Ahm. . . at kung sa design lang din naman ang pagbabasehan, mukhang na-renovate itong simbahan. Maayos kasi ang ilang kulay nito, halatang bagong pintura. 

Although, medyo mukha na itong luma dahil sa structure nito. Siguro kasi matagal ng nakatayo ang simbahan na 'to rito kaya mahahalata mo pa rin na hindi siya bagong tayo. . . but still, maganda siyang titigan. Maaliwalas is the right term actually.

Hindi pa man din ako tapos makipagtitigan sa simbahan ay bigla naman akong hinila ni Ry papasok sa loob nito, dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ko. Hindi na ako nagreklamo pa't sumunod na lamang ako sa kaniya.

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pag-aakalang late na kami pero 'di pa pala. Sinamaan ko ng tingin si Ry. Nag-aalangan naman siyang napangiti sa puwesto ko.

Ang lakas ng loob niyang i-rush ako kanina hindi pa pala nagsisimula, tch.

"Sorry!" pabulong niyang sabi sabay nag-peace sign sa harap ko.

Napasapo ako sa noo ko't tatlong beses na umiling sa harap niya. Tinawanan niya lamang ako dahil sa inakto ko.

Hindi ko na siya nasermunan pa dahil nakapuwesto na ang pari sa gitna. Pati 'yung groom ay nandoon na rin sa harapan. Nakahanda na ang lahat at nagsimula na nga ang kasalan.

I was smiling while waiting for that bride na papunta na ngayon sa groom niya, which is magiging asawa na niya pagkatapos ng araw na 'to.

But that smile fades when I've finally see that bride.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Natigilan ako. Palapit na siya sa puwesto ko ngayon. Does she...

Naaalala niya pa kaya ako?

Napatitig ako sa kaniya, parang nag-slow motion ang paligid ko't siya lang ang nakikita kong naglalakad ngayon palapit sa gawi ko. And she's so... beautiful. Bagay na bagay sa kanya itong puting wedding gown na kasalukuyan niyang suot-suot ngayon.

Napalunok ako nang bigla niya akong lagpasan. Natahimik ako't mariing napapikit. Sinungaling.

‘Hindi raw makakalimutan, hays.’

Napailing ako sa nasabi ng utak ko. Ang tagal na no'n. Malamang hindi na niya ako maalala.

‘Kung nakipagkita ba ako sa kaniya noon, possible bang. . . maging kami sa dulo?’

Mapait akong napangiti sa namuong tanong ng isip ko. Impossible.

Napadilat lamang ako gamit ang dalawa kong mata nang biglang may tumapik sa 'kin. Saglit kong tinapunan ng tingin itong kasama ko na ngayo'y nangunot na ang noong napatitig sa mukha ko.

"Ayos ka lang?" usisa pa niya. Tumango lamang ako bilang tugon sa naging tanong nito.

Kaagad naman akong umiwas ng tingin nang makita kong nakarating na ang bride sa groom niya. Hawak na ng lalaking iyon ang kamay niya't magkatabing nakaharap sa pari na nasa harapan nila mismo.

Hindi ko kayang tumingin sa kaniya, sa kanilang dalawa. Napatungo ako't nakipagtitigan sa mala-peras na kulay na sahig nitong simbahan.

"She's Emiya Maunice Albares, soon to be Mrs. Elveda."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman matapos sabihin sa 'kin ni Ry ang totoo niyang pangalan.

May katiting sa part ko na masaya pero mas lamang 'yung lungkot, panghihinayang at sakit sa puso ko ngayon.

Book 1: A Meme ThreaderistWhere stories live. Discover now