CHAPTER 42

334 19 4
                                    

Voice

“Love, sorry hindi kita masasamahan ngayon. May meeting kasi ko this afternoon,” he said while we are talking on the video call. Nasa opisina siya sa hospital habang ako ay nasa bahay naman, gumagayak.


“That’s fine. Hindi naman ako matagal do'n. Magpapagupit lang ako at hair treatment.”


I know he really wants to go with me but sadly urgent yata ang meeting niya dahil kahapon ay nakaplano na talaga na sasama siya sa akin.


“Okay, text me kapag nandoon ka na, ah? Huwag masyado mabilis magmaneho.” Paalala nito.


“Sige, take care and good luck sa meeting.” Pagkaway ko.


“Sir Chad, magsisimula na po yung meeting. Kayo nalang po ang kulang,” boses ng isang babae at napatingin doon si Asher.


“Mamaya na kausap pa yung asawa!” rinig kong boses ng lalaki at tumawa. Nakita ko ang pagngisi ni Asher bago tumingin ulit sa akin. Nag iwas naman ako nang tingin at nag panggap na sinusuri ko ang mukha sa harap ng salamin. Ramdam ko naman ang paunti-unting pag-init ng pisngi ko.


“Ay sorry po!”


“Bye, love. Mamaya nalang. I love you.”

Muli akong tumingin sa camera.


“Uy tamis naman non!” kantyaw ulit ng lalaki, hindi ko alam kung sino iyon but I'm sure hindi iyon empleyado ng hospital.


Tumawa si Asher, napagpasyahan ko naman na tapusin na ang tawag dahil alam kong malelate pa siya dahil sa akin.


“Bye, I love you too.” Muli akong kumaway at pinatay ang tawag.


Tumayo ako at kinuha ang bag sa ibabaw ng kama. Nakagayak na ako kaya naman pupunta na ako sa salon. Ngayon lang ako nagka-free time dahil day off ko. Aayain ko sana si Asher ng date pagkatapos ko sa salon pero siya naman ang busy ngayon.


“Good afternoon, Ma'am Astrid. Tagal niyo po hindi bumalik, ah,” ani ng isang employee ng salon na siyang laging nag-aasikaso sa akin. Agad ako nitong sinalubong at dinala sa harap ng salamin.


“Medyo busy kasi. Nung last week pa sana ako pupunta para mag pa hair treatment kaso nagkalakad ako.”


May inilagay itong itim na tela sa aking leeg upang hindi madumihan ang aking damit.


“Hair treatment lang, Ma'am?”


Napaisip naman ako kung pababawasan ko ang buhok ko. Malapit na kasi itong umabot sa aking bewang pero parang biglang gusto ko mag magbago ulit ng style.


“Paggupit hanggang dito.” Turo ko sa aking balikat.


“Sure, Ma'am? Ang haba ng mawawala.”


“Okay lang, para maiba naman,” sagot ko.

Una nitong binawasan ang buhok at hindi naman ako na disappoint nang makita ko ang result. Ayos lang hindi naman masama. Nag ganito na akong style ng buhok noon kaso ay college pa ako, ngayon lang ulit.


Matapos ang mahabang oras na nakaupo ako rito ay natapos din.


“Mahaba yung nawala sa buhok niyo, Ma'am, pero maganda yung result. Lalong maiinlove sa ‘yo niyan si Sir Asher.” Pagbibiro nito.


Ningitian ko ito. Kilalang-kilala nila si Asher dahil lagi ko iyong kasama tuwing nandito ako. Sunuri ko ang sariling repleksyon sa harap ng salamin at kinuhan ko ang aking sarili para isend iyon kay Asher.


“Astrid?” napalingon ako sa pagtawag ng aking pangalan. Nasa cashier ako habang inaabot ang bayad.


“Princess,” tawag ko rito pabalik. Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa.


“Hindi kita gaano nakilala, ah. Dito ka pala nagpapasalon.” Ningitian nito ang kaninang naghandle sa buhok ko.

Inayos ko ang aking bag na nasa balikat dahil handa na akong umalis.


“Ah, oo. Tapos na ako kaya aalis na rin.”


Tumango ito. “Ganun? Sayang naman. Let’s hang out next time.”


Though I'm not comfortable to hanging out with her anymore, I agreed.


“Sure, why not?”


Yumakap siya sa akin.


“Bring Asher with you para masaya,” nakangiting sambit niya.


Ginawaran ko lang siya ng matipid na ngiti. Lalo akong nagkaroon ng kakaibang kutob. I don’t want to assume that she has a crush on my boyfriend but that was the first thing that came to my mind. Bakit laging involve si Asher? Bakit lagi siyang napapalapit kay Asher? Alam na alam kong hindi sila close ni Asher noong college kami.

Love:
Nag paggupit ako. Bagay ba?
Pag send ko ng message kay Asher kasama ang picture ko. Hindi ko na inasahan na mag rereply siya dahi baka nasa meeting pa, pero alam kong mag rereply ‘yon pagka-tapos na.


