Inayos ko ‘yong bangs ko dahil tumutusok sa mata ko. Si Shayne ang pasimuno nito. Sabi niya magpapasama lang siya sa salon. And I end up having this korean style bangs. Nakasuot pa din ako ng mask, alam ko naman na walang nakakakilala sa akin liban kay Dylan. But still, I wanna wear mask.
 

“Bakit?” I ask when he stood in front of me.
 

“Can you please fix my hair? Ginulo kasi nila.” Inayos ko ang nagulo niyang buhok gamit ang kamay ko. Hindi ako hirap na abutin ang buhok niya dahil halos magkasing tangkad lang naman kami. “Okay ka lang ba dito?” As if I have a choice right now. I may not be a fun of showbiz people pero marunong naman akong makisama.

 
“Yeah, I’m fine. Huwag mo lang sabihin sa kanila na kapatid ako ni Kuya.” He nodded and go back to his loveteam. Sila na raw kasi ang susunod na magpe-perform.
 

Pinahawak din nito sa akin ang phone niya. Everyone’s busy, ang crowded din. Tumayo ako sa parteng walang gaanong dumadaan. I don’t want to be a disturbance. Someone stood beside me. I don’t know if he’s P.A or not.
 

“Bago ka dito be?” He gently asked.

 
“Hindi po, proxy lang.” Magalang na sagot ko. My parents didn’t raised me to be rude.
 

“Ah, kaya pala. Bago lang kasi kita nakita dito. Ang ganda ng height mo. Gusto mo magmodel?” Napalingon ako sa gawi niya. I’ve been bullied because of my body. They keep telling me that I’m too thin. Then this guy is suggesting me to be a model. He’s gay to be exact. It doesn’t matter to me. Wala naman kasi siyang ginagawang masama.

 
“Qualified po ba ako bilang model? Hindi po ba ako masyadong payat?” I know that model’s are thin. But in my case parang ang payat ko talaga. Sa ngayon medyo nagkalaman ako. Based on what Harey said, but once I get busy on something, I easily lose wait. Sobrang hirap talaga ako mag-gain ng weight.
 

“Of course, ang ganda kaya nang hubog ng legs mo. You’re fit to be a model. Bakit hindi mo subukan?” I appreciate his compliment. But I think I’m not into modeling. Hindi ko pa kasi nasusubukan. And I don’t think that I can try.
 

“Thank you po. Pag-iisipan ko po muna siguro. Wala pa rin kasi akong experience. I might disappoint you.” And I don’t want to disappoint people.  
 

“Pag-isipan mo. Here’s my calling card, in case that you change your mind. Free to message me. Sayang kasi, ang ganda ng body figure mo. Maidadaan mo naman sa pagpa-practice. Basta, kapag nagbago ang isip mo. Contact mo ako agad.” Kinuha ko ang calling card at inilagay sa bag ko.
 

After that short chitchat ay umalis na siya. May events pa raw kasi siya. And I patiently waiting for Dylan. Mabuti na lang at nag-sneakers ako ngayon. Hindi gaanong sasakit ang paa ko sa paglalakad.
 

Hindi ko alam kung ilang minuto silang nagperform. I was busy watching people. Hanggang sa lumapit sa akin si Dylan. Inabutan ko siya ng panyo dahil medyo pawis siya. Sumayaw sayaw ba siya ‘don? Ang sabi niya kanina ay kakanta lang. Hindi ko naman pwedeng ibuhos ang inis ko sa kanya. What nice way to celebrate my birthday.
 

“Sorry, the prod was quiet long.”
 

“It’s okay, saan tayo after nito?” Kuya is still busy on his shoot. Wala pa rin siyang update kung papunta na ba sila dito. I hate that man. Gusto ‘kong magalit. But what can I do? Kasalanan ni Kuya kung bakit walang P.A itong si Dylan.

 
“Wala pa ba si Tim?” Tumango ako. “May commercial shoot ako, malapit lang dito. And after that I need to go back here for dubbing.” Sana by that time ay nandito na sila Kuya. Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog ito. “Are you hungry?” he asked while grinning.
 

Make You MineWhere stories live. Discover now