CHAPTER 21

230 6 0
                                    

Hates


“Basta pumunta kayo bukas sa amin. Ako na bahala bumili ngayon ng mga materials,” pahayag ko kay Aloisia sa tawag.


“Kaya mong mag-isa? Sinong kasama mo?”

Napalingon naman ako kay Asher na nasa driver seat. Nakapikit ito habang nakadukdok sa manubela paharap sa akin.


“Ako lang mag-isa, kaya ko na ‘yon,” sagot ko kay Aloisia na ikinadilat ni Asher. Sinenyasan ko ito na manahimik.


“Sige, bukas pupunta kami ni Amara. Sleep over na rin tayo.”


Pagkapatay ko ng tawag ay inayos ko ang aking damit bago tuluyang bumaba sa sasakyan ni Asher.


“Bilisan mo naman mag lakad!” asik ko kay Asher.


Tamad itong sumusunod sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na pants. I know he was just forced to come with me but he has no other choice.  Kailangan ko siya dahil kailangan ko ng taga dala ng mga bibilhin ko.


“He loves blue color right?” tanong ko kay Asher habang pumipili ng balloons.

“No,” sagot niya na nagpatigil sa akin sa paglalagay nito sa basket.

Pumunta ito sa tabi ko at kinuha sa harap ko ang kulay red na lobo. Inilagay niya ito sa basket na bibit niya.


“He loves red,” he proposed.


Saglit ako roong napaisip dahil ang alam ko ay blue talaga ang favorite color ni David. “Baka nagkakamali ka. Blue ang favorite niya, Asher. Iyon ang natatandaan ko.”


Malalim na humugot ng hininga si Asher. “Ako ‘yon, Astrid. Ako ang may gusto ng blue.” Pag turo nito sa suot na sweatshirt na kulay blue. “Red ang kay David. Remember? Binigyan mo ako ng blue helmet noon.” Nilagpasan ako ni Asher at nagpunta sa hilera ng mga glue.


Muli akong napatigil dahil sa sinabi ni Asher. All this time, maling kulay pala ang naibibigay ko kay David because I thought he loves blue. Mali pala ang natandaan ko at mali pala ang tumatak sa isip ko. Naging klaro lang ang lahat dahil sa pag-alala ni Asher sa helmet na ibinigay ko sa kaniya.


“Ano ‘yan?” tanong ni Asher mula sa aking likuran.

“Candle. Hindi ba obvious?”

Narinig ko ang pagtikhim nito. “Debut lang?”

Mahina kong siniko ang tiyan niya.

“Huwag kang panira ng trip. Palihasa hindi ka pa kasi nasurprise.”


“Who said that?” may halong pagmamayabang nito. Ibinaba nito ang hawak na basket at inayos ang suot na itim na cap.


“Bakit may nag surprise na sa'yo? Sino naman?”

Nagpatuloy ako sa paglalagay sa basket ng mga materials na alam kong magagamit ko.


“Mga naging girlfriend ko.” Pagmamalaki niya.


“Walang candle?”


He sigh. “I hate candles, Astrid.”


Bumagal ang pagpili ko ng letter balloons sa narinig ko kay Asher. I remember we used to share our hates, loves, and fears years ago. I forgot some things about him but he still remembers everything about me. I hate white roses and he hates candles. He loves action and I love romance. We have both fears of heights. Ito nalang ang mga halimbawa na naalala ko tungkol sa kaniya pero ngayok ay nakalimutan ko pa ang isa. Mali, pilit ko palang kinalimutan ang lahat tungkol sa kaniya. Ganon ko siya kinamuhian noon. Nasaktan ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin kaya humantong sa ganon ang lahat.


“I thought….you still remember about that,” papahinang sabi ni Asher.

“Mahina ang memorya ko, Asher.”


Suminghal ito. “Tapos pag si David lahat alam mo? Maski schedule niya taon-taon kabisado mo.”

Ibinalibag ko sa kaniya ang wrapper na napili ko pang balot ng regalo na siyang nasalo niya. Gusto kong matawa sa tono ng boses nito. Para siyang nagtatampo  dahil hindi ko natandaan na ayaw niya ng kandila.


