Chapter 6

9 0 0
                                    

I don't know how long I waited for him. He said days ago, we will talk, but it has been 4 days, but I didn't see him. And inside those days, I've already decided to break up with him for good and for real. No turning back.

Malalim akong humugot ng hininga at tinignan ang sarili sa malaking salamin sa women's comfort room. "No turning back, Jaszmine," pagkausap ko sa sarili ko.

Ilang segundo pa ako nanatili roon bago tuluyang lumabas. I grimaced and shivered when the cold breeze hugged my body. December na nga, maulan pa. Super lamig!

Nanginginig sa lamig na inayos ko ang makapal kong itim na jacket. I fix its hood before opening my umbrella and walked down the wet school grounds. Wala nang pasok. Kaka-suspend lang, at ala-una na ng hapon. Well, this is how tough college is. Though, I am in masters right now.

Habang naglalakad sa ilalim ng ulan, panay ang pagtingin ko sa paligid. May mga kasabayan akong college at sa paglabas ko ng school, sumalubong sa aking ang mga senior at junior high school students, ang iba ay halos maligo na sa ulan, at ang iba ay todo yakap sa kanilang bag na nasa harapan nila.

Habang nakatanaw sa kanila, hindi ko mapigilan mapangisi. Naalala ko no'ng mga panahon na nasa ganiyan na edad rin ako, masaya kapag umuulan lalo na kung kasama ang barkada, masaya rin naman kung mag-isa lang at nakahilata sa kama, pero iba ang saya kapag andiyaan ang tropa.

Napakurap-kurap ako nang humarang sa paningin ko ang jeep. Humakbang ako pa-atras at hinayaan na mauna ang ibang tao ke'sa sa akin. Ayaw kong nakikipagsiksikan kapag ganitong maulan, nahihirapan akong kumilos.

Nang mapuno ang naunang jeep na huminto sa tapat ko at ng ibang tao na naghihintay, may sumunod kaagad na jeep at hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Umupo ako sa unahan ng pinaka-loob ng jeep— doon sa malapit sa pintuan —para kapag baba ako, less hassle, at hindi ako magiging konduktor ng jeep.

Hate na hate ko na nagpasa ng bayad ng pasahero tapos sunod-sunod pa sila magpapa-abot ng bayad, nakakalito kaya minsan. Stress ka na nga sa trabaho o sa school, mai-stress ka pa sa mga bayad na ipinasuyo sa 'yong i-abot sa driver. I mentally rolled my eyes.

At dahil may kalakasan ang ulan, tumagal ng halos dalawang oras ang biyahe ko pauwi sa bahay kaya nang bumaba ako ng jeep, dumiretso ako sa may grocery store para bumili ng pagkain dahil panay na rin ang pagkulo ng tiyan ko.

I bought a cup noodles and bunch of chocolates and while walking down the streets, I was munching a chocolate to relief my hunger. Tumila na rin ang ulan kaya nakakakain ako nang maayos. Habang papalapit sa bahay namin, palakas din nang palakas ang tibok ng puso ko. I stopped meters away from our house and blinked. He's here.

Napalunok ako at napatingin sa bahay namin. Sana wala siya sa loob. I glanced at his car parked near our house, then I sighed. This may hurt me, pero walang-wala ito sa sakit na mararanasan ko kapag pinagpatuloy ko pa 'yung katangahan ko.

Right. It's better to get hurt earlier than to feel lost later.

With that in my mind, I entered our house and stilled when I saw him sitting at the single couch near my brother who was sitting at the loung couch while glaring at Ferron for unknown reason.

"Kuya," I uttered, to announce my arrival.

Napatingin silang dalawa sa akin at nang magsalubong ang mata namin ni Ferron, nanlaki ang mata nito at marahas na napatayo. "Babe..." he breathed.

Pilit akong ngumiti. "Hi."

Napalingon si Ferron kay Kuya Jeron nang marahas din itong tumayo saka umakyat sa itaas. Sinundan ko ito ng tingin at nang mawala siya sa paningin ko, binalingan ko si Ferron. "Magpapalit lang ako," ani ko at akmang aalis na sa harap niya nang hulihin niya ang kamay ko.

Living In RainWhere stories live. Discover now