One

45.6K 1K 74
                                    

Ruiza's P.O.V

Letse! Letse! Letse! Anong problema ng kupal na to at ayaw akong tigilan? Puro sya pagpapapansin! Anong trip nyang gawin? Asarin ako? Letsehin yung buhay ko na niletse na nya dati? The nerve!

Kasalukuyan akong narito sa opisina ko at ang mokong ay nakatanod sa akin at pinagmamasdan ako sa ginagawa ko!

"Umalis ka na nga kasi dito!" bwisit na sabi ko.

"Ayoko."

"Naiinis na ako sayo Heiton!"

"Naiinlove ulit ako sayo Crosante." nakangiting sabi nito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at ibinato sa kanya ang ballpen na hawak ko. "Gago!"

"I love you too."

"Levin tigilan mo na ko please. Tapos na tayo. TAPOS NA TAYO!" saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at nagtangkang lumabas ng pinto ngunit mabilis nya lang din nahila ang braso ko.

"I'm tired chasing you Ruiza. I'm tired , but still , I kept on chasing you. Dahil ayoko ng ulitin ang pagkakamali ko noon. Ang pagkakamali ko , na sumira sa atin noon!" seryoso at matigas na sabi nito.

"Stop it Levin. Ayoko na. Alin ba sa salitang AYOKO NA ang hindi mo maintindihan? Alin Levin at baka magawa kong ipaintindi sayo!" saka ko binawi ang braso ko rito.

"You're really asking me? Then , ipaintindi mo sa akin kung bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata mo , kitang kita ko ang pagmamahal mo para sa akin na ibinabaon mo ng pilit! Tell me Ruiza! Tell me! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hirap na hirap kang pagkatiwalaan at bigyan ulit ako ng isa pang pagkakataon!"

Tila nanumbalik lahat ng sakit sa akin dahil sa huli nyang sinabi. Lahat ng pagkamuhi na naramdaman ko sa kanya noon at muli ko nanamang naramdaman. "You cheated on me and you left me. You freaking left without saying anything!" then I slapped him.. hard at lumabas na ako ng opisina ko habang may bumabagsak na luha sa mga mata ko.

Sabi ko noon , hindi na ko iiyak. Sabi ko noon , hindi na ko magpapaapekto. Sabi ko noon , hindi ko na kahit kailan mamahalin ulit yung gagong yun. But here I am , devastated.

Mabilis kong tinungo ang parking lot as sumakay ng sasakyan ko. I drive home as fast as I could. I need to see my stress and pain reliever.

Nakarating ako ng bahay at sa garahe pa lamang ay may sumalubong na sa akin. "Mommy!"

"Hello there little buddy. How was your day?" saka ko ito kinarga.

"Tiring mommy. I and Yaya Liya played at the playground early this morning then we play x-box." at inihiga niya ang ulo nya sa balikat ko. "You mommy? How's your day?"

"Stressful little buddy. Kaya nga ako umuwi na para mapawi mo yung stress ni Mommy."

Partners In Crime (Freezell #1.5) [Completed]Where stories live. Discover now