"What makes you like her?" Biglang tanong ni Tristan habang nakatingin kay Jessica na ngayon ay sinisimulang linisin ang pool. Napangiti ako at pinagmasdan din si JM.

"I like her because she is beautiful and sexy" Nakangiting sagot ko dito habang pinagmamasdang mabuti si JM habang nakasuot ng sando at short. Hindi ako makapaniwala na gano'n ito manamit idagdag pa ang step-in the suot nito ngayon.

Nagulat ako no'ng bigla nalang akong suntukin ni Tristan sa balikat. Napatingin ako dito, nahuli ko pa ang masama nitong tingin sa akin. "What's that for?" Natatawang tanong ko dito. Gusto ko lang naman itong asarin pero mukang naapektuhan talaga ito.

"Asshole!" Sagot naman nito na binigyan pa ako ng dirty finger bago ako iniwan nalang basta para bumaba na ng terrace. Natatawa naman na sumunod nalang ako dito.

Nang makababa ako sa terrace ay naabutan ko pa sa may sala ang pinsan ko na inaabutan ng tuwalya si JM. The heck! Napailing-iling nalang ako.

"Bakit niyo po ako binibigyan ng tuwalya, sir? Hindi pa po ako naliligo" inosente namang tanong ni JM dito na lihim kong ikinatawa ng mahina. That is the reason why I like her.

Sinamaan ito ng tingin ng pinsan ko. Nginitian naman ng malaki ni JM ito bilang tugon na para bang hindi manlang ito nasindak sa pinsan ko. I can't imagine how they will manage their relationship if they end up together. They are both weird. Natawa nalang ako.

"Cover yourself with this"

"Pero----" Hindi na naituloy ni JM ang sunod nitong sasabihin dahil lumapit na dito ang pinsan ko at ito na mismo ang nagbalot ng tuwalya sa katawan ni JM. Napansin ko pa ang pamumula sa pisngi ni JM. Napabuntong-hininga nalang ako. Tsk! They are really obvious!

"And don't you ever wear that piece of clothes again" Dagdag pa ng pinsan ko bago iniwan si JM na natutulala. Possessive!

Nang mawala ang pinsan ko ay nagsimula akong lumapit kay JM. Tinapik ko ng bahagya ang balikat nito dahilan para bumalik ang diwa nito. Nagtataka na tumingin ang magaganda nitong mata sa mata ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Ba-bakit gano'n ang pinsan mo, Sebastian?" Naguguluhan na tanong pa nito sa akin.

Ngumiti ako dito bago nagkibit-balikat. Nilampasan ko na rin ito pagkatapos. Nang mawala ito sa paningin ko ay saka lamang kumalma ang tibok ng puso ko.

––

Jessica

Nandito ako ngayon sa kusina habang naghahanda ng pananghalian nina sir Tristan at Sebastian. Napangiti ako ng makita ko na ayos na ang lahat.

Lalabas na sana ako ng kusina para tawagin sina sir at Sebastian no'ng mapansin ko na papasok na ang mga ito. Napangiti akong lalo dahil hindi ako makapaniwala na may kasama ako ngayon na dalawang gwapo.

"Lunch is ready" Salubong ko sa dalawa.

Ngumiti sa akin si Sebastian bago ito umupo. Tumingin ako kay sir pero hindi manlang ako nito tiningnan at basta nalang umupo sa naroong upuan. Nagkibit-balikat nalang ako at binalewala ito.

"Ito po ang juice niyo, sir" wika ko pa kay sir na iniabot dito ang tinimpla kong juice.

"Salamat" Hindi tumitingin na tugon nito sa akin.

Nakaramdam ako bigla ng lungkot pero pinilit ko pa rin ang ngumiti. Ang buong akala ko ay magiging bukas na sa akin si sir matapos ang nangyari kagabi pero mukang lalo itong lumalayo sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Sumabay kana sa amin, JM" Basag ni Sebastian sa tensiyon na namamagitan sa amin ni sir. Tumayo pa ito para ipaghila ako ng bangko. Ngumiti ito kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa hinila nitong upuan.

