Kabanata 1
**Third Person's POV**
Sa isang madilim na sulok, isang batang babae ang nakatutop sa kanyang bibig upang hindi siya makagawa ng anu mang uri ng ingay. Nanginginig at takot na takot siya sapagkat kunting tunog lamang ay maari siyang mawalan ngayon ng buhay.
Sa di kalayuan ay may naaninag siyang tao na naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan. Lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang hawak ng taong iyon........isang nakakadiring bagay na punong-puno ng dugo! Isang pugot na ulo.
20 years later,
Mabilis na hinabol ni Yin ang lalaking kakalabas lang ng department store. Ito ang lalaking nasa Wanted list drugsellers kung saan ilang araw na nilang minaman-manan sa lugar na iyon. Kasama niya ang partner niya sa trabahong si Cobi .
Walang sinayang na oras ang dalagang detective at agad na tumalon siya ng mataas at sa ere palamang ay nakahanda na ang kanyang flying kick hit!
Natumba ang lalaki at mabilis na hinawakan ng dalaga ang dalawang kamay at nilagay sa likod.
Agad namang pinusasan ng kanyang kasama ang wanted na lalaki. Dinala nila ito sa estasyon ng polisya sa lugar na iyon.
Pagkatapos ay bumalik na sila sa kanilang unit department.
"Ang galing mo talaga Detective Travez!" puri ng isa sa mga katrabaho niya.
"Isang taon ng nagtatago ang gagong yun, ngayon lang nahuli nang ikaw na ang humawak sa kasong yan." sabi naman nong isa.
Nginitian niya lang ang mga ito at dumeretso sa office ng kanilang chief.
Siya Si Yin Travez, 25 years old. Isang detective sa Division of Crime Unit or DCU. Isang samahan mula sa gobyerno kung saan may hawak sa mga kasung murderers, wanteds, missings at iba pa.
"Good job for today, detective Travez! maasahan ka talaga." nakangiteng saad ng chief nilang si Mr. Barron Reyes.
"Ako pa!" nginisihan niya ang kanyang chief. Sa totoo lang ay uncle niya ito. Kapatid ng napayapa niyang ina.
Napahalakhak ang chief.
"Nagmana ka talaga sa uncle mo!" anito.
"By the way chief, yong hinihiling ko,yung kaso sa Lugar ng Visayas banda Eastern Samar? di ba sabi niyo po ibibigay niyo sa akin iyon kung nahuli ko ang wanted na nasa lista?" seryusong saad niya.
Naiba naman ang timplada ng mukha nito sa sinabi niya. Ayaw nito kasing papuntahin siya sa lugar na iyon ngunit hindi niya alam kung bakit.
"Di ba sinabi ko sayong hindi ka pweding magpunta sa lugar nayon?" anito.
"Uncle! you promise me! I need to investigate that case!" napataas na ang kanyang boses.
"Bakit ba Yin? bakit gustong-gusto mong magpunta sa lugar na iyon?"
"Ang kaso ng missing persons ang habol ko hindi ng anupaman!"
"At may aalamin ko ang lugar na iyon sa aking nakaraan." sabi niya sa kanyang sarili.
Napapikit nalamang at buntong hininga ang chief at itinaas ang dalawang kamay hudyat na sumusuko na ito sa pakikipagtalo.
"Wala na akong magagawa."
Natapos ang usapan na may ngite sa labi ang dalaga. Napapayag nanaman niya ang kanyang uncle.
Kinabukasan,
Maagang nag-impaki si Yin para magtungo sa bagong assignment niya. Ang kaso sa MS high school.
"Chief! send mo nalang sa akin ang mga documents na kailangan ko sa school na iyon!" sabi niya habang kausap ang chief sa kabilang linya.
Agad naman niyang ini-off ang cellphone at kinuha ang isang susi sa kanyang bulsa.
