Napatingin ako sa gawi ni Bianca no'ng marinig ko na tumunog ang cellphone nito. Napakunot-noo ako ng makita ko sa screen ang salitang "love".

Tumingin ako kay Bianca pero agad nitong iniiwas ang tingin sa akin at mabilis na pinatay ang cellphone nito at tumingin sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga ako.

Sa buong relasyon namin, hindi ko nagawang lokohin ito at makipagrelasyon sa iba. At ngayon na nasa fake relationship kami ay pilit kong sinusunod ang rules sa contract namin kahit hindi na 'yun gusto ng kalooban ko. Ang totoo ay  nakokonsensiya pa nga ako na magkagusto sa iba dahil sa contract namin pero mukang hindi ito. She is manipulating me and I'm not enjoying it anymore!

Pinatigil ko bigla ang aking sasakyan sa gitna ng kalsada dahilan para mapatingin sa akin si Bianca dahil sa gulat. "What the hell are you doing, Tristan? Gusto mo bang mamatay tayong pareho? What the hell are you thinking-------"

"Get out" Mahina pero madiin na utos ko dito. Lalo namang naguluhan si Bianca. Huminga ako ng malalim bago bumaba ng aking sasakyan para pagbuksan ito ng pinto. "Now out" Ulit ko dito. Nalilitong tumingin ito sa akin.

"WHAT?"

"I said, get out of my car. I'm going home!" Nawawalan na ng pasensiya na utos ko dito. Natawa naman ng nakakaloko si Bianca.

"A-are you kidding me? Are you that excited to see her?"

"Yes" Agad kong sagot dito. Nawala naman ang pagkakangiti nito at sinamaan ako ng tingin.

"I'm not into joke Tristan! Mom is waiting for you and me. Stop joking and come home with me. And can't you see? You are causing traffic. Let's-----"

"I'm not coming. And you are the one who is causing traffic. Get out" Malumanay na utos ko dito. Hindi pa rin ito kumilos kaya hinigit ko na ang braso nito para makalabas ng kotse ko.

Nang tuluyan na itong makalabas ng aking kotse ay mabilis akong sumakay doon at isinara ang pinto.

"W-what the heck Tristan!! Tell me you are joking! Are you really going to leave me here? What the heck! Mom waiting for you! P-paano ako?" Sunod-sunod na tanong ni Bianca sa labas ng kotse. Napabuntong-hininga ako.

"Call your boyfriend" sagot ko naman dito na saglit na ibinaba ang wind shield para marinig ako nito. Sinimulan ko nang buksan ang makina ng sasakyan.

"Are you serious? What-----" Pinaadar ko na ang aking sasakyan. "Wahhhh! Pagsisisihan mo ito Tristan Guttierez!" Sigaw pa nito.

Nakita ko ang ginawa nitong pagsipa sa basurahan na nasa gilid ng daan dahil sa sobrang galit nito. Napabuntong-hininga ako. I feel some guilt.

Muli akong nagpakawala ng isang malalim na hininga bago kinuha ang aking cellphone para sana magdial ng number para sa taxi na pwedeng sumundo kay Bianca.

Napatingin akong muli sa rearview mirror at mula roon ay nakita ko ang isang sasakyan na tumigil sa harapan ni Bianca. Mula sa sasakyan ay nakita kong bumaba ang isang lalaki na sa palagay ko ay ang kaninang tumatawag kay Bianca at ang boyfriend nito. Napangiti ako ng mapait. Stupid!

––

Jessica

Malalim na ang gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi ng bahay si sir Tristan. Hindi ko maiwasan na mag-alala dahil kanina pa ito wala simula no'ng puntahan ito ni ma'am Bianca. Napabuntong-hininga ako.

"13" Narinig kong wika ng isang boses mula sa aking likuran.

Napakunot-noo ako ng malingunan ko si Sebastian na nakangiti habang papalapit sa akin at may dalang isang baso ng gatas.

"13?" Kunot-noong tanong ko dito. Natawa ito ng mahina bago iniabot sa akin ang dala nitong gatas. "Salamat"

"13 beses kana nagpapakawala ng malalim na hininga" Sagot nito habang nakangiti. Natigilan naman ako at napapahiyang ngumiti nalang din dito. "Magpahinga kana, alam ko naman na naistress ang isip mo sa pag-aaral natin e" Dagdag pa nito.