“Kasi gusto ko si David. Ganun talaga kapag gusto mo yung tao. Lahat ng tungkol sa kaniya alam mo.”


“But I was your best friend. Mas matagal at mas madalas tayong magkasama. Dapat alam mo ‘yon.” Pag irap nito sa akin.


Napailing-iling nalang ako sa kaniya at nag patuloy sa pamimili. Habang nasa pila kami sa counter para magbayad ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Carra.


“Astrid, where are you?!” malakas na boses nito ang bumungad sa akin. Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga at tumaas ang kilay sa akin ni Asher dahil doon.


“Mall,” maikling sagot ko.


“Ang talkshit mo talagang babae ka. Sabi mo pupunta ka rito?”

Bigla akong naguluhan sa sinabi ni Carra. Wala akong matandaan na rason para pumunta ako sa kanila.


“Sinabi ko ‘yon? Sorry, Carra, wala akong matandaan.”

Umingit ito. “You promised last week, Astrid. Sabi mo sasama ka para gumawa ng feasibility study. Sino ba kapartner mo ro'n?”


Napahawak na lamang ako sa aking noo nang maalala ko ang usapan namin. Sa sobrang pag-iisip ko sa birthday ni David ay nakalimutan ko iyon. Malapit pa naman na ang deadline.


“Si Asher,” sagot ko. Nagtatanong ang mga mata ni Asher pero sinenyasan ko nalang ito na manahimik.


“Ganun ba? Sige, nandito na sila Maisie kailangan na namin gumawa dahil wala pa kaming nasisimulan. Don’t worry kapag natapos kami ng maaga tutulungan ka namin, okay?”


“Sige, salamat.” Pag patay ko ng tawag.


“What’s wrong?” tanong ni Asher.


“Yung feasibility study natin, Asher, malapit na yung deadline. Tumawag sa akin si Carra kasi dapat sasama ako sa kanila para gumawa.”


Hindi ako matalino pero hindi naman ako ganoong pabaya sa pag-aaral. Hindi ko hinihiling ang mataas na grado ang makapasa lang ay ayos na. Saka alam ko naman na hindi ko kaya na makakuha ng matataas.


“Tapos na.”


Gulat akong napatingin kay Asher. “What do you mean na tapos na?”


“Tinapos ko na at nakapasa na. May gawa na tayo.” Pagkindat nito sa akin.


Hindi naman ako makapaniwala dahil hindi ko nalaman na gumagawa na pala siya at wala akong naitulong. Siguro ay iyon ang pahanon na tutok na tutok siya sa laptop niya.


“Totoo ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi man lang ako nakatulong.”


“Pero parang nakalimutan ko yata isulat yung pangalan mo. Hindi ka nga kasi tumulong.”

Hinampas ko ang braso nito. “Ano hindi mo ako nailista?!”


Tumatawa nitong hinawakan ang kamay kong hahampasin ulit siya.

“I'm just kidding, Astrid. Yung pananahimik mo habang gumagawa ako ay malaking tulong na.”


Muli ko siyang hinampas gamit ang isang kamay na lalong ikinatawa niya. Actually, that’s a good thing for having a partner like him. Never siya naging pabigat sa grupo at lagi siyang gumagawa kapag groupings. If he focuses on his study like David, there is a chance he can be a Cum Laude or Magna. Matalino siya, iyon ang totoo kaso ay madalas tamad siya.


“Ma’am! Ma'am!”


Sabay kaming napatigil sa paglalakad ni Asher sa pagtawag sa akin ng babae.


“Yes?”


Malaki ang ngiti ng sales lady na lumapit sa amin.


“Ma’am, baka gusto niyo subukan ang karaoke namin-”


Agad kong napailing. “Ahh hindi na. Hindi kami kumakanta.”


Nanlumo ang mukha ng babae at bahagya pang lumapit sa amin.

“Ma’am, baka pwede ninyong subukan. Sabi kasi ng boss ko kapag nakakuha ako ng kakanta at nakabenta ng isa ay hindi ako matatanggal sa trabaho. Ma'am, sige naman na po oh. Mukha naman kayong mababait. Pasyensya na po kailangan ko lang ng trabaho.”


