CHAPTER 33

583 9 2
                                    

Ligaw

The next day, everything that happened last night is still clear to me. I remember what I did. Walang detalye na nakalimutan ko. Umupo ako sa aking kama mula sa aking pagkakahiga. Natulala ako sa aking paanan habang binabalikan ang nangyari kagabi. Tinawagan ko si David at kung anu-ano ang sinabi ko. Higit sa lahat ay umamin sa akin si Asher.


Anong nangyari? Anong gagawin ko ngayon? Hindi kaya magiging awkward kami ni Asher sa isa't-isa? Totoo ba talaga na may gusto siya sa akin? Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit sa akin pa?!


“Astrid, hindi ka ba papasok?” napaigtad ako sa boses ni Mama. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa kwarto ko.


Tumayo ako at inayos ang aking higaan. “Papasok po. Maliligo na ‘ko.”


Kinuha ko ang aking tuwalya at dumeretso sa banyo. Matagal-tagal akong naligo dahil kumapit sa akin ang ininom kong alak kagabi. Pagkatapos ay bumaba ako para kumain bago nag-ayos.


“Papasok na ‘ko, Ma!” sigaw ko mula sa salas dahil nasa kusina si Mama.


Dahil mabagal ang mga pagkilos ko ay malapit na ‘kong malate. Mabilis kong pinark ang sasakyan ko at lumabas. Hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ay magkikita kami ni David. Kabababa lang din niya ng sasakyan dahil sabay kaming dumating.


“Astrid-”


Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya. Malalaki ang mga ginawa kong hakbang para mabilis ko siyang maiwanan. Umiiwas ako sa kaniya dahil nasasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya. Bukod do'n ay nakakahiya rin ang mga sinabi ko sa kaniya kagabi.


Pagpasok ko sa classroom ay kay Asher ako agad napatingin. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa pintuan na parang may hinihintay. Nang makita ako ay napatuwid ng upo.


Napalunok ako at nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ngayon si Asher. Sa ginawa niyang pag-amin ay ako pa ang nakaramdam ng hiya.


“Oh! Buti naman pumasok ka,” sambit ni Aloisia. Sa katabing upuan niya ako umupo. Pero kahit nakatalikod ako ay nararamdaman ko na nakatingin sa akin si Asher sa ginawa ko.


“Okay na ‘ko,” sagot ko at nilabas ang cellphone na nag vibrate.


“Okay ka na? Bakit ano bang nangyari sa ‘yo? Hindi ka sumasagot sa mga text namin, ah.”


Oo nga pala, wala silang alam.


“Masama lang pakiramdam ko kahapon.”


Lalong lumala ang kaba ko nang mabasa ko ang text ni Asher. He’s asking kung bakit dito ako umupo. At sinagot ko na gusto kong makipag-usap kay Aloisia, saka ko muli tinago ang cell phone ko.


“Nag group activity kahapon. Ang laking puntos non.”


“Talaga?” tamad na sagot ko kay Aloisia.


“Oo, pero nilista ka namin. Sabi ni Asher ilista ka dahil hindi naman nag attendance si Sir Dylan.”


Anong nangyayari sa akin? Bakit kahit sa pagdinig ko ng pangalan ni Asher ay kinakabahan ako? Hindi ko naman ‘to nararamdaman noon.


“Ako d'yan, Astrid.” Pagtayo ni Neil sa gilid ko na kadarating lang.


“Doon ka muna sa tabi ni A-Asher. Dito muna ‘ko.”


Lalong awkward kung magtatabi kami ni Asher. Tiyak na mapapanis yung laway ko ro'n dahil wala akong balak na kausapin siya.


Umalis naman si Neil na mukhang lumipat sa upuan ko. Hindi ‘ko sigurado dahil hindi ako makalingon.


“Astrid, doon ka na. Ang pangit kabonding ni Asher.” Paglapit muli ni Neil.


“Ayoko! Dito ako sa tabi ni Aloisia.” Pagmamatigas ko.


“Ays! Sige na, Astrid, doon-”


“Go back to your proper sit. Magsisimula ang bagong lesson kapag nakabalik na kayo sa upuan ninyo.” Pagpasok ng adviser namin.


“Sabi sa ‘yo bumalik kana ro'n kay Asher, eh.” Pagpapaalis pa rin sa akin ni Neil. Wala akong nagawa kundi ang lumakad pabalik sa dati kong upuan. Hindi ko sinulyapan si Asher pero batid ko na pinapanood niya ako. Padabog akong umupo.


Tama nga ang hinala ko. Binalot kami ng katahimikan ni Asher. Habang nagdidiscuss sa harap ang prof namin ay doon lang nakatuon ang atensyon ko. Pero nang magbigay ito ng short quiz ay doon ako kinausap bigla ni Asher.


“Penge akong papel.”


Sinipat ko siya ng matalim na tingin. “Hanggang ngayon ba naman wala ka pa rin papel?”


“Pengeng papel sa buhay mo.” Pilyo siyang ngumisi.

