CHAPTER 28

218 10 0
                                    

Request


Malaki ang igiwad kong ngiti kay David habang papalabas siya ng room. Maaga ng 30:00 minutes ang uwian ko kumpara sa kaniya kaya hinintay ko na lamang siya sa labas ng laboratory room nila.


“Wala ka ng gagawin?” tanong ko sa kaniya. Sabay kaming naglalakad pababa ng hagdan.


“Actually, gusto ko muna tumambay sa café. Gusto ko ro'n dahil mag nakakapag concentrate ako tuwing nagbabasa.”


“Can I come?”


Napatingin ito sa akin. Napataas ang dalawang kilay ko.


“Are you sure? You don’t have any plans to go out with your friends? I mean….you know, you usually hangouts with them especially when it’s Friday.”


Actually, Carra is inviting me to come to their house with some of our friends. Plano nila mag-inuman pero hindi ko naman sinabi na pupunta ako. Sabi ko lang ay susubukan ko. Kaya ko naman ipagpaliban yung mga ganung lakad lalo na kung si David ang dahilan.


“Wala akong plano today. Pero may assignment ako, kaya sabay nalang tayo mag-aral?”


Napatikhim si David. “Sige, para makita ko kung nag-aaral ka ba talaga.”


“Masipag na ako mag-aral ngayon no!” natatawang sabi ko.


“Iexpect ko na ba na puro uno ang grades mo?” pagtaas ng kilay nito sa akin.


“G-Grabe naman yung uno, David. Hindi ba pwedeng 2.5 o 2?”


Nawala ang pagseseryoso sa mukha niya at natawa sa hinaing ko. Grabe naman talaga ‘yon. Maganda lang ako, wala akong utak na kasing talino niya.


We went together to his favorite café. Ang tahimik ng ambiance ng paligid. Kaya siguro gustong-gusto rito ni David dahil nandito ang mga kapwa niya na masipag din mag-aral. Parang ginawa talaga yung café na ‘to para sa mga katulad niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang lumibot ang tingin sa paligid lalo na't may mga binago sila sa paligid. Ang sarap sa mata ng pintura, yung mga decoration sa paligid, idagdag pa yung mabangong amoy.


“Nasaan yung assignment mo?”


Napabaling ako kay David. Umupo ito sa aking kaharap na upuan, galing siya sa counter para kunin ang order namin.



“Here! Madali lang naman ‘to kaya mabilis ko sigurong matatapos.”


Kinuha sa aking kamay ni David ang notebook na kinasusulatan ng assignment ko mula sa isang major subject. Pinasadahan niya ito nang tingin bago ibalik sa akin.


“Ito yung ginagawa ni Asher kahapon,” he said. Inilabas naman niya ang kaniyang laptop at isang notepad. Isinuot din niya ang kaniyang reading glass na lalong nagpa-intimidate ng datingan niya.


Oo nga, nakapagpasa na si Asher kanina at ang totoo niyan ay itinuro niya sa akin kung paano ang procedure para makuha ang tamang sagot. Makakapagpasa na rin ako sana kanina kaso ay ayaw niya ako pakopyahin. Gusto niya makuha ko ang sagot sa sarili ko.



“Alam mo ba na….na hospital si Asher last week?”


Saglit na napatigil si David sa ginagawa para mag-angat sa akin nang tingin.


“Hindi, why? What happened to him?”


“I don’t know. Basta sumakit yung tiyan niya nung kumain ng street food. Akala ko ay alam mo.”


Nagkibit kabalikat si David.


“Hindi niya sinabi sa akin at t'yak kong hindi rin niya sinabi sa magulang niya dahil mamalaman ko iyon kung sinabi niya.”


Muling bumalik si David sa binabasa. Nag-aalangan akong sabihin ang sana isip ko kaso ay baka mainis na sa akin si David. Nandito siya para mag-aral hindi para makipagkwentuhan sa akin. Pero dahil parang may nagtutulak sa akin na magsalita ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.



“Akala ko sinabi ng kasama mo sa duty. Yung babaeng matangkad na maputi. Naitanong ka kasi ni Asher at kilala ka kaso…..baka wala kana sa duty non.” Peke akong tumawa. Hindi ko alam kung nahalata ni David iyon.


Nakuha ko ulit ang atensyon ni David but this time ay napahinto lang si David at hindi agad sa akin makatingin. Pero nang tumingin siya sa akin ay matipid siyang ngumiti.


“Baka nga wala na ako non,” matipid na sagot niya.


