ko pagkatapos magbayad sa counter.

Bumalik ako sa mga kaibigan kong kanina pa nanonood sa akin. Parehong nakatanga ang tatlo sa akin habang bumabalik ako sa kinauupuan ko.

"What. Was. That?" si Adi na unang nakabawi. She even spit her bubble in her mouth para makausap ako nang maayos.

"You don't mean him... "him", right?" si Thelma habang sapo ang bibig habang ang isang kamay niya ay bahagyang itinuturo si Sandoval na nagmamadaling naglalakad palabas ng cafeteria. Yukong-yuko at pakiramdam ko madadapa na siya anumang oras.

Nahuli ko pang sumulyap siya sa banda namin kaya agad ko siyang ngitian kahit na may kalayuan na ang distansiya namin. Mabilis rin siyang yumuko ulit at nagpatuloy na sa matuling paglalakad.

"You just made a scene!" imbit na usal ni Jorge.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanila nang tuluyang mawala sa paningin ko ang bagong kaklase.

I rolled my eyes while their eyes narrowed at me.

"You flirt! Grabe," si Thelma then she made that gesture again na parang kakalmutin niya ako. She even puckered his lips to tease me more.

"I never imagine Kye act like that to a boy. I mean, akala ko never niyang maiisip na idagdag sa hilig niya ang mga lalaki."

"You made me sound like a playgirl already. Wala pa naman," I replied to Adi.

"So may balak ka gano'n? Baka uunahan mo pa kami sa bilang ng boyfriend ah." si Jorge naman, nangingisi na naman sa tabi.

Umiling ako at bahagyang natawa.

"Seriously though, si Gaddiel ba talaga ang gusto mo?" tanong ni Thelma.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Saglit na naglakbay ang isip ko sa pangalan niya. Gaddiel Ivan... what a nice name. I should've called him by his first name earlier.

"Oo nga, parang kahapon lang ayaw mong pag-usapan 'yong ganap niyo sa classroom na kinukuwento ni Adi ah."

Actually, kagabi ko pa pinag-iisipan kung bakit nagagawi siya lagi sa utak ko eh. At ni minsan wala naman akong nakilalang lalaki na tumagal talaga sa alaala ko bukod siyempre kay Dad. Siya na kahapon ko lang nakilala, gano'n na agad.

"I don't know but I find him really cute earlier." And yesterday, hindi ko na iyon idinugtongl. Kahit ako ay naguguluhan na rin sa sarili.

Hindi naman ako ganito. I always have concrete likes and dislikes all the time. Iyong pag tinanong ako kung gusto ko ng vanila cake, hindi agad ang sagot ko at kapag chocolate cake naman ay oo agad ang sagot ko. Gano'n ako sa lahat ng bagay.

But when Thelma asked me if I like Sandoval... I'm unsure.

"Well, he's cute naman talaga and nice pa pero ayaw mo talaga ng kagaya ni Ronaldo ang first boyfriend mo?" Umiling na ako sa kalagitnaan ng sinasabi ni Thelma. She rolled her eyes at me.

"Yup, our new classmate seemed so... so introvert."

"Yes, he is. That's why I'm curious about him. Hindi siya katulad ng halos lahat ng kaklase natin." wika ko.

Pumitik sa hangin si Adi at bahagyang umahon sa pagkakaupo. "Curiosity, that's what really pulls Kyelia Aurora's attention."

Si Thelma naman ay ngumuso. "Paanong hindi katulad ng ibang classmates natin? Kasi mukhang hindi siya nanonood ng bold gano'n?"

My eyes widened at her question. Naramdaman ko pa ang bahagyang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

Well, last night... I just visited a mature site.

Hindi napigilan ni Jorge na hilain ang buhok ni Thelma. "Bwesit ka, alam mo 'yon?" anggil niya rito. Habang natatawa naman si Adi sa reaksiyon ko.

"W-well," I stutter a bit. "I like his eyes, it's beautiful and it's something." I said honestly. Kapagkuwan ay nagsalubong ang kilay ko. Why am I being ridiculous in front of them? "And let's drop this topic now. Just wish me luck okay? I'll make him my boyfriend soon. Period."

his innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon