Loving Patricia

Comincia dall'inizio
                                    

"ewan ko Pat pero wala talaga sa isip ko" komportable kong sagot sa kanya..

"baka kasi di pa yan tinatamaan" sabay turo sa puso ko.

Napaatras ako bigla nung dumikit yung daliri nya sa dibdib ko,  mejo na awkward lang 'coz i'm wearing sleeveless na mejo kita din cleavage. Di ko naman kinakaila na sexy naman ako kahit papano nu..

"oh i'm sorry i didn't mean to.. " nakita niya ata yung reaction ko.  Eh para naman kasing may kuryente ang kamay nya

"no, it's fine.. Sorry sa reaction ko Pat" ngiti ko pa.  We're both tipsy kasi nakikita ko na din siyang namumula.  Ba't sobrang ganda niya,  kahit nakainom na siya still umaapaw parin kagandahan niya.  Di naman sa insecure ako ah,  na aappreciate ko lang talaga siya.

"may dumi ba ako sa mukha ko?" umiling ako..  "wala naman sorry,  you're too pretty kasi" napangiti siya sa sinabi ko

"ano nga uli yung pangalan mo?" natawa ako sa tanong niya kasi ngayon ko lang din napansin na di pa pala ako nagpapakilala sa kanya..

"Monica haha ngayon ko lang din naalala di pa pala ako nagpapakilala" sa dami na naming pinag-usapan. Parehas kaming dalawa nagtawanana hanggang sa ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"haaay,  thank you Monica ha" ewan ko ba parang malungkot ang pagkasabi niya.

"no prob Pat,  thank you din dahil for a long time ngayon lang din ako nakipagkwentuhan ng ganito" tumawa siya ng kaunti

"same Mon, i guess we're destiny" di ko alam pero kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. 

Hinatid ako ni Pat sa apartment ko kaya pinapasok ko na muna siya,  parehas na kaming tinamaan sa ininom namin.

"hmm you want spicy noodles Pat" bulong ko sa kanya, nakita kong nakiliti siya sa ginawa kong yun kaya napa smirk ako..  Ewan ko ba ba't ko ginawa yun.

"ahm ah yeah meron kaba jan" tumango ako at tumingin sa orasan,  almost 1am na pala..

After kong magluto eh nakita ko si Pat na nakatulog na sa sofa. I stopped and stare at her di nakakasawang tingnan.  Umiling ako dahil ba't ko ba naiisip mga ganito,  ano pinagnanasaan ko ba siya?  Haha no way!  Di pa ako nababaliw.

Hindi ko na siya ginising kasi mahimbing naman na tulog niya binigyan ko nalang siya ng unan at kumot,  kasya naman sya sa sofa kasi skinny naman siya. 

Sa carpet nalang din ako natulog katabi ng sofang tinutulogan ni Patricia nakakahiya naman kasi na matulog ako sa kwarto ko tapos siya dito lang.

Alas onse na ng umaga ako nagising pero pagtingin ko sa sofa wala na si Pat siguro ay umuwi na sya na di manlang ako ginising.

---

" blooming ka ata bbgurl" sabi nung isang teller na bakla na Markjohn ang pangalan haha tinarayan ko lang siya. 

Buong araw na busy ang beauty namin ni Mj halos di kami makapag chikahan. Dahil bantay sarado yung manager namin na kala mo kung sino..

"hayy" buntong-hininga ni MJ alam kong pagod din siya. 

"mag resign na kaya tayo" pagbibiro ko sa kanya

"ano kaba ang hirap maghanap ng trabaho ngayon" oo nga naman may point naman siya.

"kairita talaga yung babaeng yun kainis" natawa nalang ako dahil ako din naman sobrang inis dun

--
After duty ay nagpunta kami si MJ sa supermarket dahil mag gogrocery kami payday naman din ngayon..

One shot stories (gxg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora