Tumango ako. “Hayaan n’yo po at sasabihan ko sila.”

Tipid siyang ngumiti sa akin. Pasimple kong iginala ang mga mata ko para hanapin si Hannah. Simula nang pumasok ako dito ay hindi ko pa siya nakikita.

Is she still talking with Hellios?

Nasagot ang tanong ko nang paglabas ko ay naabutan ko pa rin sila na nag-uusap. Hannah was giggling. Samantalang si Hellios ay seryoso lang naman ang ekpresyon ng mukha.

Unang bumaling sa gawi ko si Hellios. Umayos siya ng tayo pagkakita sa akin at naglakad para salubungin ako, iniwan si Hannah na halatang may sinasabi pa sa kaniya.

“Is everything alright?” he asked as he snaked his arm around my waist.

Nagtama ang mga mata namin ni Hannah. Naroon pa rin ang ngiti sa labi niya pero tila may kung ano.

“Oo. Wala namang naging problema,” sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Hannah. “Tapos na ba kayo mag-usap? I can leave you two. Puwedeng mauna na ako sa loob ng simbahan. Tutal ay hindi ka rin naman sasama talaga sa loob.”

Mabilis na nagsalubong ang makakapal niyang kilay. “Says who? I’m gonna come with you.”

“Bakit?”

Hilaw siyang natawa. “Anong bakit? Gusto kitang samahan sa loob. Hindi puwede?”

“I thought you are allergic to God? What happen now? At hindi kita pinagbabawalan pumasok sa loob. Hindi ko pag-aari ang simbahan.”

Nawala ang ngisi sa mukha niya, napalitan ng pagkaseryoso. Tinitigan niya ako, mariin at tila tinatantya ang reaksyon ko.

“Do we have a problem?”

Nag-iwas ako ng tingin. “Wala. Magsisimula na ang banal na misa.”

Nagtuloy ako sa paglalakad at nilampasan na siya. Dinaanan ko si Hannah na nakakrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib niya. I tried to avoid her gaze and looked straight. Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang maramdaman ko ang marahang hawak sa kamay ko.

Hellios walked with me. Hindi ko man siya tinitingnan ay pansin ko ang paninitig niya sa akin. Just before we left the area, I looked back to where Hannah was and found her still staring at us.

And when I saw her rolling her eyes on me, I knew that there’s something behind her pretty face.

Hellios was telling the truth when he came with me inside the church. I remained quiet, still not talking to him. Dahil aaminin ko… nagseselos ako. Ayaw ko man, pigilan ko man, masiyadong malakas at naghahari sa puso ko.

Sa may bandang gitna kami pumuwesto. Ako ang nasa gitna at nasa magkabila si Hellios at Raphael. Hellios was not letting go of my hand even if the mass had already started. It’s obvious that he’s not attended to what’s going on.

Bumuntonghininga ako.

“Alam mo ba ang kasabihan nila? Kahit na paulit-ulit ka pumasok ng simbahan, kung hindi ka nakikinig sa sinasabi ng Pari, bali-wala rin. Ilagay mo sa puso mo ang sermon niya at huwag mo akong titigan.”

He sighed. “How could I focus on whatever he’s saying when my girl is being cold to me?”

“I am not being cold, Samael. This is me inside the church. Please be quiet and listen to the Priest.”

Isang malalim na buntonghininga pa ang pinakawalan niya bago umayos ng upo at itinuon ang atensyon sa harap. Umakto akong abala sa kung ano man ang sinasabi ng Pari kahit pa ang totoo ay wala sa banal na misa ang isip ko kung hindi na kay Hannah.

Forgive me, Lord, for my mind isn’t here. I cannot put Your words in my heart right now for it’s being clouded by jealousy. Please take it out of my sould. I don’t want us to fight over this petty emotion. Please always remind me that trust is the foundation of a good relationship.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In Hellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن