CHAPTER 11

215 8 0
                                    

Partner

“Ano ‘to?” tanong ko kay Asher sa pag abot nito sa akin ng papel na nakalukot.


“Sagot ‘yan.”


Bumaling naman ako sa harap kung saan nakatayo si Ma'am Lyca. Natakot ako na baka mahuli kami ni Asher. Naging mahigpit pa naman siya ngayon.

“Why are you giving this to me, Asher?” mahinang tanong ko.


“Bakit may isasagot ka ba kung hindi ko ibibigay sa'yo yung sagot?” he smirked.

Inirapan ko naman ito. Inilagay ko sa ilalim ng test paper ang crumble paper na kinasusulatan ng sagot. Kanina pa ako nakatunganga rito at malinis ang papel dahil wala akong maisagot. Hindi ako nakapagreview dahil hindi ko naman talagang ugaling mag review.


“Next time ayusin mo naman yung sulat mo. Hindi ko ‘to maintindihan.” Reklamo ko kay Asher dahil parang sulat ng doctor ang sulat niya.


Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “Ikaw lang yata yung pinakopya na, demanding pa.”


“Bakit mo ba kasi ko pinapakopya? Hindi ko naman sinabing pakopyahin mo ako.”



“Dahil may deal tayo. Magiging mabait na ‘ko sa'yo. Pero kung masama ang loob mo, pwede ko naman bawiin yung papel.”


Akma nitong kukunin ang papel na ibinigay niya pero mabilis kong tinapik ang kamay nito.


“Walang bawian kapag ibinigay na.”


In fairness kumpleto ang sagot niya hindi ko nga lang maintindihan lahat. Mukhang nag aral talaga siya para dito.


“Ang pangit ng penmanship mo. Sana na doctor ka nalang.”

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni David. He wants to be a doctor but he doesn’t want his girl begging his time. That’s insane for me. How can he choose his girl over  his dream? Kahit gaano ko kamahal si David, hindi ko naman siguro ipagpapalit ang pangarap ko. Dahil kung gagawin ko iyon ay tiyak na wala ako ngayon sa business ad.


“Pangarap mo nga palang maging doctor. At least kahit hindi ka naging doctor, pang doctor naman yung sulat mo.” May halong pang aasar ko.


Napatigil ako sa pagsusulat nang hawakan ni Asher ang braso ko. Kunot ang mga noo nito sa akin.

“How did you know?”


“Alin? Yung gusto mo mag doctor? Kay David.”


He just nodded at me. Bumalik ito sa kaniyang papel na parang walang nangyari. Napairap naman ako rito.


“Bakit ba kasi hindi ka nag doctor? Mas pinili mo pa talaga ang babae kaysa sa pangarap mo.”


His jaw tightened while he’s still on his paper. “May mas mataas akong pangarap na kailangan ko ng focus, Astrid.”


Nag kibit balikat na lang ako. Sigurado naman ako na si Natasha ang tinutukoy niya.  I can’t blame him because I know we’re just in the same boat. Pareho lang naman naming gusto na mapasaamin yung taong mahal namin. Pareho lang naman kaming desperate rito.


“Ikaw….anong pangarap mo aside kay David?” tanong sa akin ni Asher pagkabalik ko sa aking upuan pagkatapos ipasa ang papel.



Napaisip naman ako sa tanong ni Asher. Gusto ko maging professional motorcycle rider. Pero bukod doon ay may isa pa akong pinaka gusto.



“Pangarap kong tumira sa ibang probinsya,” masayang sambit ko.

Saglit na natahimik si Asher na parang inaanalize nito ang sinabi ko. Napatigil ito sa paglalaro ng kaniyang ballpen.


“W-What?”

“Pangarap kong tumira sa ibang probinsya.” Pag uulit ko.



I dreamed to have a peaceful life. Hindi pansin sa aking pananamit at kinagisnan kong buhay na gusto ko ng simpleng buhay. Kahit nasa probinsya na ako ngayon, ay mas gusto ko pa rin ang tumira sa malayong lugar. I want to go to a the place where my name can't recognize. I want to live in a province that no one knows me. Freedom iyon sa akin.