Palihim ko namang pinakawalan ang mabigat na paghinga. Sabi ko na nga ba, nagkamali lang yung nurse. Nasa duty si David non at siguro ay hindi lang niya napansin. Inalis ko yung pangamba ko na baka nagsinungaling sa akin si David nung araw na ‘yon. Walang dahilan para magsinungaling siya. Sa tingin ko.


Isinara ko ang aking notebook pagkatapos kong sagutan ang assignment. Hindi pa rin tapos si David. Ang kapeng binili kanina ay malamig na dahil hindi maalis ang tingin niya sa laptop. Sana ay katulad nalang ako ni David, yung bang masipag mag-aral. Tapos ganito yung date namin. Sabay kaming mag-aaral dalawa. Kaso malas lang sa part na tamad talaga akong mag-aral.



“Are you done?” biglang napatingin sa akin si David.


“Oo, ikaw?”


Iniharap niya sa akin ang laptop at ipinakita ang napakahaba niyang binabasa.


“Dalawang article nalang.”


Ngumiti ako. “Sige, take your time. Hindi kita guguluhin para makapagfocus ka. Para sa future natin ‘yan.” Matamis na ngiti ko.


“Ang ganda ng future mo kung gano'n.” Pagsakay niya sa kaharutan ko.


“Huwag mo na akong pakiligin, David. Baka bigla nalang ako mapatili dito at mapaalis pa tayo.”


Inilabas ko muna ang cellphone ko upang makapaglibang para hindi mainip dito. Sa pag connect ko sa wifi ng café ay message agad galing kay Asher ang natanggap ko. Tinatanong niya kung tapos na ako sa assignment. Sinagot ko naman siya ng ‘Oo’ pero hindi yata naniwala at gusto pang isend ko sa kaniya ang ginawa ko. Pinicturan ko naman ito ay pinasa sa kaniya.


Asher:
Wala ka sa inyo?

Reply:
I'm in the café with David.

Asher:
Mali yung number 3 mo. I told you multiply the first and second number pero inadd mo. Change your answer to 556.


Muli kong binuklat ang notebook ko parang tingnan ang sinabi ni Asher. And he's right, I used the wrong formula.


Reply:
Thanks math wizard:)


“Akala ko ba tapos ka na?” nakataas kilay na tanong sa akin ni David.


“May binago lang.”


Isinara nito ang laptop hudyat na tapos na siya. Ipinatong niya sa ibabaw nito ang hinubad na reading glass.


“Natuloy ka nga pala sa show na inaaya mo ‘ko. Sino kasama mo?”


“Si Asher.” Pagsasabi ko ng totoo.


He looks surprise. “Si Asher? Inaya ka niya?”


Umiling ako. “Napagkasunduan lang naming dalawa dahil sayang yung ticket.”


Iniwasan kong magtunog na parang kinokonsyensya ko siya na hindi niya ako sinamahan nung gabing ‘yon. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.


“I’m sorry, ako dapat yung kasama mo kaso may duty ako. Don’t worry babawi ako.”


Matipid akong ngumiti. “How about, let’s watch a movie together tomorrow? Are you free?”


Tahimik kong hinihiling na sana ay pumayag siya. Kahit hindi ko man gusto ang palabas na pipiliin niya ay mas gugustuhin ko pa ring manood kasama siya.


“That’s sounds good. Sige bukas manood tayo. Pero okay lang na mauna kana ro'n? Susunod nalang ako.”


Lalong lumaki ang ngiti ko. “No problem, David.”


Nung gabi ay nag text sa akin si David na hindi na siya makakapagtext pa dahil mag-aaral siya. Naiintindihan ko iyon at nirerespeto ko ang personal time ni David. Kaya naman nandito ako, nakahiga sa kama habang kavideocall si Asher. Kinukwento ang balak namin ni David bukas. Sa kaniya ko lang naman pwede ikwento ang mga ganito dahil siya lang ang nakakaalam ng relationship namin ni David.


“Huwag kang excited, Astrid. Hindi ‘yan matutuloy.”


Sinimangutan ko siya. “Alam mo, ang pangit ng lumalabas sa bibig mo! Kaya ka hindi ka binabalikan ni Natasha e! Napaka bitter mo.”


Tinawanan lang ako nito. Bumangon siya kaunti mula sa pagkakahiga. May nakapatong na unan sa dibdib niya para takpan ang walang saplot na pang itaas.


“Baka nakakalimutan mong ilang beses kita sinabihan ng maganda?” he grinned.


“Sa lahat din ng sinabi mo, iyan lang ang maganda at totoo.”


“Tss…taas talaga ang tingin sa sarili.”


Pinandilatan ko siya ng mata at itinuro ang mukha ko. “Can you see that? Wala ‘yan make up. Maganda pa rin.”