Natawa naman ako ng mahina. Ang totoo ay katatapos lang ng pagtuturo sa akin ni Sebastian. Tinuruan ako nito magbasa, magsulat at intindihin ang ilang mga english words. Nahihiya nga ako dito dahil muka akong bata na tinuturuan nito at pakiramdam ko ay nahirapan ito sa akin. Bahagya akong nagulat no'ng guluhin nito ang buhok ko.

"You are a fast learner, JM. By the way, you did a good job! Bukas ulit" wika nito habang nakangiti.

"Maraming salamat, Sebastian" Pasasalamat ko naman dito.

"Welcome. Sige na, magpahinga na tayo" wika pa nito.

Tatalikod na sana ito no'ng mapatingin kaming bigla sa may pintuan nang makarinig kami mula roon ng kalabog. Kinabahan ako bigla.

"A-ano 'yun?"

"Calm down, JM. Let me check" Nagsimulang maglakad palapit sa may pintuan si Sebastian. Kumuha naman ako ng walis tambo na nagkataong nasa may sala. Dahan-dahan akong sumunod kay Sebastian.

Nang buksan ni Sebastian ang pintuan ay nakahanda na akong pumalo sa kung sinumang masamang tao na nagtatangkang pumasok. Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng muntik ko nang mabantukan si sir Tristan na siya palang nasa may pintuan. Napansin ko na hindi maayos ang business attire nito at mukang lasing ito. Agad kong ibinaba ang hawak kong walis tambo. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

"Where have you been, bro? At bakit naglasing ka?" Bungad naman ni Sebastian kay sir Tristan.

Tiningnan ito ni sir pero mukang hindi nito naintindihan ang itinanong dito. Bumaling sa gawi ko si sir. Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng matagal itong tumitig sa akin. Tumigil ka Jessica!

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko no'ng ngumiti sa akin si sir. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Sebastian.

"Let's go, bro. Ihahatid na kita sa kwarto mo" wika pa nito kay sir na sinimulan na itong alalayang pumasok ng bahay. Hinawi ni sir ang pagkakahawak ni Sebastian dito.

"W-wife!" Usal ni sir habang papalapit sa akin. Natigilan ako sa sinabi nito. Nagulat pa ako no'ng bigla nalang ako nitong niyakap. "W-wife I-I'm home. H-how's our b-babies?" Tanong pa ni sir sa akin habang isinisiksik ang mukha sa aking leeg. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lahat ng sinasabi nito ay naiintindihan ko at dahil doon ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksiyon ko. Natulala lang ako.

"What the? She's not even your girlfriend, bro. Stop hugging her" Suway ni Sebastian kay sir na sinimulan na nitong ihiwalay sa akin ang pinsan.

Lalo naman humigpit ang pagkakayakap sa akin ni sir Tristan kaya nabigo si Sebastian na paghiwalayin kami. Sumenyas nalang ako kay Sebastian na hayaan nalang muna nito ang pinsan nito. Nakita ko pa ang pagkairita sa mukha ni Sebastian pero hindi na ito nagreklamo.

Naramdaman ko ang pagdantay ng labi ni sir sa balikat ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Napakunot-noo ako no'ng mapagtanto ko na nagpipigil ito sa paghikbi. Umiiyak ba si sir? "I-I'm sorry, w-wife" Bulong nito sa akin na tuluyan na ngang humikbi sa balikat ko. 

Hindi ko alam kung bakit parang naramdam ko ang bigat sa dibdib na dala-dala nito. Sinimulan ko na rin itong yakapin pabalik. Nakaramdam ako bigla ng awa para dito. "I-I'm sorry for b-being stupid h-husband" Dagdag pa nito na niyakap pa ako ng mahigpit.

Ngayon ko napagtanto na sa kabila ng ipinapakita nitong tapang ay meron din itong itinatagong kahinaan. At masaya ako na ako ang nakasaksi no'n.


🌻 Thank youuuu for reading! Hope you like it 😊 Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now