“What about Camiguin?” he asked.


Namilog ang aking mata. “Camiguin? You mean…..white Island! Mantigue Island Nature Park! and Soda Water swimming pool?” manghang sambit ko.


I’ve never been there but Camiguin is one of the place na gusto kong mapuntahan. May mga pinsan na akong nakapunta roon pero hindi ako nakasama dahil hindi ako pinayagan ni Mama. Sa mga picture ng mga pinsan ko ay nakita ko kung gaano roon kaganda.


“Yes, Astrid.”


“Nakapunta ka na ro'n?” tanong ko.


“Of course. May bahay akong pinasisimulan doon. Do you want to go there? You can stay at my house.”


Hindi ko mapigilan ang humanga at maiinggit. Buti pa siya ay nakakapagpatayo na ng bahay sa ganitong edad niya sa lugar na gusto niya. Kaya ko rin naman mag patayo ng bahay pero alam kong hindi hahayaan ng mga magulang ko na malayo ako sa kanila. Si Kuya nga ay nasa Manila lang pero nahirapan siya na kumbinsihin sila Mama. Ako pa kaya na ganon kalayo.


“Doon kayo titira ni Natasha?”

Tumaaas ang kilay nito sa akin.


“Baka roon ako magkapamilya depende sa mapapangasawa ko.”


“Oo nga! Edi ro'n kayo titira ni Natasha. Ayoko magpagawa ng bahay doon baka maging kapit bahay ko pa kayo.”


Naiiling itong tumawa sa akin. Siguro ay gusto rin doon ni Natasha tumira kaya roon nagpapagawa ng bahay si Asher. Balak na niya yata mag asawa pagkagraduate namin.



“Si David, saan niya gustong tumira?”

Sinundan ko naman nang tingin ang pagtayo nito bitbit ang kaniyang bag.


“Sa hospital,” sarkastikong tugon nito.


“Ang panget mo talaga kausap.”


Mabilis na lumipas ang mga oras. Naglalakad kami pabalik sa room galing sa computer room nang madaanan namin nina Aloisia ang grupo nila David. Habol ko ito nang tingin habang nakikipagtawanan sa katabing babae. Hindi niya napansin ang pagdaan namin. Pumait ang pakiramdam ko sa aking nasaksihan. Ang ganda ng ngiti niya. Halatang napakasaya niya dahil halos mawala ang singkit niyang mata. Buti na lang at hindi rin siya napansin nina Amara.

Pinagmasdan ko naman ang babae. Maganda, mala gatas ang kutis, at nakasuot ng uniform katulad ng kay David. Siguro ay kaklase niya lang. Sana hanggang kaklase niya lang.


Ang huli naming pag uusap ay yung noong sa parking lot at hindi na nasundan pa.



“Gusto mo?” alok sa akin ni Aloisia sa hawak na kahon.


“Ano ‘yan?”


“Blueberry cake.”


Umiling ako “Kanino galing?”


“Kay Neil,” sagot nito.


“Marunong siya mag bake? Saka bakit ka niya binigyan? Monthsary niyo?” si Amara.

Halos masamid si Aloisia sa sariling laway.


“Monthsary my ass! Galing siguro sa babae niya. Binigay sa'kin dahil allergy siya sa blurberry.”


“Favorite ni David ‘yan.” Komento ko.


I remembered in our high school days. I brought a chocolate cake for Asher and blueberry for him. Sa sobrang saya niya ay nayakap niya ako. Nang dahil sa blueberry cake ay nayakap ako ng crush ko.


“Why don’t you bake for him?” suggestion ni Aloisia.


“Wala akong talent sa baking. Baka malait pa yung gawa ko.”


“Nandiyan naman si Amara. If he really likes you, he’ll appreciate every little thing.”


Hindi nga niya ako ganun kagusto. Saka hindi ko na susubukan. Minsan ko nang sinubukan noong nalaman ko na favorite niya ang blueberry cake pero muntik ko lang naman masunog ang bahay namin. Sa pangalawang subok ko ay palpak pa rin. Nag sinungaling lang noon si Asher na masarap ang gawa ko kahit hindi naman. Sarap na sarap siya noon na halos maubos na niya ang cake na gawa ko pero nang tikman ko ay halos masuka ako sa lasa. Kaya hindi ko na sinubukan ulit. Baka malason ko lang si David.