Nagkatinginan kami ni Asher. Naaawa ako sa babae pero sino naman ang kakanta sa amin? Hindi ko alam kung paano tatanggihan ang babaeng ito dahil pakiramdam ko kapag tinanggihan ko ito ay hindi matatahimik ang konsensya ko. May mawawalan ng trabaho dahil sa pagtanggi ko.


“She can sing.” Pag turo sa akin ni Asher.


Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. “A-Ako? Gago ka ba?”


“Ibigay mo sa kaniya yung microphone.” Walang halong pagbibiro na utos ni Asher.


Nabuhayan ng loob ang babae at pilit na inilagay sa kamay ko ang microphone.


“Siraulo ka ba, Asher? Bakit ako kakanta?” kinakabahang tinig ko.


I went here to buy the materials that I’ll need, not to sing in the center of this fucking mall. Bakit ako kakanta sa dami ng tao rito? Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.


“Kawawa naman si Ate kung mawawalan ng trabaho.” Pangongonsenya ni Asher.


“Ayoko, Asher,” madiing sambit ko at ibinigay sa kaniya ang mic. Tumalikod ako sa kanila para maglakad paalis doon pero mabilis na humarang sa harap ko si Asher.


“Tara na, kailangan ko pang gawin ‘yan.” Pag irap ko sa kaniya.

Lumakad ulit ako sa ibang direskyon pero humarang muli si Asher sa akin. Pigil ang inis kong napatingala sa kaniya.


“Alam mo, Asher, kung gusto mo kumanta ikaw nalang. Huwag mo na kong idamay sa kagaguhan mo na ‘yan. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko. Alam mo naman na hindi ako kumakanta ‘di-”


“You can sing.” Nakangiting pag putol niya sinasabi ko.


Sunod-sunod akong napalunok.


Ibinaba ni Asher ang bitbit na pinamili at hinawakan ang magkabila kong balikat.


“I told you, I know everything about you. You can sing, Astrid. Maganda ang boses mo.”


Habang nakatitig sa mga mata ni Asher ay unti-unti kong nararamdaman ang panunubig ng aking mata. Bakit ba napaka emosyonal kong tao?


“N-Nakalimutan mo na ba……na napahiya ako sa harap ng klase…..dahil sa boses ko?” mahinang tanong ko at bahagyang napayuko.


Bumalik sa akin ang alaala na iyon. Isang masakit na alaala na gusto ko nalang ibaon sa limot. Masyado akong naniwala kay Asher na magaling ako, na maganda ang boses ko. Sinubukan ko sumali sa singing contest noon at nag audition sa gitna ng klase. Habang kumakanta ay nakita ko ang pagtawa ng mga kaklase ko. Hindi ko natapos ang kanta noon dahil pumiyok ako. Umiiyak akong tumakbo palabas ng klase dahil doon. Hiyang-hiya ako sa nangyari kaya halos isang linggo akong hindi nakapasok. Hindi rin ako natanggap dahil hindi raw qualified ang boses ko. Simula noon ay hindi ko na sinubukan pa ang kumanta.


Hindi ko ba alam kung bakit ako naniniwala pa kay Asher noon na magaling ako. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o sinasabi lang niya iyon dahil magkaibigan kami. Lagi niyang sinasabi na magaling ako sa mga bagay na sa tingin ko naman ay hindi. Ang totoo niyan ay siya lang naman ang naniniwala sa akin noon. Siya yung nagtutulak sa akin na gawin ang isang bagay na kinakatakutan kong gawin. Siya yung kaibigan na laging nakasuporta sa akin.


“Alam mo rin ba kung bakit hindi ka natanggap noon?” pabalik na tanong sa akin ni Asher.

Napatitig ulit ako kay Asher at hindi nakasagot.


Ngumiti ito sa akin. “Dahil ang hinahanap nila noon ay matataas na boses. Malambot at malamig ang boses mo, Astrid. Hindi dahil hindi ka natanggap, hindi kana magaling. Maling kompetisyon lang ang nasalihan mo.”


Ito na naman yung mga salita niya na kaya kang utuin. Hindi ako magtataka na maging scammer ito balang araw sa galing mag salita. Talagang ma eengganyo ka.


“Ayoko, Asher. Hindi na ako yung batang Astrid na kaya mong utuin noon.”