“Edi ikaw na natural. How about me? Do you find me…..” ipinakita niya ang kaniyang muscle. “gwapo and matcho?”


Humagalpak ako ng tawa sa sinabi at ginawa niya. Akala ko ay mapipikon siya sa tawa ko pero pati siya ay natawa sa ginawa niya.


“Mukha kang gigolo, Asher!” mangiyak-ngiyak na panunuya ko.


“Talaga? Mukhang may bago na naman akong pangarap. Extra income din ‘yon.”


“Kadiri ka!”


Humagalpak ito ng tawa sa reaksyon ko. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, pero yung isipin si Asher na gagawin iyon ay bumabaliktad ang sikmura ko.


“Kaya mo ‘yon gawin?”


Napatingin siya sa itaas na parang pinag-iisipan. “Uhm…depende sa pangangailangan.” Sabay pagtawa naming dalawa.


“Bukas…..kapag hindi ka sinipot ni David, tawagan mo ako,” ani nito pagkarecover namin sa pagtawa.


“Bakit mo naman naisip na hindi ako sisiputin ni David?”


Tumagilid ang kaniyang ulo. Lalong nadepina ang kaniyang panga at kitang-kita kung gaano kaperpekto ang hugis ng kaniyang ilong.


“Wala naman. In case lang naman. Let’s watch together,” he answered softly than his usual voice. Napatagilid ako sa pagkakahiga at itinago ang kalahati ng mukha sa comforter. Napatitig ako kay Asher sa screen, ganun din siya sa akin.


“Request ka ng song.” Utos ko sa kaniya. Napataas ang dalawang kilay niya sa akin.


“I need you more today,” mabilis n'yang sagot.


“Bakit naman ‘yon?” tanong ko.


He pressed his lips together. “Wala lang. May gusto lang akong marinig na lyrics doon.”


Tumango ako sa kaniya. Inilapit ko ang aking mukha sa camera na mata nalang ang makikita sa akin para marinig niya ako. Tumagilid na rin ng higa si Asher. Simulan ko naman kantahin ang request niya sa mababang boses.


“Are you coming back into my arms
To love me again
I love you I miss you
I need you now
More than ever
More than words can say
I love you and I miss you
I need you more today”


Huminto ako dahilan para mapadilat si Asher. Hindi ko kasi kabisado ang kanta.


“Continue, Astrid…” he whispered.


“Hindi ko na alam yung kasunod. Thanks for listening. Goodnight.” Pamamaalam ko.


“Goodnight,” he whispered at tila antok na antok ang mga mata.


The next day, nauna nga ako sa mall katulad ng usapan namin ni David. He said, he’s on his way kaya naman pumila na ako para bumili ng tickets and snacks. Dala ang mga iyon ay umupo ako sa isang mahabang upuan para doon hintayin si David. But minutes after wala pa rin siya. Ibinaba ko sa aking gilid ang hawak at kinuha ang cellphone para tingnan kung may message siya. Pero wala. Papadyak-padyak ng mahina ang aking paa sa floor habang patuloy siyang hinihintay.


20….30…..40 minutes, wala pa rin si David. Nag start na ang palabas at nawala na rin ang lamig ng drinks na binili ko ay wala pa rin siya. May iba na rin na pinagtitinginan ako dahil kanina pa ako rito. Napayuko na lamang ako sa aking kinauupuan at patuloy na hinintay siya.


“I told you to call me right?”


Hindi ko na kailangan lumingon pa sa lalaking umupo sa aking gilid para makilala ito. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi. Nakatukod ang aking mga kamay sa magkabila ng upuan.


“Pero wala akong narecieve na tawag o text galing sa ‘yo.”


“Nasaan si David, Asher?” bakas ang lungkot sa boses ko.


“Pinatawag siya ng magulang niya. Emergency daw.”


Napapikit ako ng mariin para umatras ang luha ko. Pero bakit hinayaan niya akong maghintay dito ng matagal? Kahit message man lang na sana, na hindi siya makakapunta para naman hindi ako nagmukhang tanga rito.



“At pinapunta ka niya?” pagbaling ko kay Asher. Walang nababakas na emosyon sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.



“Hindi. Kusa akong pumunta nung nalaman ko na pinatawag siya. Because I know, his girl….. is waiting for nothing.”



Inangat ko ang dalawang ticket sa aking kamay.


“Tapos na yung palabas.”


Kinuha ito sa akin ni Asher at pinunit. Pakurap-kurap akong napatitig sa kaniya.


“Hindi dahil tapos na, wala ng susunod. Malay mo yung susunod mas maganda pala sa natapos.”


Sa pangalawang pagkakataon, si Asher na naman ang kasama ko sa halip na si David.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now