Kahit na matalim ang mga ipinupukol kong tingin sa kaniya, ay nararamdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Inirapan ko siya at hindi pinansin pa.


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pero pinigilan ko na lumingon.


“Bakit ako yung kinilig sa banat ko?” mahinang sambit niya.


Buong klase ay kinakausap ako ni Asher kahit na puro pagtataray ang isinusukli ko sa kaniya. Unti-unting nawawala ang awkwardness sa pagitan namin pero hindi ako sanay na puro pagbanat ang sinasabi niya.


“Ano, Astrid, wala kana ba maisagot?” nang-aasar na tanong ni Asher dahil hindi ko ginagalaw ang papel ko. May surprise quiz kami kaya naman nakatunganga lang ako rito dahil wala akong matandaan bukod sa pangloloko sa akin ni David.


“Ito yung papel ko, oh. Kopyahin mo na.”


Kung katulad lang noon ay baka kinuha ko na ang papel niya at kinopya. Ewan ko, parang labag sa loob ko ngayon ang tumanggap ng tulong mula sa kaniya.


“I don’t need your help,” mataray na sagot ko sa kaniya. Tumaas ang dalawang kilay nito sa akin. Kinuha niya mula sa akin ang blangko kong papel.


“Huwag kang mag alala, wala ‘tong kapalit. Huwag ka rin mag-alala dahil hindi pa kita nililigawan, hindi ako ganito manligaw. I know you’re still in pain and I’m willing to wait until you heal. Walang magbabago sa atin katulad ng dati, Astrid. This time, hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko.”


Napatitig ako kay Asher na sinusulat ang sagot sa papel ko. Seryoso ba talaga siya? Ang isipin na liligawan niya ako ay sumasakit ang ulo ko. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na liligawan ako ni Asher.


“Ako na ang magpapasa.” Tumayo siya papunta sa harap bitbit ang answer sheet naming dalawa.


Muli akong napapatanong, kailan nagsimulang makaramdam siya sa akin ng pagkagusto? All this time, tinutulungan niya akong mapalapit kay David. Kung gusto na niya ako habang ginagawa iyon ay parang nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Kung totoo man na may nararamdaman sa akin si Asher, I feel sorry for hurting him ng hindi ko nalalaman at hindi ko nararamdaman. Sa kagustuhan kong mapalapit kay David ay may sasaktan na pala ako.



Time flies so fast. Isang buwan na ang nakalipas nung naghiwalay kami ni David. At isang buwan na ring nagpaparamdam sa akin si Asher pero sabi niya ay hindi pa naman siya nanliligaw.


“Did you receive an email from Zach?” tanong ko kay Asher.


“Oo,” sagot niya.


“Sasali ka?” baling ko sa kaniya. Busy ito sa pagtatype ng feasibility study naming dalawa.


“Kung sasali ka.”


Ningiwian ko siya. Nakareceive ako ng email galing kay Zack na siyang founder ng event na gaganapin next week. Para iyon sa mga moto racer at inimbitahan niya akong sumali. Sinagot ko naman na pag-iisipan ko dahil matagal-tagal na rin noong huling pagsali ko.


“Sasali ka ba?” si Asher habang nag-uunat ng katawan. Kanina pa kasi siya nakatutok sa laptop.


Humikab muna ako bago sumagot. Nababagot na kasi ako rito dahil wala naman akong ginagawa. “Pag-iisipan ko pa.”


“Asher!” nanlalaki ang mga mata ko rito sa ginawa niya. Hindi ako nakaiwas nang hawakan nito ang aking mukha para punasan ang luha na galing sa pagkakahikab ko.


Napakurap-kurap si Asher na parang pati siya ay nagulat sa ginawa.


“I'm sorry, nasanay lang ako na pinupunasan yung luha mo.”


Natahimik ako ro'n at napaiwas sa kaniya ng tingin. Narinig ko naman ang pagtikhim niya. Dahil naiilang ako sa katahimikan naming dalawa ni Asher ay napagpasyahan kong tumayo. Napaangat sa akin nang tingin si Asher.


“B-Bibili lang ako ng pagkain. A-Anong gusto mo?” napakagat ako sa ibabang labi ko sa pagkautal ko.


“Kape nalang,” nakatitig na sagot ni Asher.


Unang beses ko yatang hindi naging komportable sa mga titig niya. Nakakakaba. Nakakakabog ng puso. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman. Iyon yung pakiramdam na hindi ko naramdaman kay David.


Bigla kong naalala noong sinabi ko kay Asher na kami na ni David. Yung panahong nagpatulong ako kay Asher para sa surprise ko kay David. Yung naaksidente si Asher dahil sa akin. Yung kailangan niya ako noon dahil hindi siya makakakain na walang katulong, pero pinili kong sumama kay David. Napaisip ako kung nasasaktan ko ba siya nung panahong iyon?


Ipinilig ko ang aking ulo sa kung anu-anong naiisip ko.

