Sana ako rin.

Bumaling sa akin si Gino nang marahil maramdaman ang presensiya ko. Umangat ang magkabilang sulok ng labi niya bago sakupin ang kakarampot na pagitan ng mga upuan namin.

"Sa'n ka galing?" mahina niyang sabi.

Gino looked fine on his dark blue suit and brush up hair. Hindi ko siya matitigan ng mabuti kasi baka mamaya makalimutan kong mag-kuya nga pala kami sa mga mata ng nakapaligid.

"Pumunta ako sa cater para tumingin ng dessert," matipid akong ngumiti.

"Natakam ka sa sayaw ko kanina?" Umukit ang malokong ismid sa kaniyang labi.

Kung sa ibang pagkakataon baka tinarayan ko na si Gino, pero dahil sa pag-uusap namin ni Romualdo Calderon kanina, at sa mga naririnig ko pa kay Tito Johan, umismid na lang ako.

"Patikim?" paalam ni Gino nang mabalingan ang dala ko.

Tumango na lang ako. Inabot ni Gino ang maliit na tinidor para sana tikman ang mango-basil vacherin, kaso huminto siya nang mahagip ng paningin ang kaliwang palad ko na nakabuka ng kaunti. Naroon ang papel na bigay sa akin ni Romualdo Calderon na nakasilip. Sinarado ko agad ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.

Nagkatinginan kami ni Gino. Nag-angat ang mga kilay niya.

"Ano 'yon?" There's an obvious curiosity in his baritone.

"Uh, may nagbigay sa akin kanina."

Napabagsak naman ang noo niya ngayon. Nakatitig lang sa akin si Gino pero nakikita ko sa tingin niya na gusto niya akong usisain.

Bakit ba kasi hindi ko pa tinago bago ako bumalik dito? Bakit ko rin ba tinago agad nang napansin ni Gino? Nagmukha tuloy akong kahina-hinala! Marami pa namang inimbitang binata sila kuya ngayon at baka isipin pa ni Gino may nakalandian ako roon kanina!

"Tell you later, ok? Pag tayong dalawa na lang." sabi ko sa kaniya bago pinatong ang kanang kamay ko sa hita niya bilang assurance.

Naninimbang ang titig ng mga mala-uling na mata ni Gino. "Ok."

Napangiti ako roon bago ko malambing na pinisil ang kandungan niya. Napakaseloso mo, Gino.

Pasado alas-ocho na natapos ang reception. Naghihintay kami sa lobby ng hotel habang kinukuha ng valet service ang Ferrari. Nauna na si Papa kasi kasama naman niya ang driver. Naiwan kaming dalawa ni Gino kasama ng pamilya ni Tito Johan na naghihintay rin sa mga sasakyan nila. Si Tita Estella puro kuwento sa amin ni Gino ng mga napuntahan niya at ng mga amiga niya na mga foreign countries ngayong taon. One of those were Europe.

The Ferrari came into view afterwards. Nakita iyon nina Justus at Julian at mas nauna pang lumabas ng hotel kaysa kay Gino. Tumawa ang mag-asawa bago nagkuwento sa akin na gusto nga ring magpabili ng dalawa nang malamang niregaluhan ni Papa si Gino. I smiled.

Nagpaalam na ako sa kanila pero bago iyon, narinig kong nagpaalam rin sa kanila si Jugo. Pupunta raw ito ng airport dahil may susunduin. I heard Jugo mentioning the name Scarlet.

The ride back home was silent. I wanted to blame the streets of Manila and its traffic. Kung hindi sana kami pahintu-hinto, baka mas magaan ang viaje namin pauwi. Pagod na ako at alam kong ganoon rin si Gino, pero alam kong iba ang dahilan niya kaya siya tahimik habang nagmamaneho.

Bumaling ako sa bintana kung saan kita ang mga gusaling nakatirik sa kahabaan ng R. Boulevard. The Manila Bay can be seen from the other side. Tinuon ko naman ang mga mata sa kay Gino.

"Sa'n kayo rito?" Tanong ko. I was referring the place he grew up. Hindi ko na binuo pero mukhang naintindihan naman ni Gino.

"Tondo."

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon