Chapter Five

1.5K 68 0
                                    

Araw ng Sabado, gumising ako ng maaga para makapunta agad kay Zamira ito na din ang huling araw ng pagtuturo ko sa kaniyang mag-drive. Nagpaalam ako kina mom at dad at lumabas na ng bahay, pumunta agad ako sa garahe para sumakay sa kotse ko. Napatingin ako sa kalangitan, mukhang uulan pa ngayon.

Mabilis akong nakarating sa kinaroroonan ni Zamira, as usual nauna na naman ito at nakaupo sa isa sa mga bench. Nakakunot ang noo niya habang nagbabasa ng librong dala niya. Wala sa sarili tuloy akong napangiti, kahit sa pagbabasa ng libro ang strikto pa rin niya. Lumapit ako sa pwesto niya at tumikhim, tumingin naman ito kaagad sakin.

'Goodmorning Ms. Carter.' bati ko sa kaniya na nagpairap sa kaniya. Bakit?

'Zamira' sabi niya na parang kino-correct ako.

'Oh you want me to call you Zamira na talaga ah. Are we friends now, Zam?'

'No, but maybe after this we can be friends' seryosong sabi niya tsaka tumayo na

'Let's go, let's start our driving lesson' dagdag niya at nauna ng maglakad papunta sa kotse ko at pumasok.

'Hindi ka naman excited, Zam?' tanong ko sa kanya ng makasakay na din ako. Sya ngayon ang nasa driver's seat.

'You've been a good instructor to me Ms. Javier' sabi niya.

'Of course 'cause my student is good too, a fast learner.' sabi ko ng nakangisi.

Nakukuha nya lahat ng instructions ko, like parang ang tagal na niyang nagd-drive. Ang ituturo ko ngayon sa kaniya ay kung paano mag park ng maayos.

'Yes yes that's it. Oh atras muna konti oh ayan ayan malapit na.'

'OMG you did it!' sabi ko sa kaniya habang siya nakangisi lang, ang yabang din.

'Just a piece of cake' taas noo niyang sabi at nakangisi pa rin.

'Yabang din ah' sabi ko na ikinairap niya lang.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

'Shit bakit ngayon pa?'

'Let's go to my penthouse mas malapit yun kesa sa bahay niyo.' sabi niya at pinaandar na ang kotse.

Napatulala ako sa kaniya dahil hindi pa naman siya kagalingan mag-drive pero parang wala na lang sa kaniya plus pa na ang lumalabo na din ang paligid dahil sa makapal na ulan. Hindi ba talaga siya marunong mag-drive?

'Staring is rude' sabi niya habang nasa daan ang tingin, pano niya naman nalaman?

'Nagtataka lang ako kung bakit parang wala na lang sayo ang pag-drive samantalang noong last ay hindi kapa naman ganyan kagaling, lumiliko liko kapa.' sabi ko na may pagtataka sa boses.

Tumikhim naman siya at parang nataranta, parang lang naman.

'For your information Ms. Javier nagp-practice ako tuwing u-uwian kapag wala akong ginagawa.' sabi niya lumunok.

'Talaga? Kaya pala.' sabi ko tsaka tumingin na sa daan. Grabe ang kapal ng ulan ngayon. Kinuha ko naman ang cellphone sa bulsa ko at dinial ang number ni mommy nakadalawang ring lang ito at sinagot na niya.

'Hello mom matatagalan po siguro akong uuwi kasi sobrang lakas ng ulan' pagpapaliwanag ko sa kaniya.

'Aba kung ganun ay ipapasundo kita dyan, nasan ka ngayon at ipapasundo kita.' sagot ni mommy.

Adoring Her Where stories live. Discover now