“Hindi kita inuuto, Astrid.” Malakas itong napabuntong hininga. Hinawi ko naman ang dalawang kamay niya sa magkabila kong balikat.


“Grabe, ilang taon mo itinago yung talent mo na ‘yan dahil sa pangyayaring ‘yon? Ilang taon mo pinaniwala yung sarili mo na hindi ka magaling. Astrid, kapag ako ang nagsabi, totoo ‘yon. Why should I lie to you?”


Kinuha ulit nito sa lapag ang mga pinamili gamit ang kaniyang isang kamay. Kinuha niya ang kamay ko para igiya pabalik doon sa babae.


“Trust me, Astrid. You are a great singer. Show them how great you are.”


I don’t know what happened to me. Why I am listening to his words again? Why I am here holding the microphone with my trembling hands? Why I am standing at the center of the mall with crowded people?


Sa pagbuka ng aking labi ay nakita ko ang malaking ngiti ni Asher sa akin ganun na rin ang sales lady na katabi niya. Pilit kong ikinubli ang kaba at saglit na kinalimutan ang nangyari noon. Pinaniwala ko ulit ang sarili ko na magaling ako.


Nagtataka ang mukha ko sa ilang tao na pumalibot sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko kay Asher ngunit ngiti lang ulit ang isinukli nito.


“Si Astrid ‘yan, schoolmate namin. Hindi ko alam na magaling pala siya kumanta.”


Sa paghihintay ng panibagong lyrics ay narinig ko ang usapan mula sa gilid ko. May nakakilala sa akin kaya naman napatingin muli ako kay Asher. Inayos nito ang suot na sumbrero upang hindi siya makilala.


“Ang galing ah.”


“Maganda na magaling pa kumanta. Bagay talaga sila ni David.”


“Hindi mo ba napansin? Bagay din sila ni Asher. Nakita ko silang magkasama noon.”


Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti nang matapos ko ang kanta at naririnig ko ang ilang papuri sa akin. Pakiramdam ko ay nakalaya ako mula sa isang bagay na kinakatakutan ko.


Nakangiti akong lumapit kay Asher at hindi ko na naisip ang mga tao sa paligid namin. Dala ng kasiyahan ay hindi ko napigilan ang mapayakap sa kaniya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.


“I told you…..magaling ka,” bulong niya sa akin.


“Bakit hindi mo ‘ko na video?” pag harap ko sa kaniya.


“Nakalimutan ko na. Masyado akong nag enjoy sa panonood sa'yo.”


“M-Maayos ba yung ginawa ko?” may halong kabang tanong ko.


Hindi ko alam perp pakiramdam ko ay kailangan ko ang opinyon niya.


“Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong hindi.”


“Ma'am, maraming salamat po! Ang galing-galing niyo. Nakabenta po ako ng dalawa. Grabe para kayong hulog ng langit.” Pag lapit sa amin ng sales lady na bakas ang tuwa sa nangyari.


“Maliit na bagay. Thank you rin sa'yo.” Matamis na ngiti ko.


No, I think I'm the one who needs to say thank you. Kung hindi niya kami hinarang ni Asher ay baka habang buhay ko nalang itinago ang talent na mayroon ako. Baka habang buhay ko nalang pinaniwala ang sarili ko na hindi ako magaling.


“Parang gusto ko tuloy kantahan si David sa birthday niya. What do you think?” sambit ko habang nag dadrive si Asher para ihatid ako sa bahay.


“Hoy! Ano sa tingin mo sabi ko!” pag kalabit ko sa kaniya sa hindi pagsagot sa akin.


“Huwag na lang,” tamad na sagot nito.


Kumunot ang noo ko. “Bakit naman? Sabi mo maganda naman yung boses ko.”


“Hindi ba hinihingi mo naman yung opinyon ko? Kaya huwag na lang.”


“Sus! Gusto mo yata ikaw lang makarinig ng boses ko eh. Gusto mo ba mag send ako sa'yo every night ng kanta?”


Napalingon ito sa akin at tumikhim.


“Totoo ba?”


“Oo naman! Tapos sabihin mo sa'kin kung okay lang para masend ko rin kay David.”


Napalingon ulit siya sa akin na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

“Ang pangit lagi ng mga kondisyon mo,” masungit na tugon niya.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now