Dahil hindi pa ako nag la-lunch nung umalis ako ng bahay, ay nakaramdam ako ng gutom. Napagdesisyonan kong pumasok sa isang fast food restaurant para doon na mag lunch.


Bitbit ang tray ng aking pagkain ay humanap ako ang bakanteng table. Gusto ko sana yung isahan lang para walang tumabi sa akin kaso ay wala rito non.


Sa kalagitnaaan ko nang pagkain ay napatingala ako sa aking harapan sa paglapag ng isang tray sa aking harapan. Muntik na akong masamid nang makilala ko ito. Si David. Wala akong nagawa nung umupo ito sa kaharap kong upuan.


“Can I sit here? Mukhang wala ka naman kasama,” he said.


Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig.


“S-Sure,” pagkautal ko.


“Si Chad?” tanong niya at nagsimula na ring kumain.


“Nasa meeting.”


He nodded at napatitig sa aking mukha bago ulit bumaling sa kinakain. “I like your hair. That makes you look younger. Parang kaharap ko yung Astrid years ago.”


I laughed. “So you are telling me that I'm old now?” pagbibiro ko para gumaan ang atmosphere sa pagitan namin. Para mawala ang awkwardness.


“Konti,” sagot nito na nagpatigil sa akin. Hindi ko malaman kung biro o totoo.


“Talaga? Four years ka lang naman nawala, ah!”


Nagkibit balikat siya at pinunasan ng tissue ang gilid ng labi. Walang pinagbago, sobrang linis pa rin sa sarili.

“In that four years, many things have been changed…. except for one thing.” Ibinaba niya ang kubyertos. Pinagsiklop nito ang mga kamay na nasa ibabaw ngayon ng mesa at ipinatong ang kaniyang baba sa kaniyang kamao habang nakatingin sa akin.


“Well….siguro nga.” Pagsang-ayon ko nalang. Hindi ko na inusisa pa ang ibig sabihin niya.


Naunang natapos si David sa pagkain. Nakasandal lang ito sa kaniyang upuan habang nakahalukipkip ang mga braso at pinapanood ako. Nailang ako sa ginagawa niya kaya hindi ko naubos ang pagkain sa plato ko.


“Wala ka na bang pupuntahan pagkatapos mo rito?” tanong niya.


“Wala na. Uuwi na ako.”


Tiningnan ko naman ang cellphone ko kung may reply na si Asher pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Parang ang imposible naman na umabot ng apat na oras ang meeting niya.


“May dala kang sasakyan?”


Tumango ako at tumayo. Tumayo rin siya.


“Oo.”

He pursed his lips. “ Uhm…pwede makisabay? Wala kasi akong dalang sasakyan.”


“O sige…” nag-aalangang sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. Yung kami lang dalawa sa loob ng isang sasakyan. Parang lalong ang awkward! But I have a hunch that he's only doing this to break the awkwardness between us. Siguro para maging kaswal na ulit kami.


“Maingat ka naman siguro mag drive no? First time ko makisakay sa ‘yo kaso noong inangkas mo ako sa motor mo, parang alanganin yung buhay ko.” Pagtawa niya. Ngumiti lamang ako.


Why it so easy for him na mag flashback? Feeling ko kasi ay uncomfortable ‘yon. O baka ako lang yung naiilang kapag pinag-uusapan namin yung nakaraan? Kasi siya, parang wala lang. Nagagawa pa nga niyang tawanan. Sign na ba ‘to na kalimutan na naman yung nakaraan at maging kaswal na ulit sa isa't- isa?


“Don't worry, hindi ako si Aloisia kaya safe tayong makakauwi,” pabiro ring sagot ko.


Akala ko ay mangingibabaw ang katahimikan sa loob ng sasakyan kasama si David, pero nagkamali ako. Napakalaki talaga ng pinagbago niya. Wala siyang ibang kinwento kundi ang experience niya sa Canada at nung unang buwan niya roon na gusto na raw niya agad umuwi. Hindi ko mapigilan mahawa sa mga ngiti niya habang nagkukwento siya. Ang galing lang dahil biglang gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ni David.


“If you have plans to go to Canada sabihin mo lang at ako bahala sa ‘yo.”


Tumango-tango ako. “So babalik ka pa pala ng Canada?”


“Hindi ko sigurado pero naka 3 months vacation ako. Pag-iisipan ko pa kung babalik pa ‘ko.”


“Ahh….pwede ka naman sa hospital nalang si Asher magtrabaho. Balita ko hiring sila ng nurse ngayon.”


Speaking of Asher. Biglang tumunog ang cell phone ko sa tawag nito. Sinensyas ko kay David na sasagutin ko ang tawag at tumango naman ito.


“Lov-”


“Nasaan ka?” pagputol nito sa akin. Ramdam ko ang lamig ng boses niya sa kabilang linya.


“Nasa sasakyan, pauwi na. Nakita mo yung sinend kong picture?”


Matagal siya bago nakasagot. Nilingon ko naman si David na nakatingin sa kabilang direksyon.


“Oo. Yung sinend ko….nakita mo rin ba?” the cold in his voice makes me tremble. Hindi ganito makipag-usap sa akin si Asher.