“Oo nga, Astrid. Malapit na yung birthday niya. Pwede mo pang gift.”


Tinapik ko ang balikat ni Amara habang tumatawa. “Bakit cake pa? Kung puwede ako nalang. Masarap din naman ako.”


“The fuck! Kilabutan ka nga, Astrid! Ano papakain ka kay David?!”


Tumatawa kong tinutop ang bibig nito sa lakas ng boses niya. “Sounds better.”


She removed my hand covering her mouth. “Kadiri ka. Baliw ka na.”


“Sounds exciting kaya! Right, Amara?” I insisted.


“I-I don’t know what are you talking, about, Astrid.”


“Hindi mo alam kung suck and lick?”

Nakatanggap ako nang batok kay Aloisia dahil sa sinabi ko.


“Huwag mong dumihan yung isip ng tao!”


“Sus! Hindi na ‘yan minor. Kailangan mo rin mag explore kahit wala kang boyfriend, Amara. Search mo lang sa internet para may alam ka.” I winked at her.


Nagbibiro lang naman ako sa kanila sa gift na ibibigay ko kay David. Wala akong balak ibigay ‘yon habang hindi kami kasal. Ang totoo niyan ay pinag iisipan ko pa kung ano ang ibibigay ko sa kaniya. His last birthday I gave him a perfume. Pero ngayon ay wala na akong maisip na pwedeng iregalo. He can afford everything kaya hindi ko alam kung anong regalo ang matutuwa siya at matatawag pa rin na special. I think I’ll ask Asher about this, I know he has ideas.


“Home room ngayon. Iaannounce yata yung magiging partner natin sa students night,” si Amara.


“Puwede kayang ‘wag na lang sumali?”

Sabay na napalingon sa akin sina Aloisia at Amara.

“Bakit?! Last year na natin ‘to tapos hindi ka aattend. Dapat nga excited ka dahil baka isayaw kana ni David this time,” pahayag ni Aloisia.


I smiled bitterly. “For sure hindi siya aattend.”


Tuwing students night na lang ay umaasa ako na isasayaw niya ako pero hindi nangyari. Last year ay naglakas loob akong ako ang aaya sa kaniya pero hindi siya umattend. Ang ending ay nagmukmok lang ako magdamag. Sobrang effort pa naman ang ginawa ko para ako ang pinaka maganda sa paningin niya. Pero nung gabing ‘yon natago lang yung ganda ko sa dilim. Kahit sinong umaya sa akin na sumayaw ay tinanggihan ko.


“Kapag hindi ka pumunta, kalimutan mo na lang kami ni Amara. Iyon na nga lang yung huling students night na magkakasama tayo mag iinarte ka pa,” nagtatampo kunwaring sambit ni Aloisia.


“Fine! Fine! Pupunta na! Aattend na! Huwag kang mag pout d'yan, hindi bagay sa'yo.”



Nakakawalang gana naman kasi na huling students night na, hindi pa aattend si David. Huling students night na, hindi ko pa rin siya nakakasayaw. Gusto ko pa naman na siya yung maging first and last dance ko.


Saktong pagdating namin sa room ay saka ang pagdating ni Mrs. Lopez para iaannounce ang magkakapartner. Last year ay si Neil ang naging partner ko.


“Ramble ang ginawang pag pili sa inyo. Yung ibang makakapartner niyo ay galing sa ibang section,” pagsasalita ni Mrs. Lopez sa harap.



“Dapat pinayagan nila na makipag partner sa ibang department e. Mas exciting yung ganon,” tinig ng isa kong kaklase na sinang-ayunan ko.


“Oo nga para makapartner ko si David,” mahinang bulong ko.


“Don't worry, I'll make your dream come true. We have a deal remember?” si Asher.


Hindi ko na inaasahan yung deal na ‘yon dahil imposible naman mangyari. Pumayag lang ako sa kaniya for fun dahil alam ko naman hindi iyon matutuloy.

