Chapter 26: Different

37 1 0
                                    

"MAY ipinasok tayong tao rito."

Ito ang mga katagang narinig ni Ephilus na siyang dahilan kung bakit hindi siya kaagad nakakibo. Nakatingin sa kanya ang lahat ng miyembro ng council at hinihintay siyang magsalita.

Sampu sila sa loob ng conference room. Gawa sa marble ang parihabang mesa na kulay puti at ang kanilang inuupuan sa palibot nito ay gawa sa kristal na may mga disenyo na kulay ginto. Karamihan sa mga miyembro ng council ay mga Vecron. Tatlo lang ang Cilhean. Sila ay sina Gabriel, Xander at Andrei.

Walang Alzerian. Hindi kasali si Arleigh.

Isang pribilehiyo at napakalaking responsibilidad na maging miyembro ng council. At sa tingin ni Ephilus ay hindi pa handa si Arleigh. Lalo na kapag nagpatuloy ang pagiging padalus-dalos nito.

Kilala ang mga Vecron bilang matatalino, kagalang-galang at mahinahon. Magkakagulo lang kapag napabilang si Arleigh.

She will not just cause chaos. She is chaos. Iba ang takbo ng pag-iisip at madalas itong salungat sa mga desisyon ng council. Kaya kahit may karapatan ay napagdesisyunan ng karamihan na huwag na itong isali. Mas matatagalan at mas mahihirapan silang gumawa ng solusyon sa mga problema.

"Paano? Sino?" halos walang emosyon na tanong ni Ephilus. Kahit hindi makapaniwala sa narinig ay nanatili siyang kalmado. Siya rin ang tipo na hindi basta-basta nagpapadala sa emosyon. Buong buhay niyang pinag-aralan kung paano kontrolin o itago ang emosyon niya. Naniniwala siyang isa ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay siya pa rin ang pinuno ng mga laverians.

Sa dalawang nilalang lang hindi umuubra ang kakayahan niyang ito.

"Si Caviel," sagot ni Gabriel. "Hindi siya laverian."

"Bakit hindi niyo kaagad nakumpirma bago niyo dinala rito? Alam niyong mapapahamak ang sikreto natin." Tumingin si Ephilus kay Andrei. Ito ang Cilhean na responsable sa armor at defense ng Clavis. "Bakit hindi gumana ang kapangyarihan mo? Bakit hindi nito sinunod ang kondisyon?"

"Hindi kasalanan ni Andrei, Ephilus," mahinahong sabat ni Melova. "Nang ginawa natin ang Clavis, ang klarong kondisyon ay mga laverians lamang ang maaaring makapasok. Kung nakapasok si Caviel, ibig sabihin ay isa rin siyang laverian."

Binalingan ni Theone si Gabriel. "Ano ang basehan mo na hindi isang laverian si Caviel, Gabriel? Saan at paano mo nalaman? Baka nagkamali ka lang."

"Maaari akong magkamali, pero kailan pa nagkamali ang denta?" tugon ni Gabriel.

Ang denta ay isang instrumento na magsasabi kung tunay bang laverian ang isang nilalang at kung anong klase. Kung siya ba ay simpleng laverian lang, Cilhean, Vecron o Alzerian.

"Hindi nabibilang sa kahit anong klaseng laverian si Caviel. Hindi siya mabasa ng denta. Doon ko naisip ang posibilidad na baka hindi siya laverian," pagpapatuloy ni Gabriel.

"Pero nang una kong mahawakan si Caviel, naramdaman ko kaagad na isa siyang laverian. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagdalawang-isip na dalhin siya rito. Nararamdaman ko na kauri natin siya," sambit ni Andrei.

"Pero bakit hindi ko iyan naramdaman, Andrei? Maaaring tama si Gabriel. Matagal ko nang sinusundan at pinagmamasdan si Althea sa malayo. Madalas ko siyang nakikitang kasama si Caviel at sa tuwina ay aura lang ni Althea ang nararamdaman ko," sambit ni Xander.

"Iyan ay dahil mismo sa ating aura. Ang ating aura na siyang pinagmulan ng ating kapangyarihan ay maaaring maihalintulad sa isang magnet. We attract our own kind. Sa ganitong paraan, malalaman kaagad natin kung ang isang nilalang ay kauri natin. At kapag malakas ang aura natin, maaaring hindi na natin kailangan pang hawakan ang nilalang upang malaman ito. Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin, na kahit nasa malayo, ay kayang malaman kung ang isang nilalang ay isang laverian o isang reficul," paliwanag ni Cato.

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians Where stories live. Discover now