"Ayaw ko pang umuwi sa bahay kaya sige manonood ako mamaya." sabi niya at tumango naman ako.

Mamayang five fifty pa magsisimula ang band competition kaya napagdesisyunan muna naming tatlo na tumambay sa swing. May sampung swings ang nasa loob ng school. Napalingon kami ni Janica kay Shantal ng pag upo namin sa swing ay may inilabas siyang tatlong chips.

Ibinigay niya sa akin ang chips na ang flavor ay sour at kay Janica naman ang spicy habang sa kanya ay yong salty. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi pa din niya talaga nakakalimutan ang mga gusto namin.

Si Shantal ay mahilig sa mga pagkain na maalat habang ako naman ay mahilig sa mga maaasim na pagkain. Kaya siguro maasim din kili-kili ko chos! At si Janica namay ay mahilig sa mga maanghang. Ewan ko ba sa kanya kahit yata sobrang anghang ay gustong gusto niya. Naalala ko pa nga noong nag sleep over kami kila Shantal at kumain kami ng mga cup noodles eh kahit X3 na ang anghang ay parang wala lang sa kanya.

Samantalang kami ni Shantal ay halos maiyak na. Kulang nalang uminom kami ng dalawang pitsel ng gatas para lang mawala ang anghang. Si Shantal naman kahit ang alat na ay gora pa din. Buti nga hindi nagka problema sa kidney si gaga.

Abala lang kami sa pagkain at walang sinumang umiimik sa amin. Naisipan kong kunin ang luma kong cellphone sa bag ko at nagpatugtog ng mga kanta ni Olivia Rodrigo. Ewan ko ba pero parang relate na relate ako sa mga kanta niya kahit di naman ako heart broken. Ngayon lang ata ako naging heart broken dahil sa tukmol na boybestfriend kong si Jaxson na hindi ko naman aakalain na magugustuhan ko pala.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang sabayan ang kanta. Sana lang talaga di ako mabulunan sa pakanta kanta kong to habang kumakain. Kahit di maganda ang boses ko ay gora lang. Nakaka-relax din ang hangin dahil hapon na at hindi na mainit kaya mas ginaganahan akong kumanta.

Okay lang naman akong kumanta kahit sintunado dahil malayo naman ang mga classrooms dito at wala ng masyadong mga estudyante na pagala gala dahil ang iba ay nagsi-uwian na. Ang iba naman ay malamang nasa auditorium na para mag-abang kahit mamaya pa naman magsisimula ang banda.

Abala lang sa pagkain ang dalawa habang nakikinig sa akin na kumakanta.
Ng tinodo ko na ang pagkanta ay narinig ko silang natawa kaya napatigil ako at sinamaan sila ng tingin.

"Oh bakit kayo tumawa?" tanong ko sa kanila.

Gusto kong ngumiti dahil nakita ko si Shantal na tumawa na ulit pero hindi ko nalang ginawa. Kuntento na akong makita siyang tumawa.

"Ang pangit pa din talaga ng boses mo, walang pinagbago." sabi ni Shantal at natawa nalang din ako.

"Gaga ka! maging supportive ka na nga lang sa akin. Eto naman pangit ka bonding." sabi ko pa at natawa siya ulit.

"Bakit gustong gusto mo ang mga kanta ni Olivia? broken hearted ka ba? sa pagkaka-alam ko kasi mahilig ka sa mga rock na kanta at ayaw mo sa mga love songs diba?" bigla namang tanong ni Janica.

Kilalang kilala na talaga nila ako. Alam kasi nila na ayaw ko ng mga love songs at gusto ko ng mga masayang kanta, ewan ko ba kong bakit.

"Kailangan ba broken hearted ako para pwede na akong makinig sa mga kanta ni Olivia Rodrigo?" sabi ko pa at sumubo ng chips.

"Aminin mo na kasing broken hearted ka dahil may bago ng girlfriend si Jaxson." sabi naman ni Shantal.

"Hindi no! ano namang pakialam ko kong may girlfriend na yong tukmol na yon?"

"Bakit defensive ka?" tanong naman ni Janica.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Hindi nga ako affected na may girlfriend na siya tsaka si Zeddie ang gusto ko at hindi siya kaya okay lang na magka girlfriend yon, hanggang bestfriend lang kami at wala ng iba." sabi ko at sumubo ulit ng chips.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now