"Di mo ba ako isasama?" Nagtatampong tanong niya. Tumaas naman ang kilay ko.

"Sumama ka kung gusto mo, ikaw bahala." Sabi ko nalang. Kahit naman di ko siya isama susunod at susunod pa ein naman siya mas mabuti na rin yun may dagdag taga bitbit ng mga gagamitin sa pagpapabago ng classroom.

Habang nasa daan kami panay na naman ang salita ni Nathan at di na naman umaalis sa tabi ko mukang bumalik na siya sa pagiging isip bata niya.

Yung kwento niya pasok sa isang tenga labas sa kabila. Lagi namang ganun ang nangyayari pinapabayaan ko nalang mukang masaya naman siyang mag kwento.

Pagdating namin sa office ni ma'am agad niyang pinakuha samin yung mga gagamiting materials na magagamit namin sa pagbabago ng room. Matapos naming kunin ang mga yun agad din kaming bumalik sa classroom para makapag simula na.

Unfortunately, lahat naman tumutulong. Kanya-kanya sila ng ginagawa habang nagkukwentohan.

"May something ba sainyo ni Nathan?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Emily isa sa mga kaklase ko.

"Huh? Something? Wala ah magkaibigan lang kami ni Nathan." Ito na nga ang sinasabi ko bibigyan at bibigyan ng malisya ang pagiging malapit naming dalawa.

"Ay sayang bagay pa naman sana kayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Emily. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

"Seryoso ka ba? Kami? Sus hanggang magkaibigan lang talaga kami niyan, wala sa isip kong magkagusto sakanya."

"Di mo sure hahaha, sige iwan muna kita dito tulungan ko lang si Flor dun." Tumatawa pa rin siya habang iniiwan niya ako. Napailang nalang ako sa mga pinagsasabi ni Emily.

Mabilis kami natapos higit pa sa inaasahan ko. Nagpahinga muna kami dahil sa pagod. May ibang nagkakantahan sa unahan dahil may dalang gitara si Mico.

There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about

Bigla akong napatingin sa unahan dahil sa ganda ng boses ng kumakanta. Nung una di ko pa nakikita kung sino ang nakanta.

Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was, so in love with you

Nanlaki ang mata ko ng makita na si Nathan ang kumakanta. Di ko alam na maganda ang boses niya.

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

Napaiwas ako ng tingin ng makitang sakin siya nakatingin habang kumakanta. Baka ano na naman isipin ng iba. Di ko rin alam na marunong siyang mag gitara. Pero sabagay tanga ka ba Celestine 4 na araw palang kayong magkakilala.

"Ganda ng boses mo Nathan," puri ni Oliver na kasama sa kumpulan ng mga lalaking kumakanta "para kanino ba ang kanta na yun?" Malisyosong dagdag niya pa. Napairap ako pano ba naman sakin sila humarap.

"Loko wala yun lang unang pumasok sa isip ko ng mag request kayo na kumanta ako haha." So sila pala nag request. Alam ba nila na kumakanta si Nathan?

"Bakit iba ang kislap ng mata mo?" Dagdag pa ni Oliver. Pati ba naman yun napansin niya pa? Well, wala naman akong pakialam.

"Gago pre dami mo napapansin." Humalakhak pa si Nathan at pabirong sinuntok sa balikat si Oliver. Tumawa lang silang lahat at nag patuloy sa kantahan. Ako naman nakatingin lang sa labas ng bintana.

Mayamaya pa may naramdaman akong tumabi sa katabi ko kaya napatingin ako. Nakita ko si Nathan na inaayos ang mga gamit niya.

Napatingin ako sa cellphone ko at napansing 15 minuto na rin pala ang nakalipas mula ng matapos kami sa pag aayos. Tumayo na rin ako at kinuha ang mga gamit ko naghahanda ng umalis.

"Una na ako" pagpapaalam ko kay Nathan though di ko naman na kailangan mag paalam pa pero ginawa ko pa din.

"Sabay na ako sayo." Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya akala ko mananatili pa siya rito. "Hatid na kita." Dagdag niya pa

"Ano..." Di ko alam ano sasabihin ko. "di mo naman ako kailangan ihatid kaya ko naman umuwi mag isa." Nginitian ko pa siya para effective.

