“Where are you going?” tanong ng pinsan ‘kong si Jerro.
 

“Kitchen, mag-tagalog ka. Nasa paligid lang si Mamu.” Agad naman itong sumimangot. Sila Mommy nga napapagalitan kami pa kaya.
 

“Yeah, right.” Sagot lang nito at umakyat na.
 

Naabutan ‘kong nagtitimpla ng gatas si Daddy sa kusina. Para kay Mommy ‘yon, ilang dekadang nang kasal ang mga magulang ko pero spoiled pa din si Mommy kay Daddy.
 

“You look pale. Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Daddy.
 

“Time of the month lang Dad. Kukuha lang po ako tubig mainit.”
 

“Are you sure?
 

“Opo, dalhin niyo na po yan gatas kay Mommy.”
 

“Okay, just call us if you need anything.” Tumango ako upang mapanatag si Daddy. Hinalikan ako nito sa noo bago lumabas.
 

Matapos ‘kong kumuha ng mainit na tubig ay pumanhik na ako sa kwartong tutulugan namin nila Hera. Hindi na ako bumalik sa theater room. Malapit na din atang matapos ‘yong pinapanood namin kanina. Kaya lalabas na din mga ‘yon mamaya.
 

 
Kinabukasan ay mas maaga akong nagising. Nabanggit kasi ni Kuya na maaga siyang aalis dahil may shoot daw sila. Naiwan sa Cavite si Nanang kaya kailangan ‘kong magluto ng favorite omelet ni Kuya. Pihikan din kasi ang isang ‘yon. Kapag hindi nakuha ‘yong lasa hindi niya kakainin.

 
Matapos ‘kong magluto nang paborito niyang omelet at iba pang pang-agahan niya ay nilagay ko ito sa food container. Nagtimpla din ako ng kape at nilagay sa tumbler para mainit niya pang mainom mamaya. Kilala ko si Kuya kapag ganitong kaaga ang alis niya. Hindi ‘yon nag-aagahan ng sobrang aga. Mabigat daw kasi sa tiyan.
 

Alas singko pa lang ng umaga. Lumabas na ako ng kusina upang antayin siya sa living room. Maayos na nakalagay sa isang bag ang lahat ng pagkain niya. Nakita ko na siyang pababa ng hadgan. Dahan dahan lang ang paglalakad nito. Takot na makagawa ng ingay.Gulat siyang napatingin sa akin.
 

“Good morning Sky, ang aga mo naman nagising.”
 

“Good morning Kuya, nandito ang breakfast mo at pati na din sa driver mo.” Abot ko sa kanya ng bag. Ngumiti ito at niyakap ako. Hindi ko man pinapanood ang mga palabas niya. Suportado naman ako sa career niya kahit na minsan hindi halata. Kung saan masaya si Kuya, nandoon ang suporta ko.
 

“Thank you, pasabi kina Mommy na umalis na ako.”
 

Alanganing oras na para matulog ulit. Nag-antay na lang ako sa mga kasambahay nila Mamu. Upang makatulong sa paghahanda ng almusal. Hindi na rin nagtaka ang mga kasambahay nang makita nila akong nasa kusina. Sa tuwing nandito kami ay tumutulong naman talaga ako. Normal sa akin ang gawaing bahay.
 

“Ang aga mo naman nagising, Sky. What’s with your body clock?” Pupungas na tanong ni Jerro.
 

“Kung hindi ako maagang nagigising, hindi ako ‘yon. Baka ibang Sky ‘yon.” I sarcastically said.
 

“Yeah right, your birthday is coming. What’s the plan?”
 

“Still thinking.”

 
“How about yacht party?” Ganyan mga suggestion niyan, puro gastos.
 

“Magastos.” Inirapan ako ni Jerro dahil sa naging sagot ko.
 

“You’re the only party hater in the clan, if you change your mind. Update us.”
 

Hindi ba sila nagsasawa sa party? Every month may nagbi-birthday sa amin, liban pa ‘don ay active din ang mga pinsan ko sa pagpunta sa mga bar. My cousins and their unending party.

Make You MineWhere stories live. Discover now