“Hindi mo ba alam yung rules na bawal makipag partner sa ibang department?” baling ko sa kaniya.


“Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam sa rules? I can do whatever I want, Astrid. Trust me, kapag sinabi ko……mangyayari. No one can stop me from getting what I want. Mark my word.” He smiled playfully.

Anong balak niyang gawin? iibahin niya yung listahan. As if naman na kaya niya ‘yon. Walang favoritism sa school na ‘to kaya hindi niya makukuha ang gusto niya. Ang unfair non para sa iba.


“Paano mo naman gagawin ‘yon? Bakit hindi mo itry sa inyo ni Natasha? Ayaw mo ba siya makapartner?”


Napangiwi ito sa akin at bumaling sa harap.


“Just enjoy the night with him. Ang dami mong tanong.”


“Ang sungit mo ah!” pagbato ko sa kaniyang ulo ng binilog na papel. Masama ang tingin nito sa akin.


“Ang kulit mo kasi,” iritableng sagot nito.


Bahagya akong napanganga. “Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kailangan sa akin? Kaya dapat maging mabait ka sa akin.” Paghalukipkip ko ng aking mga braso habang nakataas ang kilay sa kaniya.


Bahagya nitong inilapit ang mukha sa akin at ngumisi. “Baka nakakalimutan mo rin na tayong dalawa ang makikinabang dito?”


“Pero mas kailangan mo ako? Right?” giit ko.

Unti-unting nawala ang pagkakangisi nito at napatango habang nakatitig sa aking mata.


“Yeah, tama ka….mas kailangan kita.” Umayos ulit ito ng pagkakaupo.


Wala siyang magagawa kundi ang sumang-ayon sa akin dahil totoo naman ang sinabi ko. Mas kailangan niya ako kaya dapat maging mabait siya sa akin. Kahit may deal kami ay kaya ko iyon balewalain. Hindi ko naman talaga kailangan ang tulong niya para kay David, pero malaki ang maitutulong niya para mapalapit ako lalo kay David.


“Chad Asher Abellon and Astrid Mirinda Cuevas,” pag banggit ng pangalan naming dalawa ni Mrs. Lopez.


Nagkatinginan kami ni Asher. Kinindatan ako nito.


“Anong ginawa mo? Anong balak mo?” tanong ko.


I don’t think it’s just a coincidence. Hindi ko mahulaan ang plano niya at kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.


“Huh?” takang tono nito.


“Bakit tayo ang partner?”


Saglit itong natigilan at napaisip. “Tanong mo kay Mrs. Lopez. Huwag kang mag alala hindi ito kasama sa plano ko. Pero malaking tulong dahil ikaw ang partner ko.”


Bigla akong kinabahan. Mukhang sineryoso niya talaga ang deal at gumagawa siya ng paraan para maging partner ko si David. Paano na lang kung maging partner ko talaga si David? Magpapanggap akong girlfriend niya? Bakit ba kasi hindi ko naisip na matalino talaga ‘to hindi lang talaga madalas ginagamit?


“I-Ibig sabihin ba ay magiging partner ko talaga si David?”


Hinagod ng palad nito ang kaniyang buhok bago tumingin sa akin. “Yes….at magiging girlfriend kita. We have a deal. Hindi ka pwede tumanggi.”


“At kapag tumanggi ako? Ano gagawin  mo?” pag hahamon ko.


Actually, pwede ko siya gamitin hanggang sa matapos ang students night. Kapag naging partner kami ni David ay pwede ko na sa iwanan sa ere. Pwede ko siya gamitin para lang maging partner si David. Wala naman siyang magagawa kung ayaw ko. Hindi niya ako mapipilit sa deal.


“Ano gagawin ko? Gagawin ko ang lahat para pumayag ka. I have my ways, Astrid.”


Sakastiko akong tumawa at pumalakpak. “Ang talino mo naman pala. Bakit hindi mo ginamit para naging Cum Laude ka?”


“Higit pa sa pagiging Cum Laude ang gusto ko, Astrid.”

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now