“Hayys! Ano naman sa akin kung nasaktan ko siya noon?”


Tuluyan akong pumasok sa café na napili ko at inalis sa isip si Asher. Sa pagpasok ko sa café ay isang masakit na tanawin ang aking nakita. Si David na nag-aaral at sa harap nito ay nakaupo ang babaeng nakita kong kahalikan niya noon. May naramdaman akong kirot sa dibdib ko. Doon ko napagtanto na nandito pa rin pala ang sakit.


Nag-iwas ako sa kanila nang tingin at dumeretso sa counter. Hindi ko alam kung napansin ako ni David, pero sana ay hindi nalang. Alam kong bakas sa aking mata ang nararamdaman ko.


“Ma’am, mahihintay niyo po ba ng 5 minutes ang order niyo?”


“Sure,” nakangiting sagot ko.


Inikot ko ang aking tingin sa loob ng café para humanap ng uupuan. Sa kasamaang palad ay malapit kina David ang tanging bakante. Wala sa sariling naglakad ako roon. My heart is hurting knowing they are still together. Maybe they are in love with each other. Baka habang kami ni David ay natagpuan niya yung taong mahal niya talaga.


Bago ako umupo ay umangat ang tingin sa akin ni David, bakas ang gulat sa kaniyang mga mata. Bahagyang umawang ang kaniyang mga labi. Ngayon lang ulit kaming nagkita dalawa. Hindi dahil busy siya, kundi iniiwasan ko talaga ang mga posibilidad na magkita kaming dalawa.


Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya naman nilabas ko ang cell phone ko at hindi napigilan na itext si Asher.


Me:
Nandito sa café si David.

Agad na nag reply si Asher. Buti nalang at may pagkakaabalahan ako habang hinihintay ang order.


Asher:
Matagal ka pa?

Me:
Hindi ko alam. Maraming tao sa café kaya matagal ang serving.


Lumagpas ang 5 minutes na pinangako sa akin ng waitress. Gusto ko man mag reklamo pero naintindihan ko naman dahil marami talagang customers ngayon.


Napaigtad naman ako nang may biglang umupo sa aking kaharap na upuan. Si Asher na malaki ang ngiti sa akin. Kaya pala hindi na siya nag reply pa.


“Bakit hindi mo nalang ako hinintay?” mahinang tanong ko sa kaniya.


Binitbit nito ang kinauupuan sa aking tabi. “Are you okay?” pagbalewala niya sa aking tanong. Ipinatong nito ang braso sa aking upuan.


“Ayos lang ako,” nakayukong sagot ko.


Bumuntong hininga si Asher. Nilapit nito ang mukha sa akin para bumulong. “Kung gusto mo sa labas ka nalang maghintay, ako na ang kukuha ng order.”


Umuling ako kay Asher at matipid na ngumiti. “Okay lang ako. Nakokontrol ko na yung emosyon ko.”


Tinitigan lang niya ako sa mata na parang binabasa ang aking isip kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo.


“I'm glad to hear that. Sana maging mabilis ang paghilom ng puso mo para makapasok na ako.”


Napalunok ako ngunit hindi nawala ang pagkakatitig ko kay Asher. I can feel the sincerity in his voice.


“Thank you for waiting, Ma'am. Here’s your order.”


Naputol ang titigan namin ni Asher sa pagdating ng order ko. Kinuha ito ni Asher at hawak ang aking kamay ay iginiya niya ako palabas ng café. Ilang beses na niyang hinawakan ang mga kamay ko, pero bakit iba ang hatid nito sa akin ngayon? Mahigpit ang hawak niya na para akong mawawala ngunit sapat lamang iyon para hindi ako masaktan.


“Chad!”


Sabay kaming napahinto dalawa sa pagtawag sa pangalan ni Asher. Alam ko agad kung kaninong boses iyon. Nilingon namin iyon ni Asher at nakita ko ang humahangos na si David. Biglang humigpit ang pagkakahawak ko kay Asher kaya saglit siyang napalingon sa akin.


“Ano ‘yon, David?” madiing tanong ni Asher.


Hindi agad nakasagot si David. Napatitig ito sa kamay namin ni Asher na magkahawak pa rin hanggang ngayon at dahan-dahang nag angat nang tingin papunta sa akin mata, papunta kay Asher at sa akin ulit. Napaiwas ako nang tingin sa kaniya.


“May kailangan ka ba, David? May gagawin pa kasi kami ni Astrid.”


Muli akong napabaling kay David. Kay Asher na ulit ito nakatingin ngunit napansin ang sunod-sunod nitong paglunok.


“Ahh….t-tatanong ko lang kung….pupunta ka mamaya sa bahay?”


“Hindi ako sigurado, may tinatapos kasi ako,” tugon ni Asher. Tumango na lamang si David at tinapunan ulit ako nang tingin. Muli ay napaiwas ako.


“Mauna na kami, David.” Paghatak sa akin ni Asher hindi pa man nakakasagot si David.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now