Naka-strechable black pants siya at black jacket din. May backpack din sa likod niya na may lamang mga importanteng gamit.
Agad siyang umupo sa motorcycle niya at nilagay ang susi at pinaandar. Apat na Oras ang byahe niya upang marating ang kanyang distinasyon gamit lamang ang kanyang kulay black and green motorcycle.
____________
______
____
Sa kabilang banda, naglalakad sa campus ng MS High school ang isang matangkad na estudyanteng may earphone sa magkabilaang tenga. Nakikinig siya sa paborito niyang mga kanta.
Kaya hindi niya napapansin ang mga kababaihang napapalingon habang padaan siya. Hindi na bago sa kanya ang sitwasyong ito dahil araw-araw ay ganoon naman talaga.
Siya kasi si Khier Arezton, isang senior high school. Dese-otsong taon at Laging top 1 sa kanilang batch. Hindi lang kasi ito matalino kundi may hitsura din. Ngunit dahil sa kanyang talino at magandang katikasan, maraming kalalakihan ang naiinis at inggit sa kanya.
"Khier! Khier!" humahangus na palapit sa kanya ang classmate niyang si Mae.
"Bakit Mae? anong nagyari?" agad natanong niya dito.
"Si Elie! binubogbog nanaman nina Ramil! kung hindi ka raw pumunta dun baka anu daw gawin nila sa kanya" nasa mukha ang pagkabahala nito.
"Shit!" nabigkas niya.
Agad siyang tumakbo papunta sa sinabi ni Mae. Naratnan nga niyang sinisipa ng tatlong ka-schoolmate niya ang kaibigang si Elie.
"Tigilan niyo siya!" ang sabi niya sa mga ito.
Nilingon siya ng tatlo na matatalim ang mga tingin. Kinabahan siya dahil alam niyang wala siyang laban sa mga ito. Sanay ang mga ito sa rambolan at lagi syang umiiwas sa mga ito para iwas gulo. Ngunit sa pagkakataong ito hindi niya alam kung bakit siya masasangkot dito.
"Nandito na pala ang gwapong pinapantasya ng kababaihan lalo na ng girlfriend ko!" pagkasabi ng isa sa tatlo na medyo mataba ay lumapit sa kanya at agad siyang sinikmuraan.
Napaupo siya sa sahig dahil sa subrang sakit ng suntok nito. Sapo-sapo niya ngayon ang kanyang sikmura.
"Sa susunod, iwasan mo ang girlfriend kong si Isabel pare!" anito pa. Akmang susuntukin siya ulit nito sa mukha
"Tama na Ramil!" sigaw ng isang dumating na teacher,"All of you! go to the guidance office!!" patuloy nito.
Pasalamat siya dahil may dumating na teacher. Kundi siguro ay uuwi siyang may bali sa katawan.
Kahit kailan ay hindi pa siya nasangkot sa rambolan dahil nga sa mahina siya pagdating sa mga ganyan. Oo mahina siya! hindi niya kayang lumaban sapagkat nanginginig na agad siya. May fobia kasi siya simula noong grade 5. Isang grupo ng kalalakihan ang nang-bully sa kanya na muntik na niyang ikamatay.
Natapos ang araw na nanlulumo siya sapagkat sinabi sa guidance office na kailangan nilang dalhin bukas ang kanilang mga magulang. Nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang at tanging kasama niya lang sa bahay ang yaya Maseng niya. Ayaw naman niya ito bigyan ng iisipin kaya ayaw niyang sabihin ang nangyare ngayon.
######
######
tnx for reading
YOU ARE READING
Ang Astig kong Classmate at ang Mysteryo
Horror.Sequel from "Mga Nilalang sa Probinsya"-book 1. Horror/Mystery triller and Romance (Alalahanin! may Romance ok???) Isang studyante at isang magpapanggap na studyante nga ba ang makakadiskubre sa kababalaghang nagaganap sa MS High school? Kilalani...