“H-Hindi….nag dadrive kasi ako….” mahinang sagot ko.


“Astrid, dito nalang ako sa coffee shop.”


Iginilid ko ang aking sasakyan upang ibaba si David.


“Thanks for the ride.”


Pilit akong ngumiti kay David. Nang isarado nito ang pinto ay umabante ako ng kaunti upang ihinto ulit ang aking sasakyan. Binigay ko ang atensyon ko kay Asher.


“Who’s with you, Astrid?”


Sa diin ng boses niya ay doon na ako napahinto. Alam ko ng may mali dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko habang magkausap kami.


“Who’s with you, Astrid?” muling tanong nito.


I'm very sure he heard David’s voice. “Si…David,” kinakabahang sagot ko. Sunod-sunod akong napalunok.


“Bakit kasama mo siya? Bakit magkasama kayo? Anong ginagawa niya diyan sa sasakyan mo?” sunod-sunod na tanong nito. Tuluyan kong pinatay ang engine ng sasakyan dahil mukhang hahaba ang usapan na ‘to.


“Love, it’s not what you think okay? Aksidente lang kaming nagkita ni David pagkatapos ko magpasalon tapos nakisakay lang siya dahil wala siyang dalang sasakyan.” Paliwanag ko.


“Ha! Sino maniniwala do'n? Si David? Walang dalang sasakyan? The fuck!” malutong na mura niya. Nasapo ko nalang ang aking noo.


“Asher, ano ba?! Pinag-iisipan mo ba ako ng masama?”


Parang sinasabi niya na may ibang kahulugan ang pagsabay sa akin ni David. He sounds jealous and mad.


“Ikaw, hindi. Pero si David? Oo! May past kayo, kaya ano sa tingin mo ang iisipin ko? Patay na patay ka diyan non kaya ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?”


“Come on, Asher! Let’s move on! Matagal na ‘yon at ikaw na yung boyfriend ko. Hindi naman pwede na hindi kami maging okay ni David dahil sa nakaraan namin. Part siya ng pamilya mo, Asher. Gusto ko okay ako sa lahat ng pamilya mo. Para sa atin ‘to pareho, para maging okay na lahat.”


Malakas akong napabuga ng hangin. Naiintindihan ko naman si Asher dahil kung ako ang nasa posisyon niya ay mararamdaman ko rin ‘yon. Makakaramdam din ako ng selos at mababahala but our case is different. I can’t avoid David for the rest of my life because he is part of his family.


“Love….4 years na tayo. Nagdududa ka pa rin ba sa pagmamahal ko sa ‘yo?” mahinang tanong ko. Matagal na hindi nakasagot si Asher pero rinig ko ang pagbuntong-hininga nito.


“Hindi….pero….mas matagal mo siya minahal, Astrid.”


May kumurot sa puso ko sa mababang boses nito. Ramdam ko yung takot at pangamba sa boses niya.


“Pero mas minahal kita,” sagot ko.


Mahabang katahimikan muli. Hindi ko tuloy malaman kung ano ekspresyon niya ngayon dahil hindi ko siya nakikita.


“Umuwi ka na. Kanina pa kita hinihintay dito sa inyo. Gusto na kita yakapin.”

Kumurba ang aking labi ng matamis na ngiti. Okay na siya at kalmado na.


“Okay, hintayin mo ako. I love you.”


“I love you more, mahal…” maemosyong sagot nito.


Bago ako umalis ay tiningnan ko ang sinasabi ni Asher na picture. Kumunot ang noo ko nung izoom ko ito. Picture namin ni David habang kumakain. Nakasandal si David sa upuan habang nakangiting nakatingin sa akin.  Ako naman ay nakatutok sa pagkain. Napaisip ako kung sino ang magsesend nito kay Asher. Bakit kailangan pa kami nito picturan at isend kay Asher?


Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita ang nakaparadang sasakyan ni Asher sa tapat ng gate. Nandoon siya at nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ang suot nitong polo ay nakalupi hanggang siko habang ang mga kamay ay nasa kaniyang bulsa. Nung makita nito ang sasakyan ko ay hindi na niya ako nahintay pa na bumaba. Sinalubong na ako nito.


Sininop ko ang aking gamit. Palapit na sa akin si Asher nung tumunog ang cellphone ko sa isang message. Nang mabasa ko ito ay bigla akong nataranta at agad na pinindot ang delete bago pa man ako maabutan ni Asher. Nanginginig ang kamay kong isinilid ang cellphone sa bag.


Unknown
Can I call later? I really miss your voice. Save my number. David.


Nanlamig ang aking sikmura pagkatapos ko iyong mabasa. Mabilis ko iyon binura dahil baka pag-awayan pa namin ulit ni Asher.


“Are you okay? Namumutla ka?” pagbukas ni Asher ng pinto ng sasakyan.


Sa halip na sagutin siya ay bumaba ako ng sasakyan at agad siyang niyakap. Bigla akong nakaramdam ng guilt. I feel like I’m hiding something from him the way I reacted.

Normal lang ba na ganito ang message sa akin ni David? Hindi kasi normal yung kabog ng puso ko nang mabasa ko iyon.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now