Tiningnan niya lang ako pero di na siya nag salita. Nauna na kong pumanta sa unahan para mag paalam sa mga kaklase ko.

"Guys una na ko sainyo may mga gagawin pa kasi ako sa bahay." Pagpapaalam ko sakanila.

"Celestine di ba ikaw ang magsasara nitong room?" Tanong ni Flor. Oo nga pala nakalimutan ko, pano ba to? Kailangan ko na talaga umuwi.

"Oo nga pala sorry nakalimutan ko." Nahihiyang sabi ko. "Sino ba huling aalis sainyo? Bibigay ko na lang susi tapos kayo na bahala mag sara nito."

"Ako nalang Tine mamaya pa naman ako uuwi." Napatingin ako kay Oliver ng mag salita siya nginitian ko siya at binigay sakanya ang susi.

"Salamat Oli, pasensya na kailangan ko na talagang makauwi. Pwede mo naman idaan sa bahay mamaya kapag pauwi ka na, madadaanan mo naman yung bahay di ba? Para ako nalang yung magbubukas bukas ng umaga." Tinanguan niya lang ako.

"Sige idadaan ko nalang mamaya." Nginitian ko nalang siya at tumango para di na humaba ang usapan.

Palabas na sana ako ng room ng marinig ko si Nathan na nagpapaalam na rin.

"Una na rin ako." Di ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

"Celes! Hoy hintayin mo ko." Napatingin ako sa likuran ng marinig ko ang boses ni Nathan.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Sabi ko sabay na tayo umuwi at ihahatid na kita di ba?"

"Sabi ko naman sayo kaya ko umuwi mag isa di ba? Tsaka kala ko ba malinaw na sayo ang sinabi ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Alam ko , pero di naman ako pumayag ah?" Nakataas din ang kilay na sabi niya. Mukang nanghahamon pa ng pataasan ng kilay ang isang to.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Bakit ba ang kulit kulit mo?"

"Wala gusto lang naman kitang ihatid tsaka para alam ko na rin bahay niyo. Ang unfair naman kung si Oliver alam niya pero ako hindi?" Pabulong niya nalang sinabi yung bandang huli kaya di ko narinig.

"Huh? May sinasabi ka?"

"Wala, halika na nga akala ko ba nagmamadali ka?" Dahil sa sinabi niya naalala kong nagmamadali nga pala akong umuwi nakalimutan ko kasing mag paalam ki mama na malalate ako di ko na siya na text kasi ubos na load ko.

Habang naglalakad pansin ko ulit ang pananahimik ni Nathan parang may malalim siyang iniisip. May problema talaga siguro ang siraulong to.

"Ano ba problema mo? Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo ah." Ng di na ako makatiis tinanong ko na siya. Nasanay kasi talaga akong madaldal siya.

"Wala akong problema may iniisip lang."

"Ano ba yun?" Pang uusisa ko pa. Chismosa lang Tine?

"May nagugustuhan kasi ako." Para namang napakalaking problema ng kinakaharap niya yun lang naman pala.

"Oh tapos? Kala ko naman kung ano iniisip mo at paramg pasan mo lahat ng mundo sa pananahimik mo."

"Kaso di ko alam pano umamin na gusto ko siya. Baka kasi you know bigla niya kong iwasan at ayoko naman mangyari yun tsaka isa pa malabong magustuhan niya ako." Sadboi naman pala ang Nathan na yan hahaha imagine ang isang Nathan Martinez problemado sa love life niya.

"Bakit di mo subukang umamin? Wala namang mawawala sayo. Napaka torpe mo naman Nathan hahahaha," tawa ako ng tawa sa sitwasyon niya ngayon "Wait kilala ko ba yan?" Tanong ko ng marealize na baka kilala ko yung nagugustuhan niya alam niyo na bilang butihing kaibigan baka matulungan ko pa siya.

"Oo kilala mo" natigilan ako sa sinabi niya. Kung kilala ko posible bang kaklase namin ang nagugustuhan niya?

"Kilalang kilala mo siya."

15 DAYS WITH YOU [Completed]Where stories live. Discover now