Nang makaupo ako ay ipinaglagay pa ako ng pagkain ni Sebastian sa plato ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan si sir na nakaupo sa katapat kong upuan. Bahagya pa akong nagulat no'ng mahuli ko na nakatingin din sa akin si sir Tristan. Sabay pa kami nitong nagbawi ng tingin. Nakaramdam ako ng bigla ng tensiyon.

Sinimulan kong kainin ang mga pagkain na inilagay ni Sebastian sa aking plato para mabawasan ang tensiyon.

"Slow down, JM" Natatawa na wika sa akin ni Sebastian. Napatingin ako dito.

"Huh?"

"Pffftt. May dumi ka sa mukha, JM" sabi pa nito kaya agad kong kinapa ang mukha ko para alisin ang dumi na sinasabi nito.

"Tsk!" Narinig ko namang asik ni sir Tristan na ikinatingin ko dito.

Nagulat ako no'ng bigla itong tumayo at yumuko sa kinauupuan ko dahilan para halos magkadikit ang mga mukha namin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng lumapat ang daliri ni sir sa labi ko para pahidin ang dumi na sa palagay ko ay naroon.

"Clumsy girl" bulong pa nito na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Napatitig akong lalo dito partikular sa mapula nitong labi. Napalunok-laway ako. 

Napatingin din sa mga mata ko si sir. Nagkasalubong ang mga mata namin at parang natigilan din ito bigla sa posisyon namin ngayon. Napatingin din ito sa labi ko at napalunok-laway.

"Ehem!" Putol ni Sebastian sa tensiyon na namamagitan sa amin ni sir Tristan.

Mabilis na umayos ng upo si sir habang ako naman ay nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Agad akong tumayo at umalis sa harap ng mga ito.

"K-kunin ko lang 'y-yung dessert" Natataranta na paalam ko sa mga ito.  Nagmamadaling pumunta ako sa kusina.

Nang makarating ako sa kusina ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Pinakalma ko rin ang aking sarili. "Anong nangyayari sayo, Jessica? Nababaliw kana" Bulong ko sa sarili habang tinatapik-tapik ang aking pisngi na alam kong namumula pa rin hanggang ngayon. Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na hininga.

Nang maramdaman ko na bahagya na akong kumalma ay binuksan ko na ang ref para kunin ang dessert na leche plan na ginawa ko. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang humarap sa may pintuan ng kusina.

Napamulaga pa ako sa gulat dahil nakita ko sa may pintuan si sir Tristan habang nakatingin sa akin. Muling nagwala ang aking puso.

"A-anong g-gnagawa niyo dito, sir?" Kinakabahan na tanong ko dito. Lalo pang nadagdagan ang kaba ko no'ng unti-unting lumapit sa akin si sir Tristan. Napalunok-laway ako.

"I want to confirm something" seryoso ang boses na wika nito. Lalo itong lumapit sa akin. Muli akong napalunok-laway.

"A-ano po iyon, s-sir?" Tanong ko dito.

Tumigil ito sa may harapan ko. Lalo naman akong nakaramdam ng pagkataranta. Hindi ito umimik. "L-labas na po ako, s-sir" Nagsimula akong maglakad palayo.

Nagulat ako no'ng bigla nalang akong hinigit ni sir sa kamay dahilan para mapayakap ako dito. Napatingala ako dito, nakatitig ito sa akin. Napamulaga ako sa sunod nitong ginawa. Bumaba ang mukha nito sa mukha ko. Napagtanto ko nalang sa huli na nakalapat na ang labi nito sa labi ko.

Hala! Anong nangyayari?


🌻Wahh Anong masasabi niyo? Hahaha 😂🤗 Btw, thank you for reading! 😊 Hope you like it 😍 Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now